Chapter 15
Habang nasa daan kami papuntang S and S wala siyang imik ganoon rin ako , gusto ko sana itanong sa kanya kung ano nang status namin ngayon . Sa apartment ko na kasi siya nakatira at gusto ko rin sana siyang kilalanin pa. Pero ang lahat na mga gustong gusto kong gawen nasa sarili ko na lang nakatingga.
Naabutan pa kami ng sobrang traffic sa Ortigas, anong araw ba ito nakisabay sa naramdaman ko.
Habang naipit kami sa traffic may isang Toyota Land Cruiser na tumapat sa sasakyan ni Matthew nakabukas ang bintana nito banda sa deriksyon namin at bumusina ang driver.
Napalingon naman si Matthew sa mga ito at narinig kong napapamura ito." Kilala mo,", hindi siya sumagot pero nakita ko kumakaway iyong mga sakay sa direksyon ng sasakyan ni Matthew
"Gusto mo bang lilipat ako sa likod para di ako makita ng mga iyan?", tanong ko sa kanya at napalingon naman siya sa akin. Tinititigan niya ako ng may pag-alala
"Don't worry about me I'll be fine", dagdag ko pa
"I'm sorry babe...
"O-okay lang ako no need to explain , I understand really !", pinasigla ko ang boses ko para di siya mag alala. Dahan dahan naman akong humakbang para makalipat sa likod na upuan.
"Umupo ako sa kahilirang upuan ng passenger set.. pra di ako makita ng mga sakay sa kabilang sasakyan. Kahit tented iyong salamin ng bintana pero mag iingat lang.
Nakitingin lang ako sa labas ng bintana,
Mga ilang minuto narinig ko na binuksan niya na ang salamin ng bintana sa side niya.
Umupo naman ako sa sahig sa ibabang bahagi ng upuan. At narinig ko nakipag usap siya sa mga ito.Ilang minuto umayos din ang takbo ng mga sasakyan...
"Ano daw kelangan nila sa iyo? tanong ko
"Pupunta daw sila sa S and S at pinapapunta daw sila ni mommy para daw moral support sa mga models .
Pinatunog ko ang aking cellular phone para kunwari may tumawag para may dahilan akong bumaba.
"Sagutin ko lang, importante siguro 'to"
Pagkatapos kong sagutin ang kunwaring tawag
"Ahmmm babe puwedeng i-drop mo ako sa Pharmacy may pinabili lang si Rain sa akin na gamot .
"You remember her?
"Yup!" sagot niya
Pagkahanap namin ng Pharmacy. Sabi ko sa kanya n wag niya akong antayin dumeretso na siya sa S and S. Magcomute na lang ako , di siya sumagot at akmang bababa na sana ako ng pinigilan niya ako sa kamay at niyakap niya ako ng mahigpit .
"Don't get mad at me babe, please.", nagsumamo ang tinig niya na sabi sa akin
Nagtampo ako "oo"pero wala naman akong karapatan na maramdaman iyon.
Nauunawaan ko naman kasi ang sitwasyon, na hindi ako nababagay sa mga katulad niyang pinanganak na may gintong pilak sa bibig."Ano ka ba babe , okay lang ako talaga, promise! Ikaw nga ang inaala ko dito e.. baka itakwil ka nila dahil sa akin." Natigilan naman siya sa sinabi ko.
Kung di pa nangyari ang nangyari kanina di ko maiisip ang mga bagay na ito. Diko naiisip na magkaiba pala kami ng mundong ginagalawan. Na langit siya at lupa ako na imposibleng magkatugma dahil sa taas ng agwat. Di ko naisip talaga akala ko puwede pero hindi pala. Ang selfish ko sa bagay na iyon. Bigla na lang nag-init ang mga mata ko na ano mang sandali papatak na ang luha ko . Kaya mabilis ko siyang tinulak at binuksan ang pinto ng kotse at bumaba na ako kaagad, Naglalakad ako ng mabilis papasok sa pinaka sikat na Pharmacy sa buong bansa at binuksan naman agad ako ng guard . Dumeretso ako sa may dulong stante at humawak doon habang sapo sapo ko ang dibdib ko.
Ngayon ko lubos nakita ang magiging problema kung ipilit namin ang gusto namin maraming maapektuhan kung sakali man. Sa nakita kong reaksyon niya kanina parang alam ko na na hindi tanggap ng pamilya niya ang katulad ko, nahiya kaya siyang ipakilala ako sa mga kaibigan niya? sa mga tanong na naiisip ko sumisikip ang dibdib ko. Bakit di ako kasi talaga nag-isip.
Kala ko kasi katulad ko siya na walang taong may pakialam na parang hangin lang na di nakikita. Di naman pera ang habol ko sa kanya, kundi siya mismo e.. Pero hindi iyan ang tingin ng mga taong mapanghusga.. Ang mayaman ay para sa mga mayayaman lang at ang mahirap para lang din sa mahirap. Tingin ng mga mayayaman sa mga mahirap na magkakagusto sa isang mayaman ay mga gold digger. At pera lang habol Walang karapatang magkagusto sa tulad nila.Napatigil ako sa sking iniisip ng mag vibrate ang cellular phone ko.
kinuha ko sa bag ko at saka tinignan kong sino ang nagchat. Nakita ko pangalan ni Rain.Rain: Girl ,where are you?
Me: I am still sick
Rain: Are you okay?
Me: Nope!
Can we talk after you finish your rehearsal later?Rain:Sure!
Me: Thanks ?
Rain: Drink a lot of water and medicine.
Me: Yeah ,I will
See you laterBumili siya ng pagkain at uuwi na lang siya ng Laguna ngayon para makabalik siya agad mamayang hapon. Bumili siya ng unting pasalubong sa mga bata anak ng mga pinsan niya.
To be Continued..
BINABASA MO ANG
Ang Pakikipagsapalaran at Buhay Pag-ibig
RomanceSiya si Jamillah Elisa pero tinatawag siya sa kanyang palayaw na Elisa . Isang babae na palaban , may paninindigan, madiskarte, may puso sa karapat dapst at matapang sa lahat ng hamon ng buhay. Lumaki siya sa pagmamalupit ng kanyan Mama bata pa la...