Province Adventure 2

7 1 0
                                    

Chapter 50

"Mukhang maganda na ang buhay ngayon,'Sa."saad ng tiyahin niya ng makarating sila sa basement kung saan may sala silang mata-tambayan.

Nakita niyang palabas ng kusina si Matthew kaya kinawayan niya itong lumapit sa kinaroroonan nila ng tiyahin.

Hinawakan niya ang kamay ng kanyang asawa para ipakilala sa kanyang tiyahin.
"Tiya Gamay , si Matthew po pala ang asawa ko.", tinignan ito ng tiya niya, parang sinuri itong mabuti.
"Ikaw pala ang asawa ng pamangkin ko?", tanong nito, kinuha naman nito ang kamay ng kanyang Tiya at nagmano.
"Mabait itong asawa mo 'Sa", puna ng Tiya Gamay
"Babe, ang Tiya Gamay ko nakababatang kapatid ng Mama. Siya ang sumunod ng Mama ko ", paliwanag ko
"Kumusta po kayo Tiya, masaya po akong nakilala ko ang mga kamag-anak ng asawa ko."pahayag ng asawa ko na hinapit pa ako sa baywang...para paraan kung manantsing, kaya para paraan ko ring inapakan ang paa na ikina igik nito na tinaasan ko lang ng kilay ko.
"Sige po Tiya may niluluto po ako sa kusina para sa ating lahat. Maiiwan ko po muna kayo rito ng asawa ko.", sabi nito
"Sige lang iho, wag kang mag-alala.. okay lang lang kami ng pamangkin ko dito

Sa kabila ng may edad na ang kanyang Tiyahin pero hindi pa rin kumukupas ang kagandahan nito.

Ang panganay sa kanila ni Mama ay si Manang Anita ang asawa nito si Rodolfo Nabecis, na nasa anak nito ngayon sa Laguna , Ang pangalawa si Tiya Dading, Diosdada na ang asawa nito ay si Romy Gigantone , pero nagpalit ng pangalan naging Neresa, na nasa Sta. Mesa nakatira, ang pangtlo kapatid ay si Inse Norma na ang asawa ay si Tiyo Nestor Zafra ang Inse Norma sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa, namatay ito sa pagpanganak sa bunsong anak sa kasamaang palad nawala rin ito dahil napabayaan nang Ama. Ang ikaapat ay ang kanyang Mama Estelita na naging asawa ay ang Papa niya Eusebio Ortiz ,Ang Mama kung tawagin ng lola niya ay Esting, at ang panglima ay si Tiya Gamay naging asawa nito si Zaldy Lapaz, na ang totoong pangalan ay Lolita. Ang pang anim na tumatayong bunso ay Inday Nene na ang totoong pangalan ay Josephine na ang asawa nito ay si Tiyo Pedro Cabunag. At nasa Kabankalan nakatira. Ang bunso nila ang pangpito ay si Kuya Budoy na nawalay sa poder ng lola dahil kinuha ng lolo Timoteo dahil umalis ito sa bahay nila ng Lola Efepania dahil sa kapabayaan namatay ito noong naging labing isang taong gulang na.

"Kumusta kayo ni Manding", tanong nito
"Okay lang naman po Tiya,  wala naman po pinagbago sa ugali ng Mama. Kilala niyo naman po ang Mama ko,Tiya", sagot ko na ikabuntong nito ng hininga .Hindi ko rin maiiwasan na hindi malungkot.
"Iba talaga ang ugali niyan ni Manding kahit noong  mga bata pa kami,  Hindi  naman  ganyan ang Mama.", saad nito
Na sa tingin ko naman ay tama dahil nakikita ko na walang  kapatid ni Mama na close sa kanya. Mababait naman sa amin ang mga tiyahin ko.
"Si Lorna nakita ko sa siyudad,  pinansin ko pero hindi man lang ako nito pinansin", saad nito na ikinagulat ko na bigla akong nalungkot
"Baka naman po Tiya hindi lang  po kayo nakita?", pangombinsi ko pa
"Anong hindi,  nagkatinginan pa kami.. noong  pinansin ko tinalikuran ako, ang sabihin mo gumaya yan sa ugali ni Manding", nahimigan ko ang tampo sa boses nito .
"Kanina  pa kami  jan  kila Benvineda pero ni hindi  man lang  kami  pinuntahan at pinapasok ng  ate mo sa bahay niya.", Nasapo niya  ang kanyang  noo  sa mga sinasabi ng Tiyahin  niya.
"Mabuti naiiba ka sa kanila", dagdag pa nito
Sa tingin ko kasi na mali hindi ko talaga ginagawa.
"Kaya sino bang ganahan na bisitahin sila  dito sa bukid kung ganyan ang madatnan mo", sabi ulit nito  na nakikinig na lang ako
"Hirap kalabanin  niyan  ni Manding,  kaya  nananahimik  na lang kami.",
Poro kalaban  ng  Mama ang mga kapatid niya, 

Nag-uusap sila ngayon ng kapatid niya maya maya  lang makita mo na lang may nagwa-walk out  na ang kapatid niya  dahil nagtatalo  na sila  at ang lagi  naiiwan  ang Mama niya.
"Mabuti na hindi mo tinularan ang Nanay mong may sayad, kilala ko 'yang  Mama niyo.. once  may kaaway 'yan pati  sa mga  anak kaaway  niyo rin ", pagsasalaysay nito
"Kasi naman  po Tiya wala naman  po kaming kinalaman sa away niyong magkakapatid bakit po kami  makikisali ", paliwanag ko dito
"Kaya  nga wala kayong  kinalaman,  pero  ikaw  naman ang inaway ng  Mama mo, Elisa pinalayas ka pa  raw sabi sa'kin ni Manang Anita."  "Naalala ko po ang sinasabi niyo Tiya. Pinalayas  nga po ako ng Mama dahil  nag away  sila ni Nang Anita, sa maliit na  bagay.. Nagkatay raw  ng manok  sila Manang Anita,  mga buto buto raw ang binigay.", natawa naman ang tiyahin niya
"Ang babaw nga ng dahilan ", sabi nito
"Opo maliit talaga, ang sabi ko naman sa Mama, baka maliit lang ang manok na kinatay, at iyon nagalit na sila pati mga kapatid ko nakikisali na rin", pahayag ko

Ang Pakikipagsapalaran at Buhay Pag-ibig Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon