Chapter 39
Niyayakap ko ang aking mga tuhod habang nakaupo sa salas at iniisip ko ang mga bagay bagay . Habang si Rain bumalik na sa kusina upang ipagpapatuloy ang niluluto. Ang mga anak ko nasa kwarto at pinabibihis ko.
Kung kailan ako naging okay bigla na naman akong susubukin ng tadhana ,Kung kailan naging okay na ang buhay ko at tanggap ko na ,na hindi na siya part ng buhay namin ng mga anak ko ito siya ngayon at guguluhin na naman niya ang tahimik naming buhay. Ano bang balak niya sa akin, hindi pa ba sapat ang mga ginawa nila sa akin noon na muntik ko nang ikamatay. Kalabisan naman na yata ito, sa kabila ng nalaman ko sa kanila ni Melanie wala siyang narinig na kahit ano mula sa akin. Kahit alam ko na ginagamit niya ako para makuha ulit si Melanie wala pa rin akong kibo at wala pa rin siyang narinig mula sa akin. Muntik pa'ng mawala ang mga anak ko dahil sa ginagawa ng mama niya sa akin.
"Besh, pansin ko sa'yo kanina ka pa may malalim na iniisip, may problema ba?!", dahan dahan naman akong tumingin dito
"Besh, andito si Matthew sa Italy, anong gagawin ko?!", seryosong sabi ko na nilalaro ko ang aking mga daliri sa paa my mannerisms kapag tensed ako
"Ano?! Paano kayo nagkita?, paano ka niya nahanap? Besh?!", Sunod sunod nitong tanong, alam ko nag-alala rin ito sa akin simula't sapol ito na ang nakakasama ko at alam ni Rain ang nangyari sa akin.
"Nagkita kami kanina, balak ko kasi sana maghanap ng part time job, tamang tama naman may nakapaskil na ads sa canteen ng D&G kanina at naghahanap ng kitchen assistant kaya kinuha ko ang number. Nagtaka ako kahit hindi pa ako nag apply tanggap na ako sabi nung nakausap ko sa phone kasi tinawagan ako ,iyon pala mukhang patibong lang pala ang lahat.", saad ko ritoFlashback
"Hi good afternoon, I am just inquiring about the ads, " magalang kong sabi sa isang waitress na kaharap ko
"Yes signorina, are you applying the position?,"
"Oh I'm sorry my boss hired you already, I forgot!", hinging paumanhin nito.
" Come with me ,I will bring you to his office .",
" Wait a sec, I will inform my boss first that you are already here ." ,
After a few minutes
"Signorina, you can go in now, Signore expecting you already to come over.", the waitress told her
"Good luck signorina ",
"So,After almost 6 years, dito lang pala kita makikita ha, wife?! ang baritonong boses na matagal niyang hindi narinig, kilalang kilala niya pa rin ito.
Mabilis niya itong nilingon at nakatayo ito like a goddess in Olympus, he standing proud as always, his broad shoulder and strong jaws isn't like before and he's a bit matured the last time I saw him. All package are inevitable pero iba na siya ngayon ,kung dati isang suyo lang sa kanya bumigay na siya pero ngayon hindi na.
"Satisfied of what you saw on my physical appearance,Wife?!",
"Very confident and arrogant!",
" Ang tagal mo ring nagtago," saad nito
"Don't call me that endearment ,I am not your wife anymore!", pambabara ko dito
"Kahit sabihin mo yan ng ilang beses, kasal ka pa rin sa akin , 'yan ang tandaan mo.", sabi nito na nakakuyom ang kamao
"Siguro nga kasal nga tayo, pero sa papel na lang at hindi na sa totoong kahulugan.", saad ko rito na tinitignan ko ito ng mabuti.
" Ang tapang muna ngayong magsasalita, siguro may inaasahan ka nang Ibang tao.", pagbibintang nito sa akin.
" Wala akong inaasahan na ibang tao, naging matapang na lang ako dahil sa ginagawa mga niyo sa akin 5 years ago. Hindi pa ba kayo masaya na hindi ako nagsasalita ni isang salita wala kayong narinig mula sa akin.", sabi ko rito na papatak na ang luha sa aking mga mata. Naalala ko na naman ang ginawa ng mga ito sa akin. Lumingon ito sa akin pero iniwas ko ang aking paningin . "Kung tutuusin dapat sana mahiya kayo sa akin, sa ginagawa niyo lalo na sa ginagawa ng Nanay mo! .. Pareho lang pala kayo! .. ang lakas ng loob mo'ng magpakita sa akin na akala mo wala lang sa iyo ang nagawa mo sa'kin."buong tapang kong sinasabi sa kanya.
" Anong sinsabi mo?! tanong nito na nakatitig sa akin ng seryoso
"Wala na akong sasabihin pa. Ikaw na ang bahala kong magpapatuloy ka pa ring maniwala sa Nanay mo na poro kabaitan ang pinakita sa lahat , nakakatuwa kayo poro kayo kaplastikan!",
Nanahimik ako, huminga ng malalim at pinunasan ang luha na tumakas sa mata ko at iniba ang usapan.
" Paano mo nalaman na andito ako ?!", at humakbang ito papalapit sa kanya , pumunta naman siya sa kabilang bahagi ng lamesa.
"Nagkita at nakausap ko si Michael sa Pinas at pinakita niya ang picture mo", saad nitong naka hawak pa sa baba nito
" So si Ike pala ang nagsabi sa iyo ? A-ano pa ang mga sinasabi niya sa iyo? sabi ko dito na pasimple akong umusod palapit sa pintuan para buksan ko at makaalis na.
"Ike ,ha?! what an ugly petname!?", tinignan niya ito nang masama nagseselos ba siya, nakakatawa lang at hindi bagay dito.
Natigil kami sa pag-uusap ng may kumakatok sa pinto at iniluwa ang kanyang staff at natuon naman ang kanyang atensyon sa staff na pumasok at dali dali naman akong lumabas ng pinto at tumakbo na palabas ng kanyang restaurant."End of Flashback"
"Anong plano mo,Besh?!", mahinahon nitong na nag-alala rin sa akin
"Hangga't maari ayokong makita niya ang mga anak ko, lalo na ayoko na madamay sa gulo ang mga anak ko, Besh magkamatayan na!", madamdamin kong pahayag
"Ano kaya kung tanggapin mo ang alok ni Signore Velvachio sa iyo upang sa hindi kayo malapitan ni Matthew", suhistyon nito habang hinawakan ang kamay ko
"Ano kaba Besh, hindi 'yan ang tama kong gawin sa ngayon at para mo ring sinasabi na gagamitin ko si Signore upang magkaroon ako protection, nakalimotan mo ba na kasal ako sa kanya. Baka kung saan pa aabot ang lahat at kukunin niya pa sa akin ang mga anak ko. ",
"Sorry besh, Hindi ko naisip 'yan... kahit ako naguguluhan na rin sa problema mo",
"Taposin ko na lang itong commitment ko sa D&G at kelangan na namin sigurong uuwi ng Pilipinas at least doon di niya ako matuntun kahit wala akong koneksyon na kakapitan, Tamang-tama bakasyon na rin ng mga bata panahon na ang may takda ng lahat kung bakit nangyari ito.", seryosong saad nito.
"Kung 'yan ang sa tingin mo Besh ang nakabubuti sa lahat, at suggest ko besh..makauwi tayo mag-file ka na ng annulment para wala na siyang habol sa iyo.. Pagdating naman sa mga bata sa iyo ang custody niyan at below 7 yrs old pa mga 'yan.", mahabang paliwanag nito, sumakit ang ulo ko, hindi ko yata kaya ang malayo sa mga anak ko. Ang isipin pa lang ito, na hindi ko na sila makakasama para na akong pinapatay ng paunti- unti. Pero tama si Rain sa mga sinasabi nito.
"Anong tayo Besh?.. 'wag mo nang sasabihin na sasama ka sa amin sa pag-uwi .", saad ko dito na tinignan ko ito ng di makapaniwala
"Sasama ako sa iyo, Besh.. ngayon pa ba tayo maghihiwalay. Kapatid na ang turing ko sa iyo", naiiyak naman ako sa pahayag nito at nagyakapan kaming dalawa. habang lumuluha. Tama ito nga ang nariyan palagi sa lahat ng oras na kailangan ko ng karamay bukod kay Mama Tess.
"Besh andito lang ako palagi para sa iyo. Kahit ayaw mo noong una na kinakausap kita pero sa pangungulit ko sa iyo, napapayag rin kita.", Naalala niya naman niya ang umpisa nilang dalawa kung bakit naging kaibigan niya ito"Flashback"
"Hi there, ikaw iyong bago diba? saad ng babae sa kanya habang naglalakad sila sa porch ng S and S. Tinitignan niya lang ito ayaw niya ng maingay.
"Anong pangalan mo? Ako pala si Rain Yvette delo Santos ,.. ikaw anong name mo?",
"Elisa", maiksing sagot ko na hindi ko ito tinignan
"We can be friends since I don't have any friend here .", masayang nitong sabi, nag iisip naman siya pero ayaw niya sa ganitong ugali na maingay at masakit sa taynga ang boses nito .
"Pretty please?!..", pangungulit sa kanya nito Hanggang nakarating na sila sa loob ng locker at inilagay ang kanyang gamit sa loob ng maliit na box na nagtaka pa siya noong una kung anong pangalan nitong box na ito. Dahil kay Rain nalaman niya na ang tawag sa box ay locker box. Dahil sa pangungulit nito sa kanya at natututo rin siya ng bagay bagay na wala sa bukid nila kaya pinagtiisan niya ang kaingayan nito at sa kalaunan nakita niyang masaya pala itong kasama."End of Flashback"
"Nanay ?! bakit po kayo umiiyak ng ninang?", Natigil naman kami ni Rain sa tanong ng anak kong babae at lumayo naman kami sa isa't isa habang nagpupunas ng luha.
"Happy lang kami ng Ninang mo, love", saad ko rito na seryosong tinignan naman si Rain.
"Yes tama ang Nanay mo gwapa! because I suggest something for her and then we are happy! this is tears of joy, gwapa!", palusot na paliwanag nito at lumapit naman ang anak kong lalaki.
"Why babies? bakit hindi pa ba kayo inaantok na dalawa?!", tanong ko sa mga ito para ma divert sa ibang bagay ang isip nila
"We are Nanay but , your so tagal to get inside our room. We decided kuya to down and check on you.", paliwanag nito na kumandong pa sa kanya.
At lumapit din ang anak kong lalaki at yumakap naman sa aking braso. Ang swerte ko sa mga anak ko at ang lambing nito sa akin. Hindi ko mapigilan na hindi maiisip ang Tatay nila, malambing kasi si Matthew noong magkasama pa kami.
"Besh , buti pa nga matulog na tayo ", singit naman ni Rain
Sa loob ng kwarto,
"Nanay tomorrow we don't have school, can we go to the zoo after your work?!", paglalambing ng anak kong babae
"My classmate told to the class, in the zoo have lions and tigers and I want to see it for myself, Nanay .", dagdag pa nito na yumayakap pa sa akin.
"Okay love, but for now we to sleep, okay ba iyon?", at natulog na kami napagod rin ako sa maghapon ko sa trabaho at isina-santabi ko muna ang aking problema na kakaharapin.To be continued next chapter
![](https://img.wattpad.com/cover/362580052-288-k542500.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Pakikipagsapalaran at Buhay Pag-ibig
RomanceSiya si Jamillah Elisa pero tinatawag siya sa kanyang palayaw na Elisa . Isang babae na palaban , may paninindigan, madiskarte, may puso sa karapat dapst at matapang sa lahat ng hamon ng buhay. Lumaki siya sa pagmamalupit ng kanyan Mama bata pa la...