Kabanata 19

23 4 0
                                    

Calilah Agatha's

6 years later

"Raya Chenoah!" Sigaw ko at hindi naman nagtagal ay bumukas ang pinto at iniluwa noon ang limang taong gulang kong paslit. Pawis na pawis ito dahil sa paglalaro sa labas. Ang pisngi ay pulang-pula dahil siguro sa init ng panahon.

"Mama! Nandito ka na!" tuwang-tuwang sabi ng bata sabay damba sa'kin ng yakap kaya napangiti na lang ako at saka hinalikan siya sa ulo. Nakakawala talaga ng pagod pag nakikita ko ang batang ito. Ang tanging yaman ko.

"Amoy pawis ka na, anak. Sabi ko sayo, wag kang masyadong maglalaro sa labas pag patanghali na" sermon ko sa kanya habang pinangigigilan ang matangos na ilong niya pero tanging hagikhik lamang ang naging sagot niya.

Naupo ako sa sofa at saka kinandong siya. Inabot ko ang suklay at inumpisahang suklayan ang mahaba at itim na itim niyang buhok. Hanggang ngayon ay nagpapasalamat pa rin talaga akong sa akin niya namana ang mga pisikal na katangian niya. Sabi nga ni Carlee ay parang pinagbiyak kaming bunga.

Noong gabing umalis ako sa condo ni Tristan ay si Carlee ang una kong tinawagan para hingan ng tulong. Hindi naman nagdalawang isip ang kaibigan ko. Noong nalaman niya na kailangan ko ng matutuluyan ay kaagad na ihinatid niya ako sa probinsya nila para doon pansamantalang manatili at magpalamig na din. Payapa daw kasi doon at makakapag-isip-isip ako. Hindi rin daw ako matutunton doon ni Don Sofronio kung tatangkain nitong hanapin ako dahil liblib ang lugar nila. Napilitan kasi akong ikwento sa kanya ang lahat-lahat.

Bagamat salat sa buhay ay mabait ang pamilya ni Carlee. Nanay lang ang mayroon sila dahil namayapa na daw ang haligi ng tahanan. May dalawang nakababatang kapatid si Carlee na pawang nasa high school pa lamang. Naalala ko tuloy sina Ataliah at Kamilah sa kanila.

Maayos ang buhay ko simula noong lumayo ako at napadpad sa lugar na wala akong kakilala. Sa lugar na walang nakakaalam ng background ko maliban kay Carlee. Sa lugar na walang namimilit at nananamantala sa akin. Noong mga panahong iyon ko lang naramdaman ang totoong kapayapaan.

Gaya ng gusto ni Tristan ay pinutol ko na ang koneksyon namin ng lahat ng tao sa nakaraan ko kasama na roon ang pamilya ko. Hindi ko na tinangka pang kontakin sina Nanay at Ataliah dahil ayoko na ng gulo. Baka kasi pag nalaman nila kung nasaan ako ay hindi sila tigilan ni Don Sofronio. Mahirap na. Baka malaman pa iyon ni Tristan at guluhin din niya ang pamilya ko. Ayoko na. Pagod na pagod na ako sa kanila. Gusto ko na lang ng katahimikan.

Makalipas ng dalawang buwang pamumuhay ko sa probinsya nina Carlee ay nalaman kong buntis ako. Halos pagsakluban ako ng langit at lupa sa nalaman ko. Takot na takot ako dahil paano ko bubuhayin ang anak ko kung wala akong trabaho? Hindi ko rin natapos ang pag-aaral ko. Nakikitira pa ako sa ibang bahay. In short, palamunin pa ako ng ibang tao.

Dahil sa kondisyon ko ay pinilit ko ang sarili kong makahanap ng trabaho. Mahirap man ang buhay ay hinding-hindi ko idadamay ang batang ito sa kamalasan ko. Kung ayaw sa kanya ng mundo, pwes ako lang ang magiging kakampi niya. Mabubuhay kami ng kami lamang dalawa.

Pumasok ako bilang tindera sa palengke at kung minsan ay nagtututor din ako sa mga batang hirap makabasa para makaipon. Minsan naman ay sumasali ako sa mga singing contest sa baranggay. Kinalimutan ko ang hiya. Kailangan ko ng panggastos sa anak ko kaya hindi na ako nahihiya. Ang hirap-hirap kitain ng pera at ang mahal mahal ng mga bilihin kaya doble o triple kayod ako.

Para lalong makatipid ay sa public center na lang ako nagpapacheck-up. Gustuhin ko mang magpa-ultrasound ay hindi kaya ng budget ko. Sapat na sa'kin na nararamdaman ko ang baby ko kaya alam kong safe siya habang nasa tiyan ko.

Sa isang public hospital lang din ako nanganak. Wala akong kasama dahil sa palengke na ako inabutan. Sinugod lang ako dito nung mga kasamahan ko doon at pagkatapos ay umalis na rin sila. Kinabukasan pa dumating si Nanay Gloria, ang nanay ni Carlee para alalayan ako.

GalimgimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon