The Stepping Stone to Success

7 1 0
                                    

Chaprer 32

Napakabilis ng mga pangyayari sa buhay ko na kahit ako diko halos mapaniwalaan na mangyari ito sa akin. Pumunta ako sa siyudad para magkaroon ako ng puwang sa mga mata nang mga taong walang tiwala sa aking kakayahan. Kakayahan bilang tao pero siguro nga kung ang tadhana na ang kumilos wala kang kakayahan na pigilan ito kaya ito nangyari sa akin. Pero kelangan ko na baguhin at pipilitin kong baguhin para hindi na mauulit pa sa hinaharap. I stopped thinking when someone opened my door,
"Anak,  mukhang  ang lalim  nang iyong iniisip, kanina  pa  ako kumakatok  pero parang hindi  mo yata ako narinig ",
"Pasensya na po kayo Ma, hindi ko ho kayo narinig na kumatok..bakit po may kelangan ho ba kayo sa akin?
"Regarding sa pinakukuha mong gamit sa unit mo, nadatnan ko roon ang asawa mo if I am not mistaken that he is your husband ,anak "
"Sigurado po Ma, s'ya lang naman ang may access sa unit ko at nasa kanya po ang binigay niyong susi sa akin noon."
"Pero nakuha ko naman iyong importante na gamit na sinasabi mo ,nak.. at ito nga pala ang envelope", sabay abot sa kanya nito
"Wag kang mag-alala ,nak wala akong sinsabi sa kanya na kahit ano at wala rin siyang nabanggit tungkol sa iyo.",
"Salamat po alam ko po na maaasahan ko po kayo pagdating diyan, Ma"
"May importante rin po pala akong sasabihin sa inyo,"
" 'Yong naging kaibigan ko po sa modeling, nag-offer po sa akin na isama niya ako sa Italy."
"Paano iyang pinagbu-buntis mo kung aalis ka?!",
"Sabi po niya ,wala raw po magiging problema, advantage pa nga daw po, kasi iyon po'ng tita niya model tapos po iyong promotional na humahawak sa tita niya , matagal na daw po naghahanap ng pregnant model para gawen po'ng ambassador sa ginagawang campaigns sa isang non- government organisation daw po sa Italy at kahit anong lahi raw po ang kinukuha about Pregnant Women Awareness ang tema...Kaya po I try my luck Ma, para makalayo rin kami sa lugar na ito at the same time matupad ko po ang pangarap na magtagumpay. " mahaba kong paliwanag
"Kung sa tingin mo iyan ang mabuting paraan para maging successful ka, at matupad mo iyong pangako mo sa iyong Papa , su-suportahan kita 'nak."
"Basta huwag kang makalimot magdasal sa panginoon."
"Isama ka rin namin sa aming panalangin, anak.."
"Maraming salamat po Ma, siguradong pakiki-kinggan nang Ama ang inyong panalangin para po sa akin kasi napakabait niyo po."
"Ikaw rin ,anak.. Alam kong mabait kang bata at nasigurado kong lalaking mabait rin ang anak mo.",
"Yan po ang panalangin ko Ma,
Natigil kami sa pag-uusap namin ni Mama Tess dahil sa isang katok at tumambad sa amin si Henry.
"Ma , hindi pa ba kayo tapos mag-usap ni Elisa?, gutom na ako !", nakasimangot na sabi
"Paano ka magutom e wala ka namang trabaho?!",
"Ayy siya ang harsh mo sa guwapo mong anak ,Ma! 'pag ako nakapag-trabaho baka sasabihin mo na naman na huwag na ako magtrabaho.",
"Halika ka na nga anak , para matigil na itong damuhong ito", natatawa naman ako sa dalawa.
Pagkatapos naming kumain ako na nagpresintang maghugas ng pinagkainan Pero hindi pumayag si Mama Tess kaya ang ending si Henry ang nagligpit ng lamesa at naghugas ng mga plato.
"Kami naman ni Mama ay nagtungo na sa may salas para manuod ng Korean teleserye.
Nagpaalam ako papasok na sa aking kwarto at pagdating nahiga na para matulog.
Nagising ako ng maaga kinabukasan at naligo rin ng maaga. Inaayos ko na aking sarili para sa pagdating ni Rain handa na ako.
Naghintay ako ng ilang oras saka sinasabi sa akin na dumating na si Rain.
"Anak nariyan na ang hinintay mo'ng kaibigan,lumabas ka na riyan! ", tawag sa akin ni Mama Tess.
"Nariyan na po ,Ma..",
"Pasok ka muna iha ", aya ni Mama Tess
"Thank you, Ma'am!", masayang sabi nito
