Matthew Behind Story V

8 1 0
                                    

Chapter 56

Matthew Behind Story

Pagkatapos kaming magpaalam sa mga elders, hinatid nga kami ng Papa sa 3rd floor kung saan ang kuwarto na tinutuluyan niya.

Sabi ng Papà hanggang 4th floor ang bahay pero sa 4th daw ay hindi tinutulugan, andoon daw ang gym sa mga may ng heavy stuff, aerobics para sa mga elders na gusto physically fits, my playground para sa mga toddlers at mga kitchen stuff sa kusina, nasa 4th floor rin daw ang malaking stockroom para sa mga pagkain , cold storage room.
unique nga ang bahay na ito. Pero hindi niya pa rin feel ang tumira dito.. iba pa rin ang kinagisnan mo na lugar.

"Anak ang lalim ata ng iniisip mo?", kinalabit siya ng mommy niya habang nasa loob na sila ng kuwarto.
Nauna kasing gumamit ng banyo ang mommy niya. Kaya nasa single sofa siya habang nag-iisip.
"Tapos na kayo sa banyo, mom? tanong niya at tumayo na mula sa pagkakaupo
"May ilang minuto na anak, tinatanong nga kita kung gagamit ka na ba ng banyo kasi tapos na ako, kaso malayo ata ang iniisip mo na hindi mo 'ko narinig.", saad nito habang nasa harapan ng dresser nagsusuklay
"Sorry mom, iniisip ko lang kung anong pamumuhay nila sa pamamahay na ito.", natawa naman ang mommy niya sa naiisip niya
"Hayaan mo na sila anak, ang importante hindi tayo dito titira", tama naman ang mommy niya, pumasok na siya ng banyo

Sa totoo lang pagod ang katawan niya pero parang hyper pa rin ang pakiramdam niya kahit sa haba ng biniyahe nila twenty four hours may dalawang stop over sa Qatar at Guam.

Iniisip niya ano kaya ang ginagawa ng asawa niya sa mga oras na ito, at sino ang mga kasama niya.
Sumikip ang dibdib niya kapag naisip niyang may ibang lalaki itong kasama.
"Wife sana ako pa rin ang mahal mo at wala nang iba pa" kausap niya sa isip niya

Napahampas siya sa dingding ng banyo, mababaliw siya sa naiisip pa lang na may iba na itong minamahal at hindi na siya.. gusto niyang sumigaw. Sinuot niya ang boxer at ang bathrobe tsaka lumabas na siya, dahil masisiraan siya ng ulo kapag nagtagal pa siya sa loob ng banyo...kelangan niya ang mommy niya.
"Anak, bakit ganyan ang hitsura mo?.. May mga sabon ka pa sa buhok", nag-alalang tanong nito sa kanya
"Mom... masisiraan ako ng ulo kung hindi na ako ang mahal ng asawa ko at may iba na siyang gusto", hagolgol niya na niyakap naman siya ng mommy niya
"Wag ka munang mag- iisip ng patapos anak ", pagpakalma sa kanya
"Paano kong merun na nagpapatibok sa puso niya, mom.. anong gagawin ko!.. mom anong gagawin ko?",
"Tahan na anak ko, andito lang ang mommy , Shhhhhh wag ka na umiiyak, anak ko..hindi mangyari ang iniisip mo", paliwanag nito sa kanya
"Anong nangyari jan kay Matthew?.. mi amore", pasok ng Papa sa kuwarto
"Ben, tulungan mo ang anak natin.. kelangan na makita na natin si Elisa sa madaling panahon.", pahayag ng mommy niya
"Simulan ko bukas,tamang tama 'yung kapatid ko may cafeteria sa loob ng Dulce and Gabbana kung saan daw si Elisa nagtratrabaho bilang exclusive modelo. Pinakita ko kasi ang picture ng manugang natin, sikat pala siya dito.. kilala ng pamangkin ko.. kasamahan niya nga raw ito sa Dulce and Gabbana. ", ang Papa na nakikinig ako sa kanilang dalawa

Maya maya nakatulog na ako sa may sofa bed na inuupuan ko. Naramdaman ko pa ang pagpunas ng kung ano sa ulo ko bago ako ginupo ng antok.

Pagkagising niya may pagkain na nakatakip sa side table kaya kumain siya, gutom na rin siya at may napansin siyang note sa katabi nito. Kinuha niya ito, nakita niya isa itong number , pangalan ng asawa niya.

"Son , nakita mo ba ang number ng asawa mo jan?", Napalingon siya sa may pintuan na nagsasalita ang Papa niya.

"Number ito ng asawa ko?", hindi siya makapaniwala na nasa kanya na ang number ng asawa niya

"Binigay ng pinsan mo , Pagkatapos mo jan kumain .. maligo ka't magbihis..", naguluhan naman siya sa sinasabi nito
"Ikaw muna ang tatao sa kanyang restaurant for one week. ", paliwanag nito sa kanya

Ang Pakikipagsapalaran at Buhay Pag-ibig Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon