Matthew Behind Story IV

6 1 0
                                    

Chapter 55

"Mom gusto ko nang lumabas dito sa hospital ", nababagot kong sabi sa mommy na kinalingon nito sa gawi ko.At tumigil sa paglilipat ng palabas sa television.

"Sabi ng doctor hindi ka pa puwede na lumabas ngayon, anak... dahil sa nagkaroon ng gasgas ang liver mo... At nagkaroon ka ng internal bleeding", nalulungkot nitong sabi  na  nakonsensya  naman ako kaya hinawakan ko ang  mga  kamay ng  mommy

"Ang sabi ng doktor mo,anak.. tapusin mo muna ang medication mo dito sa hospital, hindi daw biro ang pagdurugo ng iyong liver at tignan mo ang kulay mo", paliwanag nito na nakita niya ang malalim nitong paghinga na tanda ng pagpipigil nito ng matinding emotions

Tinignan niya ang kulay ng kanyang balat, yellowish nga ito na normal na sa isang pasyente daw na maranasan ang paninilaw ng balat.

Naawa  na rin kasi siya  sa mommy  niya  na ginawa  nang bahay ang hospital.  Binibisita  naman  siya  ng Papa  niya  pero hindi  rin ito nagtatagal sa hospital  dahil may inaasikaso  rin itong  kompanya. Maging  ang dalawa  niyang kaibigan dumadalaw rin naman. Pero ang mommy  niya  believe siya dahil kahit pasaway  siya nagawa  pa rin nitong  pagtyagaan alagaan at pupunta  sa pharmacy kung  nauubusan  siya  ng dextrose . Kinakabitan  kasi  ng IV dahil sa gamot niya  pinadadanan  sa IV or intravenous in English is ( in the  vein) sa tagalog sa ugat  pinadadanan ang  mga  gamot  niya  na sobrang  masakit  kapag  nasa  ugat  na  ito.  Matiyaga  naman  ang mommy sa kanya para  siya  ay damayan. Na ngayon  niya  lang talaga  na realized ang kanyang  katigasan  ng ulo.  Kung hindi pa niya  naranasan ang nangyari sa kanya  ngayon. Totoo  nga  talaga  ang kasabihan  na nasa  huli ang palaging pagsisisi.

I'm sorry for being hard headed sa inyo mommy.. now I realize all my mistakes.", madamdamin kong pahayag

"Ang gusto ko lang anak na maging maayos kayong magkakapatid, kung may nagawa man akong malaking pagkakamali sa inyo ni Elisa yon ay dala lamang sa pagmamahal ng ina sa kanyang anak. Pero kong alam ko lang ang totoo hindi naman ako kontrabida sa kaligayahan niyong mga anak ko."

"Kung maibabalik ko lang ang panahon at nagkataon na alam ko.. ako pa mismo anak ang magtutulak sa iyo para kay Elisa. Nakikita ko 'yon sa S and S , masipag na bata , hindi mareklamo at hindi nakikipag- away sa mga kasamahan niya.

Ganun ang asawa niya noong nakikita niya ito noon. Nakikinig lang iyon sa kanya kapag siya ang nagsasalita. Kaya madaling nahulog ang loob niya dito. Hindi niya namalayan na tumutulo na kanyang mga luha sa mga mata niya.

Umabot rin siya ng dalawang linggo sa hospital, Pagkalabas nila sa hospital, hindi rin siya pinayagan ng mommy na pumasok sa restaurant.. kaya tadtad talaga ang kanyang katawan sa pahinga.

Para siya tuloy bumalik sa pagiging bata sa pag-aasikaso ng mommy niya, halos subuan na siya ng pagkain at paliguan na rin. Baby na baby nga ang dating niya.. inggit naman sa kanya ang kuya.

Yon nga lang ang daming bawal, pero kaya namang sundin. Kasalanan ko rin naman kasi.

Umabot ng kalahating taon bago ako gumaling ng lubusan sa tulong nang pamilya ko lalo na kay mommy.

Kasalukuyan ako nasa mall dahil bigyan ko ng surprise gift ang mommy. Pumasok ako sa isang boutique para pumili ng damit na bagay kay mommy nang may bumati sa akin

"Ikaw nga Matthew Dela Fort", kinikilala ko naman ito kung sino. Nang maalala ko , nagkamustahan kami.. Clasmate ko pala noong high school si Michael

"Kumusta ka na?", pangomosta sa kanya
"Ito maayos naman, pare.. nabalitaan ko na merun ka na daw sariling restaurant, balita sa akin ng pinsan ko.. Big time ka na talaga
"Mas magandang sigurong mag-uusap tayo over coffee, ano sa tingin mo?", masayang sabi nito
Pumayag naman siya sa sinasabi nito.. naglakad sila sa coffee shop na sikat sa buong mundo.

Ang Pakikipagsapalaran at Buhay Pag-ibig Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon