Surprise Wedding turn Worst

4 1 0
                                    

Chapter 61

Ilaraw ang nakalipas mula ng nag-uusap sila ng Mama niya ,araw ng linggo, araw ng simba at family day.. Pero nagising siyang wala siyang narinig na ingay mula sa mga anak niya, si Signore at Gessille umalis na kahapon pa kaya lumipat na sila ng mommy sa dalawang bakante na kuwarto dito sa basement. Bumangon siyang naguguluhan kung nasaan ang mga tao at kung bakit walang gumising sa kanya.
Ang weird ng araw na ito.. pumasok siya sa banyo upang makapag linis ng katawan.

Pagkatapos niyang maligo at Nakapag bihis siya ng damit lumabas na siya ng kuwarto at hinanap ang mga mga kasama pero wala siyang nadatnan ni isa pati mga anak niya wala din, umupo siya sa upuan sa sala upang makapag isip..Hindi kaya inuwi na ni Matthew ang mga anak niya pero akala ko okay na siya. Tumayo siya at balak umakyat sa itaas sa Mama niya.

Nagtatakbo pa siyang umakyat sa hagdanan upang makarating kaagad siya sa Mama niya.

Naiiyak na siya sa naiisip na baka hindi niya na makakasama ang mga anak at itatago na ito ni Matthew na gumaganti lang ito sa kanya sa pagtago rin niya sa mga bata ng matagal na panahon. Ikamamatay niya kung sakaling itinago nga ni Matthew ang mga anak niya.

Pagdating niya sa itaas napansin niya ang tahimik ng paligid, nilibot niya ang paningin sa kabuuan ng loob ng bahay pero walang tao sa buong kabahayan, umakyat s'ya sa kuwarto ng kanyang Mama.
Nakailang katok na siya pero walang sumasagot, sinubukan niyang pihitin ang door knob pero nakalock ito..kaya para siyang naupos na kandila sa kabang naramdaman sa mga oras na ito. Anong nangyari sa kanila, isa sa mga tanong sa isip niya
Naiiyak na siya sa mga naiisip. Halo halo ang mga iniisip niya.
Bumaba siya ulit sa basement at kinuha ang cellphone sa kuwarto at tinawagan ang number ng asawa pero out of coverage ang number nito. Tinawagan niya ang mother-in-law niya pero wala rin, Hindi niya naman matawagan ang Mama Tess niya dahil nasa Manila ito at si Rain nandoon rin.
Nagulat na lang siya ng tumunog ang kanyang cellphone sinagot kaagad niya na nasa isip ang asawa ang tumatawag
"Hello Matthew asan kayo ngayon ng mga anak ko?", bungad niya kaagad dito
"Kasama ko ang asawa at mga anak mo, Misis!", saad ng tumawag, bakit anong nangyari
"Sino ito bakit kasama mo ang asawa at mga anak ko?", tanong niya na naguguluhan
"Makinig kang mabuti sa sasabihin ko sa iyo, kung gusto mo'ng makitang buhay ang mga mahal mo sundin mo ang ipagagawa ko sa iyo.", paliwanag nito na todo todo ang kabang naramdaman
"Please po 'wag mo po saktan ang mga anak ko! nakikiusap po ako sa inyo, Sir.. please po spare them at 'wag niyo po silang saktan", iyak niya
"Kung ayaw mo na mangyayari ang sinasabi mo, sumunod ka sasabihin ko.!
"O-opo alang alang sa mga anak ko gagawin ko po ang gusto niyo.. basta huwag niyong saktan ang mga anak ko", pakiusap niya sa kausap
"Paano ang lalaki na kasama ng mga bata?", tanong nito
"wag niyo rin po siyang saktan, Sir!", humikbi niyang sabi
"Sige , kung 'yan ang gusto mo'ng mangyari, ganito ang gawin mo, madali lang ang gawin mo..magpanggap kang ikaw ang ang bride sa lalaki na biyudo ", paliwanag nito sa kanya .Na ikinaiyak niyang muli .
"Pe-pero po may asawa na po ako, Sir ", saad niya
"Magpanggap ka lang, hindi naman totoo..upang makuha mo ang mga anak mo na walang galos ", pahayag nito
"Si-sige po pa-paano po?, napatakip siya pagkatapos niyang sabihin na pumayag na siya
"Lumabas ka sa gate at may puting kotse na naghihintay sa iyo, iyon ang sasakyan mo may mga mag-aayos na rin sa iyo na nasa kotse at mga damit na kailangan mo..nauunawaan mo?!"
"O-opo nauunawaan ko po, basta mga anak ko ligtas sila.. paano po ako makasiguradong maging maayos ang anak ko", pahayag niya
"May isang salita ako, dapat ikaw rin para magkaintindihan tayo, at wag na wag kang magkakamali na huminge ng tulong sa police kundi sabog ang bungo ng anak mo'ng lalaki.",paliwanag nito
"Hi-hindi po Sir, hindi po ako hihinge ng tulong sa mga police. ", pahayag niya
"Lumabas ka na riyan sa bahay mo...ang usapan ay usapan, tandaan mo yang mabuti", pahayag nito
"O-opo tandaan ko po 'yan, Sir..",saad niya
"Wag kang iyak ng iyak para hindi ka papangit sa picture na ipakita ko sa mga anak mo!',sabi ng kausap niya
"O-opo, hi-hindi na po ", sabi niya na sininok pa siya dahil sa iyak
Nakarating siya sa labas ng bahay nila at nakita nga niya ang sinasabi nitong kotse na nasa gilid ng kalsada nakapark at lumapit siya dito, lumingon lingon siya pero ni isang tao wala siyang taong nakita. Pinagkaisahan talaga siya ng pagkakataon na ikinainit na naman ng mata niya at babagsak na naman ang mga luha niya pero pinipigilan niya nang maiyak.

Ang Pakikipagsapalaran at Buhay Pag-ibig Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon