Kabanata 18

28 4 0
                                    

Calilah Agatha's

"Sign it, Calilah" mariing utos sa'kin ni Tristan habang kaharap ang mga dokumentong magpapasawalang bisa ng kasal naming dalawa. Gamit ang nanginginig na mga kamay ay inabot ko ang ballpen at dahan-dahang itinapat sa pangalan kong nakasulat sa ibabang parte ng papeles.

Akmang pipirma ako nang basta na lang bumukas ang pinto. Sabay kaming napatayo ni Tristan nang pumasok mula doon si Don Sofronio kasama ang ilang tauhan. Batay sa ekspresyon ng mukha niya ay hindi siya natutuwa sa mga nagyayari. "Anong kagaguhan na naman ito, Tristan Milandro?!"

"Dad, Selene finally came back. Hindi na namin kailangan pang magsama ni Lila dahil hindi naman namin mahal ang isa't-isa. Si Selene ang mahal ko at balak na naming ituloy ang kasal naming dalawa" habang nagpapaliwanag si Tristan sa ama niya ay nakayuko lamang ako habang nangingilid ang luha sa aking mga mata.

Napasintido ang Don at tila ba hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ng anak niya. "Tarantado ka talagang bata ka. Paano mo papakasalan si Selene gayong kasal pa siya kay Romano? May anak sila, Tristan! Talaga bang sisira ka ng pamilya para lang sa pansariling kaligayahan mo?"

Kumuyom ang mga kamay ni Tristan at ramdam na ramdam ko na ang galit niya sa mga oras na iyon. "Gago ang Romanong iyon! Sinasaktan niya si Selene! Kailangan kong mailayo sa kanya si Selene!"

Napasigaw ako nang basta na lang niyang sinipa ang center table dahilan para tumaob iyon at mabasag. Kitang-kita ko ang labis na galit sa mga mata ni Tristan habang pinagtatatapon niya ang mga gamit dito sa sala. Pilit na pinipigilan siya ng nga tauhan ni Don Sofronio pero hindi nila ito kaya.

"Tangina! Gusto ko lang naman sumaya! Bakit ayaw ninyong lahat na maging masaya ako?!" sigaw siya nang sigaw habang hinahagis ang lahat ng mahahawakan niya.

Kitang-kita ko kung paano tumulo ang luha ni Don Sofronio habang nakatingin sa anak niya. Gustuhin man niya itong lapitan at yakapin ay hindi niya kayang lumapit. Sa huli ay hinayaan na lang namin si Tristan hanggang sa mapagod siya at naupo sa sahig habang yakap-yakap ang mga tuhod niya at pilit na sinasabi na gusto lang naman niyang sumaya.

Sa loob ng mahigit halos dalawang taon ko siyang kasama, alam kong madali talaga siyang magalit, mapikon at may tendency na manakit siya pag galit siya pero ngayon ko lang siya nakitang ganito. Ngayon ay napagtanto ko na hindi ko pala talaga siya lubos na kilala.

Kahit nanginginig ang mga kamay at tuhod ay dahan-dahang lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi niya. Gusto ko siyang damayan dahil kahit gaano man kapangit ang ginawa niya kani-kanina lang ay alam kong sa loob-loob niya ay hindi niya rin ginusto iyon. Sa mga panahong magkasama kami ay alam kong mabait pa rin siya at desperado lang makatikim ng kaligayahan. Sino ba namang hindi? Lahat ng tao ay ganun ang gusto.

Hinaplos-haplos ko ang buhok niya. Nang hindi siya pumiksi ay dahan-dahang kinabig ko siya para yakapin. Walang pagtutol na isiniksik naman niya ang mukha niya sa leeg ko. Hinalikan ko siya sa sintido niya. "Hush now, Tristan. Everything will be fine"

Nang makatulog si Tristan ay dahan-dahang binuhat ito ng mga tauhan ni Don Sofronio at saka dinala sa kwarto. Napabuntong hininga naman ako at napatingin sa paligid. Wasak lahat ng gamit. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kabayolente.

"Lila, pwede ka bang makausap?" napatingin ako kay Don Sofronio nang magsalita siya. Kiming tumango ako bilang pagpayag kaya tumalikod siya sa gawi ko at nagpunta sa dining area. Kaagad na sumunod naman ako sa kanya at naupo sa harapan niya.

"I'm sorry, Lila. Hindi mo dapat nakita ang bagay na yun" malungkot na panimula ng Don kaya napayuko na lang ako. Hindi ko naman ikakaila na natakot ako sa nangyari kanina. "Tristan's love for Selene is destructive. Obsessed siya masyado kay Selene kaya along the way ay nasisira niya ang sarili niya. Hindi ko alam kung bakit naging ganun siya, kung ano bang nakita niya sa babaeng iyon gayong wala talagang naidulot na maganda ang taong iyon sa anak ko. Dahil sa kanya, Tristan developed his trauma of abandonment. Lumala din ang anger issues niya na naglead sa pagiging aggressive niya. He even became an alcoholic and an addict! Ano bang mayroon ang babaeng iyon at nakaya niyang sirain ang buhay ng anak ko?!"

GalimgimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon