Kabanata 16

32 4 0
                                    

Calilah Agatha's

Who the hell are you? Anong ginagawa mo dito sa condo ng boyfriend ko?

Boyfriend?

Syempre ang boyfriend na tinutukoy niya ay walang iba kundi ang asawa ko.

Naikuyom ko ang mga kamay ko. Anong ginagawa niya dito? Diba't umalis na siya at sumama sa iba? Iniwan niyang luhaan at sirang-sira si Tristan tapos ngayon ay babalik siya para sabihin na boyfriend niya ang asawa ko?!

Pinanatili ko ang pormal na ekspresyon sa aking mukha at saka buong tapang siyang hinarap. "Asa --"

"Baby?" akmang sasagutin ko siya nang may magsalita sa likuran ko. Nag-aalalang nilingon ko siya. Hindi niya pwedeng makita ang babaeng 'to!

Wala pa ring suot na pang-itaas si Tristan nang makita ko. Gulo-gulo ang buhok niya at kunot na kunot ang noo habang nakatingin sa'kin nang may pagtatanong. "Sinong kausap mo?"

Bago pa ako makasagot ay may mga kamay nang tumabig sa'kin dahilan para mawalan ako ng balanse at tumama sa hamba ng pinto.

"B-babe" maluha-luhang tawag ni Selene sa asawa ko. Ang kunot na kunot na noo ng huli ay unti-unting napapalitan ng gulat. Bahagyang umawang ang kanyang mga labi at nanlaki ang kanyang mga mata.

Napaiwas ako ng tingin nang basta na lang dinamba ni Selene ng yakap ang asawa ko. Ang kanyang mga hikbi ay napalitan ng hagulhol at pagsusumamo. At sa pag-iwas ko ng tingin ay hindi nakatakas sa mga mata ko ang pag-agos ng luha mula sa mga mata ng asawa ko.

Tanging hagulhol at hikbi lamang ang namamayani sa buong condo unit. Ang parehang nasa aking harapan ay tila larawan ng magkasintahang matagal nawalay sa isa't-isa at muling pinagtagpo ng tadhana.

Maganda at nakakaantig puso sana itong pagmasdan pero para sa'kin ay napakasakit nito. Parang dinukot ang puso ko at tinapak-tapakan pa dahil ang lalaking nasa larawan ay walang iba kundi ang asawa ko. Ang lalaking mahal na mahal ko.

Napahawak ako sa hamba ng pinto dahil nakaramdam ako ng panghihina ng tuhod nang ipalibot ni Tristan ang mga braso niya sa bewang ni Selene. Hinalikan din niya ang noo nito na parang sinasabing magiging maayos din ang lahat.

Ayoko nang saktan pa ang sarili ko kaya tumalikod na ako at tuluyang lumabas ng condo. Habang naglalakad ay parang bukal na tumulo ang mga luha ko. Ang sakit-sakit ng dibdib ko at nanginginig ang mga tuhod ko kaya ang pader ang tanging naging kaagapay ko para hindi tuluyang matumba.

Nang hindi ko na nakayanan ay naupo ako at pilit na kinalma ang sarili ko. Muli ay nilingon ko ang condo ni Tristan. Sarado na ang pinto nito ngayon. Ni hindi man lang niya ako naalalang habulin. Maniniwala naman ako kung magpapaliwanag siya. Hindi ako magtatanong kung ayaw niya at hindi rin ako magagalit kung hinalikan at niyakap niya ang babaeng yun. Pikit mata kong tatanggapin lahat ng nangyari.

Nakatitig lang ako sa blankong pader habang kinakalma ang sarili ko. Hindi ko na rin naalalang kailangan ko nga palang pumasok ngayong araw. Siguro ay may parte pa rin sa'kin na umaasang natatauhan siya, maaalala niya ako at sa huli ay hahabulin niya ako.

Napakurap-kurap ako nang tumunog ang cellphone ko. Si Carlo/Carlee ang tumatawag. Classmate ko na beki. Mabait ito at naging kaibigan ko na rin. Scholar siya sa university namin at siya lang ang nakakabonding ko doon pag trip kong kumain ng street foods. Maarte kasi yung ibang kaibigan namin. Mga anak mayaman.

"Bakla ka! Nasan ka na?! Bakit hindi ka pumasok kaninang first period?" nag-aalalang tanong niya kaya ko narealize na halos isang oras na pala akong naghihintay dito.

Muli ay tumulo na naman ang nga luha ko. Ano na kayang ginagawa nila sa loob?

"Hoy! Reporter tayo sa next subject, gaga! Kailangan mong pumasok! Bilisan mo!!" bakas sa tinig niya ang pag-aalala kaya napabuntong hininga na lang ako at pinilit ang sariling tumayo.

GalimgimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon