Lakad-takbo ang ginawa ko pagpasok ko pa lang ng hospital. I’m trying to stay calm and think about something to somehow distract my thoughts while I’m still on the lift, waiting for it to close. Ito na yata ang pinakamatagal na paghihintay ko sa loob ng elevator kahit pa nasa ikatlong palapag lang naman ang kailangan kong puntahan.
I waited nervously nang sa wakas ay bumukas na ito, mabilis akong naglakad para makarating kung nasaan ang room ni Top. With every step, my heart is pounding on my chest. Malayo pa lang ako ay tanaw ko na kaagad si Bien na mag-isa at mukhang balisa habang pabalik-balik ang lakad sa waiting area.
“A-Anong nangyari Bien?” hinihingal kong tanong nang marating ko ang puwesto niya. Hindi ko na magawang indahin pa ang pagod dahil gulong-gulo na ang isip ko.
Lalo kong nakita ang itsura ni Bien nang makalapit ako. Namumutla siya at namumula ang mga mata. Hindi pa man siya nagsasalita ay sumasama na kaagad ang kutob ko sa mga nangyayari. He won’t react this way kung ayos lang ang lahat.
“G-Gising na siya nang dumating ako k-kanina, he was sitting and waiting for me. Nagkausap pa kami ng konti p-pagkatapos nagpaalam siya sa aking matutulog saglit, hanggang sa m-mapansin kong b-bigla na lang siyang tumigil sa paghinga. Tinawag ko kaagad ang mga doktor sa paligid. Dinaluhan naman siya kaagad. K-Kaya lang narinig kong w-wala na raw siyang heart beat. Hindi ako naniwala! Imposibleng ganoon kabilis! Nagbanyo lang ako tapos pagbalik ko ay hindi na siya humihinga? Normal ba ang ganoon? Magiging okay lang ba siya? A-Anong mangyayari sa kapatid?”
His heartbeat dropped to zero? H-Hindi iyon normal. That means he’s-no. Nagkamali lang siguro. That can’t be real. That’s impossible!
“J-Just stay here. Tawagan mo ang parents niyo, but please don’t tell them anything yet. They have to come here safe.” Bilin ko sa kaniya habang halos bumigay na ang boses ko.
Sarado ang pinto ng room ni Top pero tanaw ko mula sa maliit na salamin ang nangyayari sa loob. They’re performing CPR while Uncle initiates chest pumping and sooner inserts an endotracheal tube. I know they’re busy, and I should just wait here outside to not distract them, but this thing for me is different. I’m not here as a student nurse; I’m here because Kristoff was inside with a zero heartbeat.
“Let me in! Please, let me in. I need to see him. Nurse, please. He’s d-dying. I need to see him. I was with him the whole time!” pakiusap ko sa nurse na nagpakita matapos kong piliting buksan ang pintuan.
Hindi pa sana sila papayag. Pero nakita kong sumenyas si Uncle mula sa loob kaya walang nagawa ang mga nurses kung hindi papasukin ako. They are all performing different things for Top, who’s not responding to any of them. Nanatili akong nasa gilid habang unti-unting nilalamon ng kaba.
Please, Top. Wake up! You have to wake up. Nandito na ako!
“Give more epinephrine!” I heard my uncle’s command.
“Doc, his heartbeat is still zero. We have given him a lot.”
Wala akong maintindihan sa mga nangyayari. All I know is that they are trying to revive him, to make his heart beat again, but it never happened. Nothing’s happening in his body. He didn’t even flinch or something. He’s just there, laying on his bed with his eyes shut.
Matagal at paulit-ulit ang naging pag-revive nila kay Top at halos takasan na ako ng hininga habang tahimik na nagdadasal sa isang tabi. Natigilan lang ako nang lumingon sa akin si uncle at umiling.
“A-Anong nangyayari? Do something! He’s not dead yet, is he? Come on, uncle! Please!” I beg, almost kneeling in front of them just to revive him once again.
Anong ginagawa nila? Bakit sila huminto? What the fuck are they recording on that sheet pad? No! Fuck! This isn’t true!
Pinilit kong isiping wala lang ang lahat ng mga nakikita ko, hanggang sa tuluyan na ngang nakumpirma ang bagay na kinatatakutan kong marinig sa buong buhay ko…
“I’m sorry, Henry. He didn’t… make it.”
Parang tuluyan ding huminto ang tibok ng puso ko dahil sa narinig. I can’t breathe properly, and I feel a lump in my throat. Wala ring kahit anong salita ang kumawala sa bibig ko. I feel like my world suddenly stopped and everything just disappeared. My legs started to weaken habang dahan-dahang ang paghakbang ko kung nasaan ang walang buhay niyang katawan. Nanginginig ang mga kamay ko nang subukan kong hawakan ang namumutla niyang pisngi. In just a blink of an eye, my tears flooded as I hugged him so tight. I cried in his chest like I always do when I’m in so much pain. But this time, I’m hugging his dead body, and I’m crying because of him.
“N-Nawala lang ako sandali, Kristoff! Sandali lang iyon! Tapos iniwan mo na ako kaagad. Ang sabi ko ay babalik ako. B-Bakit naman hindi mo na ako hinintay?!” I lamented while my uncle was still by my side, trying to comfort me, but nothing worked for me right now.
The pain Is too much that it’s becoming unbearable. I feel like I’m just dreaming that it is just a nightmare, and I want to fucking wake up from this!
Kung alam ko lang na mawawala ka na at iiwan mo na ako, hindi na sana ako umalis para kasama mo pa rin ako hanggang sa huling hininga mo. Kung hindi kita iniwan, hindi sana ako makakaramdam ng sobrang panghihinayang. Kung puwede kong ibalik ang oras kahit sandali, yayakapin na lang kita hanggang sa tuluyan ka nang mawala sa akin. Hindi ko matanggap, Kristoff! Hindi pa ako handa para rito! Bakit mo naman ako ginulat ng ganito? Hindi ganito ang plano natin. Hindi ganito!
Nanatili akong nakayakap sa kanya habang pilit na kinakalma ang sarili. Pero sadya nga talagang walang makakapagpakalma sa pusong halos bumitaw na sa sakit. Hindi ko matanggap na sa isang kisapmata, kaagad siyang nawala sa akin. Biglaan at walang pasabi.
“The family’s outside, Hijo. I’ll let them come over,” paalam ni uncle bago ito naglakad palabas.
Habang patuloy ang mga luha ko sa pagtulo ay muli kong pinagmasdan ang maamo niyang mukha at dinampian ng halik ang mga labi niya sa huling pagkakataon. “P-Paalam, mahal ko. Mahal na m-mahal kita.”
Gustuhin ko man na huwag nang umalis muli sa tabi ni Top, sinikap ko pa rin na magbigay daan para makalapit ang buo niyang pamilya. I stepped back and sat on the corner while my hands were still shaking and my tears wouldn’t stop flowing.
The large room, once filled with joy and laughter, is now filled with grief, sorrow, and sadness. Wala akong ibang naririnig kung hindi ang pag-iyak ng pamilya niya, lalo na ng kaniyang ina. Bien is just there, standing and looking at his lifeless brother. He’s not moving, but his tears are very evident.
Ngayong wala ka na, paano pa ako magpapatuloy? Paano ko pa pipiliting magpatuloy kung wala na ang dahilan ko? Sino na ang kasama kong manood ng sunsets tuwing hapon? Sino na ang tatawag sa akin ng Baymax? Paano na si Pancake? Sobrang hirap naman, Top. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin ang ganito.
I can’t believe this is what our ending really looks like. Hindi kasing ganda ng paglubog ng araw. Hindi kasing payapa ng mga ulap at kasing laya ng mga ibon.
Pero nagpapasalamat pa rin ako sa mga ala-ala, Top. Kahit na sa maikling panahon lang kitang nakasama, hindi ko kailanman makakalimutan ang lahat ng mga ala-ala natin, masaya man o malungkot. Sana lang ay umabot ang pagmamahal ko kung nasaan ka ngayon. Para kahit malayo ka man sa akin, mararamdaman mo pa rin kung gaano kita kamahal.
Heaven is lucky to have gained such a brave new angel. Ngayon, siguradong hindi na siya makakaramdam ng kahit na anong sakit. Hindi na siya mahihirapan sa mga side effects ng treatment, at hindi na siya mapapagod na lumaban araw-araw.
Because after a hard and exhausting battle with cancer, my warrior, Kristoff, put down his sword and crossed that finish line pain-free.
BINABASA MO ANG
D'Beasts Series #3: Mending the Scars
General FictionCOMPLETED // UNDER EDITING [BoyxBoy] D'BEASTS SERIES #3: Mending the Scars