"Good morning everyone, "bati ko sa kanila at napuna kong close na kaagad sila sa isat isa si Rain at MamaTess.
"Besh! ", tinignan siya nito ng mabuti at niyakap ng mahigpit
"Ang sabi ni Madam Avery, you almost killed her pero sa nakikita ko sa hitsura mo ngayon besh mukhang ikaw ang malala at ikaw nagulpi ng mabuti. Nandiyan pa rin ang mga pasa oh..kitang kita pa rin", habang binaling baling ang kanyang mukha kaliwa't kanan
"Besh mukhang hindi lang mga pasa ang masakit sa akin pati yata leeg magkakaroon na rin ng injury dahil sa ginagawa mo ngayon sa akin ", reklamo ko
"Hehe pasensya na besh, I just carried away, pero wala kasing kahit isang pasa si madam Avery para sabihin niya na pinagtangkaan mo siyang patayin ", rant nito
"Kung nandito ka noong time na nangyari iyon,iha maawa ka talaga..sobrang nakakaawa talaga ang hitsura niya bukod sa namamaga ang mukha niya duguan pa dahil sa sugat na natamo niya sa ulo niya. At ang sabi ng doctor nakuha niya raw iyon dahil sa merun matulis at matalim na bagay na pinokpok sa ulo ata ni Elisa.", paliwanag nito
"Pinagawan ko na ng medical record yang nangyari sa kanya, iha... just in case na kelangan", dagdag pa nito
"At kinuhanan rin ng anak ko ng picture ang mga pasa niya, sa ganun may katibayan tayo sa nangyari. ", ulit na paliwanag ni Mama Tess
"Salamat po ma'am at naisip niyo po iyon ", pasalamat nito kay Mama Tess
"At wag muna akong tawagin na ma'am iha, tawagin mo na lang akong Tita ", nakangiti nitong sabi
"Tamang tama ang dating mo iha,nakapaghanda na ako ng ating almusal..anak isama mo na ang iyong kaibigan sa kusina at huwag na kamo siyang mahiya, sabay sabay tayong kakain", sabi pa ulit nito
"Henry! ano kaba namang bata ka..hindi kana nahihiya dito ka pa talaga nagkamot ng tiyan sa harapan ng bisita ", talak nito sa anak
"Ma... bakit ako mahiya e ang ganda ng katawan ko, sila dapat mahiya dahil nakikita nila ang kamachohan ko, di ba Elisa?!." pagmamalaking biro nito, nagkibit lang ako ng balikat sa sinasabi nito at binatokan naman ito ni Mama Tess habang tawang tawa naman si Rain
Sa hapag kainan
"Nabanggit ng anak kong si Elisa iha na niyaya mo raw siyang sumama sa iyo sa Italy",
"Yes po tita.. matagal na po akong kinukuha ng tita ko kaso ayoko naman po na walang kasama.",
"Kaya naisip ko si Elisa na siya po ang isasama ko.", tumingin naman sa akin si Mama Tess
"Paano 'yang", sabay tingin ni Mama Tess sa tiyan ko
"Ma alam na po niya, ang kalagayan ko, nasabi ko na po sa kanya kahapon sa telepono", paliwanag ko
" Wala pong maging problema iyang baby niya Tita , mukhang si baby pa nga po ang swerte ni beshy .", sagot nito
"Napahawak naman ako sa tiyan ko," hindi pa man siya lumabas pero nakakatuwa na."
"Huwag mo sanang pabayaan si Elisa doon,ha?!
Kumakain lang ng tahimik si Henry.
"Bigyan nio ako ng update palagi, para sa ganun may alam rin ako.", dugtong na sabi nito
"Nga po pala Tita, isama ko na po si Elisa pag-uwi ko, para po doon na lang po siya maghintay sa kanyang travel documents.. mamaya po kasi Tita baka kapag dito po siya e makita po siya ng mga tauhan ni Avery. ",
"May posibilidad nga naman, sige iha mas okay yang isama mo na si Elisa sa bahay niyo.", sang ayon nito.. pero mamayang gabi na kayo aalis",
"Opo tita", sagot nito
"Sa sandaling pananatili mo sa pamamahay ko anak, nagkaroon ng kulay ang bahay ko, hindi ka pa nakakaalis namimiss na agad kita ", maluha luhang sabi nito
"Ma iyan ang epekto sa kapapanood mo ng Korean drama ", natutoto ka na ring mag- emote
"Aray ko naman ma, bakit mo ko binatukan?!", tanong nito sabay hawak sa nasaktan na batok
"Poro ka kasi kalokohan e", singhal nito sa anak
"Kanina pa ako naririndi sa kadramahan ninyong tatlo e",
Sabay sabay naman naming tatlo itong tinignan ng masama",

Ang Pakikipagsapalaran at Buhay Pag-ibig Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon