Calilah Agatha's
"Really, Calilah? Ganyan ang isasagot mo sa'kin after 6 long years? Where was my sweet Calilah then, huh?" tanong niya pagkatapos ko siyang pakitaan ng gitnang daliri. Ang kapal-kapal ng mukha dahil habang sinasabi niya iyon ay presko lang siyang nakatingin sa'kin habang nakataas ang sulok ng labi.
Nakahalukipkip ako at awtomatikong tumaas ang isang kilay ko. "Anong ginagawa ng isang demonyo sa lugar ng mga inosenteng bata? Hindi ka nababagay dito, Laurente"
Bakas ang gulat sa mga mata niya dahil sa mga sinabi ko. Nakipagsukatan pa siya ng tingin sa'kin pero hindi ako natinag kahit na ang totoo ay nangangatog na ang mga tuhod ko. Ang lakas rin ng kabog ng dibdib ko dahil sa totoo lang ay natatakot pa rin ako sa kanya. Hindi ko nga alam kung saan galing ang lakas ng loob ko at nasagot ko siya ng ganun. Baka mamaya, bigla na lang siyang magwala dito at saktan na naman ako. And worst, baka madamay pa ang mga bata.
"A-ayy! M-ma'am!" napakurap-kurap ako nang lumapit sa'kin ang yaya ni Riella at mahigpit na kumapit sa braso ko. Bakas ng takot at pag-aalala ang mga mata niya habang pasimpleng tinatago ako sa likuran niya. "M-mam naman e, akala ko ba tutulungan mo akong mag-explain sa amo ko? Baka lalo akong matanggal sa trabaho dahil sayo e!"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Kung ang lalaking ito ang amo niya, ibig sabihin, ang lalaking ito rin ang ama ni Riella!
Lalong tumindi ang kaba sa dibdib ko. Hindi ako nagulat na nagkaanak siya pero p-paanong nangyari na kamukhang-kamukha ko ang anak niya?!
"D-daddy? Y-you're here" lahat ng atensyon namin ay natuon kay Riella nang magsalita siya. Gising na ang bata samantalang si Raya na katabi niya ay tulog na tulog pa rin.
Muling tumingin ako kay Tristan para magtanong pero umiwas ito ng tingin sa'kin. Lumapit siya sa anak niya at naupo sa edge ng kama. Hinalikan niya ang bata sa noo at hinaplos-haplos ang pisngi nito. "You made Daddy so worried. What happened, doll?"
Ang lamyos-lamyos ng mga tinig niya habang kausap ang anak niya. Malayong-malayo sa mayabang, ipokrito at bayolenteng lalaki na pinakisamahan ko noon.
Ngumiti si Riella "I'm okay na po. I had a fun day, Daddy. Thanks to Raya and Mama"
Kung ako ay napasinghap pa sa pagkagulat dahil sa sinabi ng bata, si Tristan naman ay ngumiti lang at saka pinisil ang pisngi ng anak. Bumaling siya kay Raya at sa pangigilas ko ay hinaplos-haplos niya ang buhok ng natutulog kong anak.
Maganda ang tanawin sa aking harapan at sa hindi ko malamang dahilan ay nangingilid ang luha sa mga mata ko pero talagang nangigibabaw ang pagpupukos ko ng damdamin. Walang karapatan si Tristan na hawakan si Raya at kailangan ko ng kasagutan tungkol sa pagkatao ni Riella.
Hindi na ako nakapagpigil pa kaya lumapit ako sa kanila. Nginitian ko si Riella at saka hinawakan sa kwelyo si Tristan. Kunot noong tumingin ito sa'kin kaya pinantarakan ko ng mata pero ang mga labi ko ay nananatiling nakangiti. "Can we talk?"
Bumuntong hininga ito at sa pangigilas ko ay pinalis ang kamay kong nasa kwelyo niya. Tumayo ito sa kama at saka binalingan ang yaya ni Riella. "Anita, may kakausapin lang ako. Look after the kids"
Bago pa makasagot yung yaya ay tinalikuran na kami nito at lumabas ng pinto. Napabuntong hininga na lang ako at saka sumunod sa kanya.
Pumasok siya sa isa sa mga bakanteng classrooms kaya sumunod ako sa kanya. Noong nasa loob na kami ay humarap siya sa akin at saka tinaasan ako ng kilay. Parang bored na bored na humalukipkip pa siya sa harapan ko kaya huminga ako ng malalim at sinalubong ang tingin niya. Ilang beses pa akong lumunok ng laway dahil hindi ko alam kung saan ako magsisimulang magtanong.
