Chapter 18
Pagkauwi niya sa apartment niya dumaan muna siya sa bahay ng kanyang landlady para hiramin ang duplicate key ng bahay niya, dahil ang sa kanya andoon kay Matthew.
Habang kumakatok siya, Pinagbuksan naman siya ng anak ng kanyang landlady na si Ate Tess.
"Ma..! andito iyong maganda mong boarder sa room 202," sigaw nito at dumating naman ang tinawag nito na si Ate Tess pala. Habang namula naman ang mukha niya sa narinig na papuri nito sa kanya.
"Oh Elisa... napadaan ka?", tanong nito
"Ate Tess ... puwede ko po bang hiramin ang duplicate key sa house ko?!", tanong niya dito na binalingan sa gilid ang anak nito
"Oo naman iha... Jobert kunin mo sa sabitan, madali lang hanapin iyon 202 ang hanapin mo.", paliwanag nito
"Pasok ka muna iha, tamang tama pagdaan mo nagluto ako nang spaghetti, request kasi ng anak kong si Jobert", natakam naman siya dahil paborito n'ya ito, kahit hindi siya nakakain nito sa bahay nila. Noong natikman niya ito noong grade 6 siya at binigyan siya ng teacher niya naging paborito niya ito lalo maraming cheese .
"Si-sige po Ate Tess masama daw po tumanggi sa grasya at paborito ko po 'yan!", excited niyang sabi habang naglalakad sila papasok sa kusina nila Ate Tess.
Habang magkagarap silang tatlong kumakain sa lamesa pansin niya tahimik lang ang anak ni Ate Tess panaka naka lang itong sumusulyap sa kanya.
"May boyfriend kana ba iha?", biglang tanong ni Ate Tess sa kanya na ikina ubo niya. Binigyan naman siya ng tubig ni Jobert .
"Wa -wala po ", nauutal pa niyang sabi kasi di naman niya alam kung ano niya si Matthew may nangyari nga sa kanila wala namang malinaw sa pagitan nila.
"Ate Tess ... puwede ko po bang iuwi itong kinakain ko po?", tanong niya dito
"Oo naman iha at ito idagdag mo pa riyan para may makakain ka kapag nakaramdam ka ng gutom at dika na magluluto pa., saglit ilipat ko sa tupperware .", sabi nito sa kanya at tumayo ito at kumuha ng lagayan sa may kabinet sa itaas nang lababo
Pagkatapos ilagay sa isang lagayan ang spaghetti, dinagdagan nga nito at akmang ibibigay na sana ito sa kanya . Pero binigay ito sa anak nito kasi mainit pa daw ito
"Jobert.. anak ihatid mo si Elisa sa bahay niya ", utos sa anak nito at tumayo na sila para umalis. Di naman niya nakalimotan na magasalamat sa kabaitan ni Ate Tess at Binigyan pa siya ng pagkain
Nasa hallway na sila paunta sa bahay niya nang mapansin niya si Matthew na nakasandal sa hamba ng pintuan niya naka cross arm pa ito at ang talim ng tingin nito kay Jobert.
"Jobert... akin na iyang tupperware kaya ko na iyan", sabi ko dito para makaalis na ito.
"Okay na ako ,salamat sa paghatid at pagdala mo nito", at pumunta na siya sa bahay niya na may masungit na poging lalaki naghintay sa kanya.
Pagkalapit niya tumingkayad siya at pinatakan ito ng halik sa pisngi. Binuksan naman nito ang pinto at pumasok silang dalawa
Pagkapasok nila sa pintuan nakita niyang sinara ito at ni-lock . Siya naman ay inilapag niya sa kusina ang dalang pagkain at umakyat sa kuwarto upang magbihis ng damit pangbahay pero huhubarin pa lang niya sana ang blouse niya ng bumukas ang pinto at iniluwa si Matthew.
Nakatitig ito sa kanya at dahan dahang lumapit nang di naputol ang kanilang titigan huminto ito kadangkal ang layo sa kanya. Hinawakan ang baba niya"Sino iyong naghatid sa iyo?!',
napakurap kurap naman siya para alisin ang kaba na namuo sa dibdib niya.''Ahh iyon ba?, at inalis ang kamay nito na nakahawak sa baba niya at pumasok siya sa may closet at akmang kukuha ng damit.
BINABASA MO ANG
Ang Pakikipagsapalaran at Buhay Pag-ibig
Roman d'amourSiya si Jamillah Elisa pero tinatawag siya sa kanyang palayaw na Elisa . Isang babae na palaban , may paninindigan, madiskarte, may puso sa karapat dapst at matapang sa lahat ng hamon ng buhay. Lumaki siya sa pagmamalupit ng kanyan Mama bata pa la...