Halos itapon ko na ang phone ko sa kaka-vibrate nito dahil sa paulit-ulit na tawag ni Gianna. I don’t want to talk to them yet. Maguguluhan lang ako lalo kung makikinig na naman ako sa kanila. Kailangan kong mapag-isa para makaisip ako ng maayos na paraan para mahanap ang totoo kong ama nang hindi humihingi ng tulong galing sa kanila.
“Sagutin mo kaya muna, baka may importanteng sasabihin.”
Ipinagkibit-balikat ko na lang at hinayaan itong mag vibrate sa lamesa. “They’ll just say sorry because I’m adopted. Ano bang magagawa ng sorry? Mababawi ba niyan ang katotohanan? Mahahanap ba niyan si William? Tsk.”
“Oo na, kumalma ka riyan. Gusto mo pa ba ng ice cream?” he asked after he finished his ice cream for the third time.
“Bumili ka pa. Hindi tayo titigil kakakain ng ice cream hangga’t hindi pa ako nagiging okay,” utos ko.
“Nakakatatlo ka na, ah. Thirty pesos na ang Cornetto baka akala mo,” he laughed and walked away. Natanaw ko na lang siyang mukhang namimili ng flavor sa isang freezer malapit sa counter kung nasaan ang mga ice cream. Nagrereklamo pero bibili rin naman.
Ice cream therapy pala ha.
Kung hindi niya na sana hinintay na matapos ang duty ko sa hospital at inaya rito sa 7-Eleven, edi hindi sana siya nagrereklamo. Ang dahilan niya pa, natatakot daw siyang baka mag suicide ako kaya gusto niyang i-divert kahit paano ang atensyon ko. I really appreciate his efforts, though. Paano na lang kung wala siya? Hindi naman pu-pwedeng buong D’Beasts ang abalahin ko sa mga personal issues ko.
Speaking of D’Beasts, I haven’t told them anything about it yet. Kung nagulat ako, siguradong mas lalo silang magugulat. Papalipasin ko na lang din muna siguro. Malapit na naman ang semestral break kaya mas maluwag na ang mga schedule.
“Here’s your ice cream, doc. Pumili ako ng takip na may magagandang pick-up lines,” he said happily, then gave me two more ice creams.
Binasa ko ang nauna niyang inabot at halos ngumiwi ako sa kakornihan nito.
Mesa ka ba? Kasi mesa-mthing tayo.
Meron pang isa…
Dati yung puso ko mura lang. Nung nakilala kita biglang nagmahal.
“T-These are too much… hindi ko masikmura!”
Humalakhak siya at muling naupo sa harapan ko. He’s not usually like this. Only when we’re together. Kapag kasama niya ako ay para siyang batang masayang-masaya dahil binilhan ng lobong hugis Doraemon. He’s very carefree and fun to be with.
“Corny ba?” he asked, still smiling widely.
“Sobra! Bakit ba kasi may mga ganito? Hindi naman araw ng mga puso.”
“Kaya nga Cornetto ang pangalan ng brand, eh— kasi corny ’to. Hetong mga pick-up lines, corny ’to, hindi ba?”
I tried not to laugh, but I couldn’t stop myself, so I burst out laughing, drawing the attention of almost everybody in the store.
“F-Fuck you,” I chuckled, trying not to laugh too loudly again.
“Effective nga ang ice cream therapy,” he concluded.
Natigilan ako at dahan-dahang ngumiti. I nodded and lightly smoothed his hand on the table with my pinky finger. He’s the only person who can make me feel at peace. His happy personality is one of the reasons I admire him so much. He’s just… exceptional.
“Tama na ang kakatitig sa akin. Kainin mo na iyan, matutunaw na,” he said, trying to hide his embarrassment.
Namula na kaagad siya? Tinitigan ko lang naman saglit, tch.
Hindi ko na hinintay pang tuluyan nang matunaw ang dalawang ice cream sa kamay ko at sinimulan na itong kainin. Looking back, hindi ako madalas nakakakain nito noong bata pa ako. When I was in grade school, I could only eat sweets if I got perfect grades on our tests. And because anything sweet was my younger self’s favorite snack, I always studied hard just to get the best grades possible. But today, I can now eat everything I want without limitations if I allow myself to. I feel like I’m gradually healing my inner child.
So this is what real childhood feels like?
“I had fun,” I said while wiping myself with the tissue paper he had on his motorcycle.
Nandito kami ngayon sa parking lot ng 7-Eleven at balak nang umuwi dahil gumagabi na rin. Isa pa, baka hanapin na itong kasama ko ng kapatid niya. Knowing Bien, siguradong aapoy na naman iyon sa galit kapag gabi na at hindi pa rin nakakauwi si Top.
“Halata nga, ilang ice cream din ang nakain mo, eh. Basta uminom ka ng maraming tubig pag-uwi mo, baka magkasakit ka pa niyan. Kailangan mo pa namang bumawi sa school dahil napapadalas ka nang absent.”
Oo nga pala, absent din ako kahapon. Binigyan naman ako ng notes ni Anikka pero iba pa rin kung naroon ako mismo sa klase at nakikinig sa mga professors. Nagagawa ko pa rin naman mag-aral sa condo ko, iyon nga lang ay hindi na kagaya nang dati na nakakatagal ako kahit ilang oras na dire-diretsong puro aral lang. Ngayon kasi, mabilis na akong ma-distract at madalas wala sa focus.
“Kapag nalinawan na ako tungkol sa tunay kong mga magulang, magiging maayos na ulit ang pag-aaral ko. Dahil lang naman sa problemang ito kaya bumababa ang performance ko. Masyado akong preoccupied at walang gana.”
Tinalikuran niya ako at kinuha ang dalawang helmet na nakasabit sa tig-kabilang manibela at inabot sa akin ang isa. “Kaya kailangan na nating magsimulang hanapin ang tatay mo bago ka pa matanggal sa listahan ng mga top students sa klase niyo.”
Tinanggap ko ang helmet at akmang isusuot na ito nang muling mag-vibrate ang phone ko. Isang beses lamang iyon kaya siguradong hindi iyon tawag galing kay Mom o Gianna.
“Tara na?” narinig kong tanong ni Top pero hindi ko siya pinansin dahil ang buong atensyon ko ay nasa isang text na kakapasok lang.
Natigilan ako nang makita kung kanino ito galing at kaagad na humarap kay Top. He’s looking at me with confusion, so I decided to tell him what I just saw on the notification panel of my phone. “My cousin, Jaiden, texted me…”
Masusi kong binasa kung anong nakapaloob sa text na iyon at halos sumigaw ako sa tuwa matapos kong makita ang buong mensahe, lalo pa nang mabasa ko ang huling tatlong salita mula rito.
Jaiden Sullivan
Can we meet today? I have something important to tell you. This is about Uncle William. I found him.
“W-What happened? Pwede ko na bang malaman?” naguguluhang pang-uusisa na naman ng kasama ko.
“I have an update…” I answered vaguely.
Despite my trembling hands, I still managed to type a reply to my cousin, making sure we’d meet today no matter what. This is what I needed. Konti na lang, malalaman ko na.
Bry Sullivan
Pupuntahan kita. Send me your address.
Sent.
“I-start mo na ang motor, may pupuntahan tayo.”
![](https://img.wattpad.com/cover/258407203-288-k473580.jpg)
BINABASA MO ANG
DBS#3: Mending the Scars
Fiksi UmumCOMPLETED // UNDER EDITING [BoyxBoy] D'BEASTS SERIES #3: Mending the Scars