The Graduation

9 1 1
                                    

Chapter 04

Dumating ang pinakahihintay niyang okasyon sa buhay niya, ang kanyang pagtatapos.

Sa auditorium ng bayan ito ginanap at ang nangungunang panauhing pandangal ay walang iba kundi ang kanilang gwapo at butihing Congressman Jules Ledesma.

Flashback

Bago nagsimula ang ceremony, masaya ang lahat .
Picture dito picture doon ang ginawa ng mga kaklase niya kasama ang mga parents nila.

Pero ako ay nasa isang sulok lang tahimik na naghihintay sa pagdating ng pamilya ko.

Hindi talaga ako nadala na ganoon naman palagi mula first year high school ako lagi akong may award dahil kasama ako sa Top 10 pero walang umaattend para sa akin.

Akala ko ay iba na ngayon kasi graduation ko e, Pero ganun pa rin pala.

end of flashback

Umalis ako sa kinatayuan ko at pumunta na sa pila ng ga-graduate.

Nakita ko lahat sila ay may magulang na katabi pero sa akin ay wala. At may malalaking ngiti sa mukha na tanda na masaya sila.

Yung katabi ko sa linya nagtanong sa akin kung sino daw ang aattend sa akin. Pero di ako sumagot.

Ako lang sa lahat ang pinaka malungkot na magtatapos.

May nagyaya naman sa akin na mga classmate ko na sumama na lang ako sa kanila pero tinanggihan ko.

Nang nag- umpisa na ang awarding ng diploma, umaasa na naman ako na kahit may isa na hahabol at kasama kong aakyat sa stage kasi ganoon e kasama ang parents sa marching .

Nadismaya na lang ako dahil noong ako na ang tinawag wala talaga sila Mama pati ang ate ko.

Habang naglalakad ako paakyat sa stage sumasabay rin ang mga luha ko sa akin.

Ako ang walang make up ,walang picture ,at higit sa lahat walang dumalong magulang.

Flashback

"Ma , sa makalawa na ang graduation ko", balita ng ate ko sa Mama namin

"Anong oras iyan?," tanong ng mama sa ate ko

" Basta andoon kayo alas singko ng hapon, kasi ala siete ng gabi mag uumpisa ", paliwanag nito

"Sige arkelahin namin ang tricycle ng Tito mo", sabi ulit nito.

End of Flashback

Pagkatapos noong awarding pumunta na ako sa upuan na nakalaan para sa aming nagsipagtapos.

Doon sumabog ang pinipigilan kong mga luha, habang nakatingin ako sa entablado na masaya silang nagpicturan kasama ang aming Congressman . Naalala ko kasi kung gaano sila Papa at Mama nung nagtapos rin ang aking ate.

Kasama pa ako noon pero di lang ako nakapasok kasi exclusive lang daw sa mga graduating ang lugar kasi maliit lang ito .

Napaka saklap talaga. Pero wala na akong magawa . Pilit kong tanggapin kahit nasasaktan ako. Ganoon naman sila walang pakialam sa akin.

Pagkatapos ng seremonya at nagpakain ang aming butihing Congressman Jules, ang daming pagkain.. nakalagay sa isang malaking plato bawat nagtapos may isang plato na pono ng masasarap na pagkain, may juice pa at cake.

Kaya ang lungkot na naramdaman ko nawala dahil sa pagkain. Kumain ako mag isa sa isang sulok.

Pagkatapos kong kumain ay umalis na ako hindi na ako umaattend pa noong sinasabi nila sa'kin na graduation ball.

To be continued...



Ang Pakikipagsapalaran at Buhay Pag-ibig Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon