I just got vaccinated earlier this morning, and I’m not really feeling well right now. Masakit ang aking braso kung nasaan ang turok at medyo masakit din ang ulo ko. The doctor advised me to just stay at home and take a rest, but I just can’t. Mahirap mag-absent sa klase, pakiramdam ko ay kailangan kong mangapa ng napakaraming lesson sa isang absent lang.
Despite my throbbing head, I still managed to eat my lunch kasabay ng D’Beasts sa canteen. I ordered just my usual go-to food when I don’t feel like eating, but I should eat anyway. Bago pa ako magsimulang kumain ay tiningnan ko muna ang phone ko to see if someone texted me. Nabasa ko ang text ni Amy kung saan may naka-attach na picture ni Pancake. Uminom na raw ito ng gatas at ngayon ay natutulog na. Mabuti naman kung ganoon at nang mabawasan naman ang mga inaalala ko.
“Nag-text ba sa iyo ang kapatid ko kahapon?”
Napaangat ang tingin ko kay Bien nang magtanong ito. Confirmed. Siya nga ang nagbigay ng number ko sa baliw na iyon.
“You gave him my number, didn’t you?”
“Pasensya na, hiningi kasi ni Top kagabi. Emergency daw kaya ibinigay ko. Hindi ko nga alam na close na pala kayong dalawa,” ngiwing sagot Bien.
Akala ko ay hindi niya ibibigay kung sakaling sa kaniya magtanong. Mabilis pala siyang mapaniwala ng kapatid niya, o hindi kaya ay magaling lang talaga iyong mag-manipulate.
“Text mate na kayo?” may halong pang-aasar na tanong naman ni Ford.
Dahil lang naman sa isang iyon kung bakit ako napuyat kagabi! Ang daming tanong tungkol kay Pancake. Kung siya na lang sana ang nag-alaga edi hindi siya tanong nang tanong. May pagsabi-sabi pa siyang ayaw niya sa mga pusa!
“May inaalagaan kaming pusa,” tamad kong sagot sabay subo ng natitirang salad sa plato ko.
“Co-parenting naman pala!”
“Saan galing ang pusa? And most especially… are you two—”
“We’re nothing! What the fuck, Vince?”
Bibigyan pa niya ng malisya! As if naman na may iba pang kahulugan ang lahat ng iyon. Nang dahil sa pusa ay magkakaroon pa ng hinala ang mga ito.
“Of all people, hindi ko inakalang ikaw pa ang magiging ka-close ni Top,” nakangising ani Tan.
“We’re not close either.”
And we will never be! Ayaw ko sa maingay at makulit na kagaya niya. Parang pinanganak lang ng nanay niya para asarin at guluhin ang tahimik kong buhay.
“Bagay din naman pala kung sakali. Isang masunurin sa yapak ng magulang at isang basagulerong sinusuway lahat ng utos ng magulang,” natatawang dagdag pa ni Bien.
Samu’t-saring pang-aasar ang narinig ko lalo na nang sapawan pa nina Akiro at Ford. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Mga walang magawa sa buhay, palibhasa’y mga hindi pa busy sa kani-kanilang department kaya nakukuha pang makipagkulitan ng ganito.
“Pero baka naman ginugulo ka ng kapatid ko, Bry, ah. Sabihin mo lang sa akin kaagad.”
Palagi! Palagi akong ginugulo ng kapatid mo!
“Hindi naman, madalas lang siya sa area namin,” pagsisinungaling ko sa hindi maipaliwanag na dahilan.
“Alam mo naman na noon pa lang ay hindi na rin kami magkasundo, but maybe he will listen to me kapag sinabi kong layuan ka niya. Mahilig makipag-away at tamad sa klase iyon, kabaliktaran mo. Kaya kung sakali na alam mo na… sana layuan mo na lang din siya para hindi ka na madamay sa magulo niyang buhay.”
Bien is overthinking, that’s for sure. Ang advance niyang mag-isip! As if naman magkakagusto ako sa kapatid niya. Hindi nga ako magkagusto sa kahit sinong mas maayos kaysa roon, tapos doon pa sa baduy na iyon! Hindi marunong pumorma! Wala naman kagusto-gusto roon, eh. Kung gugusto lang din naman ako sa lalaki, pipiliin ko siyempre iyong mas guwapo na kaysa sa akin. Bakit naman ako hahanap ng lalaking mas guwapo pa ako, hindi ba?
BINABASA MO ANG
D'Beasts Series #3: Mending the Scars
General FictionCOMPLETED // UNDER EDITING [BoyxBoy] D'BEASTS SERIES #3: Mending the Scars