IKA-DALAWAMPU'T DALAWA

723 15 1
                                    

It’s been four days simula nang huling pag-uusap namin ni Top. Hindi ko alam kung masyado bang naging busy ang buong school para sa event kaya hindi na kami nagkita pa o talagang iniwasan na niya ako. Well, that’s what I wanted.


“Bukas ha, last day na naman ng foundation week at sa susunod na linggo ay magiging busy na naman tayo”


Talagang gusto nilang ituloy ang plano bukas sa bar ni Seven. They want to have fun since successful ang naging outcome ng mga booth namin. Wala naman din problema sa akin dahil it’s been weeks since the last time we partied.


“Isama mo si Anikka! Ipakilala mo naman sa amin ang girlfriend mo”


“W-Why?” napakunot ang noo ko. “Dinala ko na iyon dito ah. Nakilala niyo na”


Hindi ko pa nga nasasabi kay Anikka ang tungkol sa pag dawit ko ng pangalan niya rito dahil busy kami nitong mga nakaraan tapos gusto pa nilang isama ko.


Sinama mo nga, hindi mo naman pinakilala ng maayos,” ngiwing ani Vince.



Sabagay, may problema si Anikka noong mga panahon na iyon kaya rin hindi siya nagsalita at kinausap ang D’Beasts.


“Sige, kakausapin ko mamaya”


Wala na akong nagawa kung hindi ang pumayag sa gusto nilang mangyari. Sigurado namang sasama iyon, hindi ko alam kung bakit pa ba ako namomroblema.


I texted Anikka at sinabi kong sa parking na kami magkita para sabay kaming mag lunch sa labas ng school. Naintindihan naman nila Aki kung bakit hindi ako sasabay sa kanila. Of course, they know that I have a girlfriend.


Nasa loob ako ng kotse at hinihintay na dumating si Anikka. I scanned the space near my car, kung saan doon palaging naka-park ang sasakyan ni Top, pero wala roon ang motor niya. Siguro ay maagang nag lunch break.


I blinked twice when I already saw Anikka. She opened the passenger seat and immediately faced me with a confused face.


“What?” kalmadong tanong ko.


“Did I read your message right? Gusto mong sabay tayong kumain? Really, ikaw ang nag-aya?”


“Yeah, we need to talk”


Hindi niya ako tinigilan buong byahe hanggang makarating kami sa isang café malapit sa school namin. I parked my car at hindi na niya hinintay na pagbuksan ko siya. She hurriedly went outside and kept throwing me a lot of questions.


“Sabihin mo na kasi! May problema ka ba?”


Hindi ko siya sinagot hanggang sa makahanap kami ng pwesto. I chose the one that’s on the balcony para mahangin at pribado.


“What now?—”


“Let’s order first,” pamumutol ko at tinawag ang waiter para sa order namin. “I’ll have Thai chicken meatball salad and a cold brew. How about you, Anikka?”


Nang makuha na ng waiter ang order namin ay tsaka ako sumandal sa upuan at tamad na tiningnan ang kaharap ko. She’s also looking at me, hinihintay ang sasabihin ko.


“Pretend to be my girlfriend,” diretso at walang pag-aalinlangan kong sabi.


“What?!” she exclaimed. “Are you out of your mind?”


“Para namang lugi ka pa kung maka-react ka ng ganiyan”


“Baliw ka na ba? Ayaw na ayaw mo nga sa akin tapos gusto mo pang maging girlfriend mo ako?”


I chuckled. “Correction, pretend girlfriend. Hindi totohanan


Umismid siya at tinaasan ako ng kilay. “Para saan ba ito?”


Hindi ko alam kung sasabihin ko pa ba sa kaniya. Kung malalaman niya ang puno’t dulo nito, malalaman niya rin ang tungkol kay Top.


“Nakita ako ng mga kaibigan kong may h-hickey. Tinanong nila kung kanino galing, o kung may girlfriend ba ako. I told them you’re my girlfriend para wala nang maraming tanong—”


“Oh my goodness! A hickey?! I wouldn’t do that! Sinabi mong gawa ng girlfriend mo, which is going to be me? Am I the supposed girlfriend who gave you a hickey?”


“I know. But I need someone to cover me up”


Napainom siya ng tubig at mukha pa ring naguguluhan. “Who the hell gave you the hickey, then? Are you dating someone? If so, why don’t you just tell them the truth?”


“It’s very complicated, Anikka. Kung pwedeng ganoon ay hindi ko na hihingiin ang tulong mo”


Do you think it’s easy to just say that it was from Top? From a man?


“So you’re really dating someone? Please don’t tell me you’re a third party kaya hindi mo pwedeng sabihin sa lahat”


Natawa ako at kaagad na nailing sa konklusyon niya. “No, I’m not a third party, and we’re not dating. It just happened”


“A fling, then?”


“You can say that”


Hindi na nasundan kaagad ang pag-uusap namin dahil dumating na ang mga pagkain. We ate until we finished. Hindi pa kami tapos mag-usap dahil hindi ko pa naman naririnig na pumayag siya, isa pa balak ko siyang isama bukas sa Triple 8.


“For how long will I pretend?”


“Hindi ko alam. Kapag nariyan lang ang mga kaibigan ko. Malayo naman ang department natin at palagi tayong busy kaya hindi ito magiging problema”


Tumango siya. “I don’t know what’s going on with you, Bryle, but I trust you. Kung sino man iyang ka-fling mo ay sana hindi iyan maging problema. I will help you with all I can, but we can’t pretend forever”


“Yeah, I know. Don’t worry, sasabihin ko rin ang totoo sa kanila…” I paused. “Or maybe, kalaunan ay palabasin na lang natin na naghiwalay tayo para talagang tapos na. There is no need to say that we pretended”


“Talagang pinagtatakpan mo iyang ka-fling mo ah. Do you like her?”


Her? Tch.


“No”


She laughed loudly. “I won’t believe you. Siguro ay forbidden love ito at ayaw mong malaman ng lahat kaya pinagtatakpan mo. Maybe because you fall really hard, ayaw mo lang aminin”


Forbidden love? There’s even no love between us. We’re nothing.


“Let’s go back. Susunduin kita bukas, may lakad tayo”


“Whatever you say, fake boyfriend”


Matapos lang ang lakad namin bukas ay sasabihin ko na sa D’Beasts na naghiwalay kami ni Anikka. Tama siya, we can’t pretend forever, at ayoko rin naman na tumagal ang pagpapanggap na ito dahil hindi naman kailangan. It’s just a cover up, dahil sa bwiset na hickey na iyon!

D'Beasts Series #3: Mending the Scars Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon