Chapter 47
Paglabas namin sa elevator lumakad kami ng kunti at tumapat sa isang pinto at sa pamamagitan ng isang keycard na buksan ang pintuan nang itinapat ito sa machine na nasa pintuan.
Pinapasok kami ng staff at ibinigay sa akin ang keycard , nagpaalam na ito sa akin, pero hindi naman ito umaalis sa kinatatayuan nito
"May problema ba?", nagtataka kong tanong dito
Kakamot kamot ito sa batok, tinignan niya ito ng makahulugan "Ma'am kasi po , gusto ko lang po ng selpie kasama po kayo", saad nito na nahihiya nga ito sa akin
"Sure why not!", at nagpose nga kami ng ilang posePagkatapos nagpasalamat umalis na rin ito , pumasok ako at isinara ang pintuan..Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid ng kwarto. nakita ko may dalawang kama ito ang isang kama ay mas malaki kesa sa isang kama kasya ata ang apat katao at ang isang kama naman ay pangdalawahan lang .
"Nanay look!, have a lot of chocolate here.", Napalingon naman ako sa tinuturo ng anak ko at nakita ko ang pantry na ang daming stock ng pagkain, chocolate na iba't ibang klase, junk foods na mamahalin pa , may instant cup noodles, coffee sachets at sa katabi my paper cup tsaka electric kettle ,may water bottle pa .
"Baby loves, don't touch it.. maybe this is not ours ", itinuro ko sa anak ko, pero nakita ko may nakasulat sa isang bondpaper na nakadikit sa dingding, absolutely for free, it's all yours babe!, natawa naman siya sa nakasulat
Lumipat siya sa kabilang pantry may mga wine na naka display pa sa wine holder wall at napansin naman ulit siyang may nakasulat ulit sa wall... taste me and I'm all yours!
Naaliw siya sa mga weirdo na nakasulat . Kaya pumunta na lang siya sa kama at umupo.The first country who created the first wine is China followed by Armenia and Georgia. The Founding Father of Wine is Thomas Jefferson, Commandaria is the first world wine brand
"Anak puwede ba kitang makausap?", saad ng Mama Tess niya na tumabi sa kanya sa pag-upo
"Ano po yun,Mama?", ganting tanong niya na paminsan minsan nilingon niya ang mga bata na nakaupo sa tig-isahang sofa na kumakain n ng chocolates.
"Brush your teeth after eating chocolates, okay?!", paalala ko sa mga anak ko.
"Yes po Nanay!", sabay nitong sagot sa akin"Anak wala ka bang balak na ipakilala ang mga bata sa Tatay nila?, alam naman natin na nandito lang ang kanilang ama.", saad nito na nalungkot naman akong hinarap ito
"Mama bilang magulang po kaligayahan ng anak ang aking iniisip pero iniisip ko rin po na kapag pinakalala ko naman po sila sa Tatay nila , masasaktan lang po sila . May asawa ng iba si Matthew at ginamit lamang po niya ako para pasakitan si Melanie.", madamdamin kong sagot na ikinayoko ko dahil naramdaman ko na naman ang sakit sa tuwing pag-uusapan ang tungkol kay Matthew. Minahal ko kasi ng totoo kahit saglit lang kaming magkakilala.
"Kanino mo nalaman na may asawa na siya?", tanong nito
"Ako po mismo ang nakatuklas Mama, bago po ako umalis, noong gabi ng dispidida sa bahay ni Tita Monica, tinawagan ko po siya sa numero niya at narinig ko po mismo sa taynga ko na magkasama sila ni Melanie. Napaka sakit po sa akin 'yun Mama. Pero dahil sa mga anak ko nagpakatatag po ako, alam niyo po 'yan.", mahabang paliwanag ko na pinipigilan kong maiyak dahil baka magtaka ang mga anak ko."Pero anak, sa pagkaka- alam ko wala namang naging asawa si Matthew. Alam mo ba iyong dati mong unit ns tinitirhan mo sa apartment ko binili niya iyon anak , may isang taon kana noon sa Italy. Ayoko sanang ipagbili yon pero mapilit siya anak at nagmamakaawa pa siya sa akin.", paliwanag nito sa akin na ikinalaki ng mga mata ko dahil sa pagkakagulat.
"Oo mali ang kanyang ginawa sa paggamit niya sa iyo para lang ipamukha at makapag higanti sa Melanie na iyon. Pero hindi mo ba naiisip anak kung hindi nangyari iyon wala ka sanang ganyan ka babait na mga anak. Ang guwapo pa at guwapa nila", Sabi nito na nakatingin sa mga anak ko.
"Puwede mo naman siyang patawarin anak , sa ikakagaan ng iyong kalooban. Mabigat rin sa puso ang may dinadala ka riyan anak.", dagdag pa nito. na nakikinig lang siya rito. May point ito pero ayaw niya naman na siya ang gumawa ng unang hakbang. Kung totoo ngang hindi sila nagsasama ni Melanie.
![](https://img.wattpad.com/cover/362580052-288-k542500.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Pakikipagsapalaran at Buhay Pag-ibig
RomanceSiya si Jamillah Elisa pero tinatawag siya sa kanyang palayaw na Elisa . Isang babae na palaban , may paninindigan, madiskarte, may puso sa karapat dapst at matapang sa lahat ng hamon ng buhay. Lumaki siya sa pagmamalupit ng kanyan Mama bata pa la...