IKA-LABING SIYAM

1.1K 32 13
                                    

BRY’S POV

The faculty decided that they would no longer require us to bring our parents. I don’t know their reason behind it when they’re very eager to do so. Siguro ay naisip nilang tama lang ang ginawa ko, o hindi kaya ay na-realize nilang pareho kaming may kasalanan noong senior na manyak kaya at para hindi na humaba pa ang issue, i-settle na lang nang kami-kami lang, wala ng magulang na involve. But whatever their reason is, I’m thankful that my parents won’t know about it; at least that’s what I’m hoping. Nagkaroon pa ng huling pag-uusap tungkol sa nangyari at pinaalalahanan kaming hindi na dapat iyon maulit. First offense ko rin iyon at wala na akong planong dagdagan pa.

Matapos ang gulong nangyari, hindi na muling naging usap-usapan ito tuwing break time ng mga estudyante. Nakatuon ang atensyon ng lahat sa paparating na foundation week dahil maraming mga activities ang nakalatag at may iilang mga booth din na itatayo ang bawat department.

“Grabe, mabuti at may sarili kang condo. Kung hindi ay nakita na sana iyang mga pasa at sugat mo.”

Noong gabing iyon ko lang din na-appreciate ang pagkakaroon ko ng sariling pad. Kung sa bahay pa rin ako nakatira ay siguradong malalagot ako kay Dad kapag nakita niya itong mga sugat ko. He’ll be leaving tomorrow, though, kaya siguradong hindi na niya malalaman pa ang nangyari. Wala namang snitch sa paligid ko na posibleng magsumbong sa kaniya kaya hindi ako kinakabahan. I’m sure I’ll be fine.

“Halatang-halata pa rin ba?” tanong ko habang pinapakita ang kanang bahagi ng pisngi ko sa buong D’Beasts.

“Hindi na gaano, pero maputi ka kasi kaya talagang litaw na litaw ang mga ganiyan sa balat mo,” tumatawang sagot ni Fred.

Well, I guess that’s one of the disadvantages of having a fair complexion. Kung marunong lang sana akong maglagay ng make-up kagaya nang kay Anikka ay siguradong mabilis itong matatakpan.

“Anong plano niyo ngayong week?” tanong ni Vince out of the blue.

Umiling kaagad ako bago pa sila makapag-decide na mag-outing o mag-party kung saan-saan. “Mukhang hindi tayo puwedeng umalis. Kahit foundation week ay kailangan pa rin ng attendance. At saka, may mga booth kami kaya hindi puwedeng hindi pumasok.”

Sumang-ayon naman sa akin si Tan pati ang iba pa dahil karamihan sa amin ay naka-assign sa pagbabantay ng mga booth. Kaya in the end, wala kaming naging plano kung hindi ang pumasok at tumambay na lang sa loob ng campus tuwing break time. Kahit nga ngayon ay masyado pang maraming dapat gawin, lalo na at hindi pa naitatayo ang mga booth. Ang grupo kasi namin ay inuna munang i-settle ang mga kakailanganin pati na rin ang pag-co-costing at mga decorations.

“Kailangan bukas ng around 10 o’clock ay narito na tayo para makapagsimula na. Dalhin niyo na lang ang mga naka-assign sa inyong pang decorate,” anunsyo ng class president namin pagbalik ko ng klase matapos ang tanghalian.

Ang natirang oras namin sa hapon ay ginamit namin para mag-brainstorming at masolusyunan kaagad ang mga posibleng maging problema bukas. Magtatayo kami ng photo booth, iyong kagaya nang mga makikita sa mall na hindi na kailangan ng photographer para na rin sa privacy ng mga customers. All they have to do is set the timer, think about different poses, and strike it on the camera. After that, we’ll be printing the pictures and giving them the soft copies as freebies. Hindi naman kami nahirapan dahil maraming connections ang halos lahat sa aming section. Instead na bumili ay nag-rent na lang din kami dahil hindi naman magagamit ng matagal. Maghahanda na lang kami ng props para sa mga magpapa-picture pati na rin ng mga kakailanganin sa printing process.

“May ten percent discount kapag gusto niyong magpa-picture bukas. Magsama na lang kayo ng mga girlfriends at boyfriends niyo.”

Tuwang-tuwa ang mga ka-grupo ko dahil doon. Habang ako ay nangingiwi lang sa isang tabi. Kahit pa fifty percent ang discount sa amin ay hindi pa rin ako magpapa-picture. Siguradong papatok lang ito sa mga in a relationship na kagaya nila. Maybe I should just invite Aki and Damien instead.

DBS#3: Mending the Scars Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon