“Sa akin ka na lang muna sumabay ngayong lunch. Doon tayo sa canteen kasama ang mga kaibigan ko.”
Tumango siya sinabayan ako sa paglalakad papuntang canteen. Hindi talaga siya nagsasalita simula pa kanina. Palagi lang siyang tumitingin-tingin sa paligid na para bang may tinataguan. I know she’s just being paranoid, pero hindi ko mapigilang mag-alala. Mukhang wala na naman siya sa sarili niya. Bukod sa safety niya, nababahala rin ako na baka maapektuhan nito ang pag-aaral niya.
“Wow! Kasama mo ang girlfri—”
“Not now, Vince. Let us eat first.”
Siguro’y naramdaman din nilang mabigat ang atmosphere kaya hindi na sila gaanong nang-usisa pa sa amin ni Anikka. May mga iilang biruan pa rin naman pero hindi talaga ako makasabay dahil iniisip ko kung maayos pa ba itong katabi kong hindi pa rin nagsasalita hanggang ngayon.
“Sorry kanina. Hindi ako makasabay sa mga biruan niyo ng mga kaibigan mo. Pakisabi sa kanila na babawi ako sa susunod,” panghihingi niya ng paumanhin habang naglalakad pabalik ng aming department.
Halata talagang may problema siya dahil kung wala at normal na araw lang ito ay siguradong nag-celebrate na siya dahil sa wakas ay nakilala na niya ang mga kaibigan ko sa personal at nakasabay pang kumain. Nakakapanibago pala talaga, lalo pa at nasanay akong maingay siya.
Malapit na kaming makalagas sa mga benches pero para bang may sariling buhay na naman itong mga mata ko. Tuwing napaparaan ako rito ay memorya na ng utak at mga mata ko kung sinong dapat hanapin.
“Bry, n-nandiyan siya…”
Napaangat ako ng tingin dahil sa bulong ni Anikka. Iginala ko kaagad ang paningin ko at tumambad sa akin ang isang lalaking medyo may kalakihan ang katawan. Sa palagay ko ay ito nga ang tinutukoy niya dahil papalapit ito sa amin at may dalang kung ano. Kayumanggi ang kulay nito at itim ang magulong buhok. Bukas din ang buong uniporme nito at may puting t-shirt na panloob.
“Bakit wala ka sa café kanina? Naroon ang mga kaklase mo, ah. By the way, I bought this for you,” aniya nang tuluyang makalapit sa gawi namin. Inabot nito kay Anikka ang bulaklak na hawak niya pero hindi gumalaw si Anikka at nanatiling nasa likuran ko. Takot at umiiling. “You don’t like this? Come on, tanggapin mo na. Alam kong nahihiya ka lang.”
Dahil sa patuloy na pamimilit niyang iyon, doon ko napagtanto na mukhang may problema nga sa taong ito. Idagdag pang wala siyang pakialam sa presensya ko kahit pa nandito lang din ako sa harapan niya at kasama ni Anikka. His attention is focused just on her.
“Dude, can you stop? You’re harassing her,” I interrupted. Saka lang siya bumaling sa akin dahil doon.
“Sino ka ba? Labas ka rito, si Anikka ang kausap ko at hindi ikaw.”
Magsasalita pa sana ako nang unahan ako ni Anikka. “I told you to stop! Ang sabi ko ay hindi ako nagpapaligaw! You’re a creep, stop following me! Kahit saan ako magpunta ay sinusundan mo ako! Hindi ka ba nahihiya? Look at you! Hindi ako baliw para patulan ka!”
“Alam ko namang nagpapakipot ka lang. Isa pa, kaya kita sinusundan ay para masigurado kong safe—”
Hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin nang suntukin ko ng malakas ang kanang bahagi ng mukha niya. “Ang sabi niya ay huwag mo siyang sundan. Hindi ka ba marunong makaintindi?”
Mabilis na humakot ng maraming estudyante ang pangyayari. Sa isang iglap ay napalibutan kami ng mga nakikitsismis, ang iba ay may dala pang mga cellphone para lang mag-video. Gusto ko pa sanang pangalawahan ang suntok na ibinigay ko, kaya lang naramdaman ko na ang paghila sa akin ni Anikka.
“Baka sakaling matauhan ka sa suntok ko.”
Ngumisi siya at hinimas ang pisngi niyang natamaan ng suntok ko. “Hindi ko alam kung bakit ka nakikialam. Hindi naman ikaw ang nililigawan ko.”
Lalong nag-init ang ulo ko dahil sa sinabi niyang iyon. Pinilit kong kumawala sa hawak ni Anikka at pinaulanan muli ang lalaki ng magkakasunod na suntok hanggang sa matumba ito. Gumanti siya ng suntok pero hindi ko ito ininda dahil sa tindi ng galit ko. Pakiramdam ko ay naiilabas ko ang ilang taong sama ng loob na naipon sa akin. Panay singhap lang ang naririnig ko mula sa paligid lalo pa nang mapaibabawan niya ako.
“Oh my! H-Help him!” dinig kong umiiyak na sigaw ni Anikka.
“Talaga ngang mayayabang kayong magkakaibigan. Hindi ko akalain na ang nerd na kagaya mo ay papatulan ako ng ganito,” galit na untag naman ng lalaking nasa ibabaw ko.
Did he just call me nerd?
Nanggagalaiti kong inikot ang aking katawan hanggang sa siya naman ang mapunta sa ilalim ko. “Pakiramdaman mo ngayon kung paanong ang nerd na ito ang wawasak diyan sa mukha mo.”
Kaliwa’t-kanan ko siyang sinuntok hanggang sa dumugo ang mukha niya. Hindi ko pa sana titigilan nang may biglang humila sa akin mula sa likuran at malakas akong kinabig hanggang makaalis ako sa ibabaw noong lalaki.
Susugod pa sana akong muli nang ang kaninang humila sa akin ay siya namang sumuntok sa kalaban. Natulala ako habang pinagmamasdan likuran niya. Hindi pa siya nakuntento at itinayo pa niya ito bago sununtok ulit ng malakas, naging dahilan ng pagkatumba nito.
“Students!!”
Para kaming bumalik sa reyalidad dahil sa narinig naming malakas na sigaw at pito mula sa mga bagong dating na professors at school guards. Iginala kong muli ang aking paningin at nakitang marami na palang students ang nanonood.
“Anong kaguluhan ito?! Talagang ginagawa niyo nang kalye ang school natin!”
Pagod akong tumungo at naramdaman ko ang yakap ni Anikka mula sa aking gilid. Umiiyak siya at umiiling sa akin na para bang sumobra ako sa ginawa ko sa lalaking iyon. Tch! Siguradong buhay pa iyon kaya anong iniiling mo riyan?
“Huwag ka nang umiyak. Hindi ko naman pinatay,” I chuckled.
“Y-You’re hurt…” aniya habang humihikbi.
Marahan kong dinampian ng kamay ang pisngi ko at saka ko lang naramdaman ang hapdi nito kasabay ng dugong kanina pa palang tumutulo ng hindi ko namamalayan. Akala ko ay balewala lang ang naging suntok niya dahil hindi ko naramdaman ang sakit. Dala lang siguro ng matinding galit ko kanina kaya ganoon.
“At ikaw! Hindi ba ay transferee ka? Talagang dinala mo pa rito ang ugali mo!”
Napakurap ako sa galit na sermong iyon at hinanap kung para kanino ito. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Top na galit na nakatitig sa akin. K-Kung ganoon, siya iyong humila sa akin kanina? Siya iyong isa pang sumuntok sa baliw na iyon? Bakit niya ginawa iyon?
“Ms. Ignacio, hindi niya po kasalanan,” nagmamadaling sabi ko.
“And you, Mr. Sullivan, I can’t believe you’re this brutal! I’m very disappointed in you!”
Nag-iwas ako ng tingin at muling bumaling kay Top. Wala siyang sugat at bahagya lang na nagusot ang suot niyang uniform. Habang ang weirdong lalaki namang iyon ay tinutulungan na ng mga paramedics ng school at sa palagay ko’y dadalhin sa clinic para magamot ang mga sugat.
“Hindi pa ako tapos sa inyong dalawa! Come to me at the detention office!” umalingawngaw ang tinig ng aming terror na professor. “The rest of the students, go back to your classrooms! Baka gusto niyong isama ko kayo sa dalawang ito!”
Unti-unti nang humupa ang mga tao hanggang sa kaming tatlo nina Top at Anikka ang natira sa lugar kung saan nangyari ang gulo.
“Sasama ako sa detention office! I-Ipapaliwanag ko lahat. That wasn’t your fault, Bry! I’m so sorry!”
Umiling ako at marahang pinunasan ang mga luha ni Anikka. “Ako na ang bahala. Bumalik ka na muna sa classroom. Ipag-notes mo na lang ako.”
Hindi pa sana siya papayag pero nag-ring na ang bell at hudyat na magsisimula na ang klase. Tumango na lang siya at walang magawang naglakad palayo.
“Anong nangyari sa role model student ng SBA? Bakit nakikipag-away ka na rin ngayon?”
Muntik ko nang makalimutang nandito nga rin pala ang isang ito! Hindi ako kaagad nagsalita dahil hindi ko rin naman alam kung ano nga ba ang dapat kong sabihin sa kaniya. Malinaw naman ang kasalanan ko kaya ayaw ko nang ipaliwanag pa ang sarili ko sa kaniya.
“Paano na lang kung hindi ako dumating—”
“Kahit hindi ka dumating, kaya ko iyon! Mukha pa rin ba akong mahina sa lagay nang lalaking iyon ngayon?” inis na sagot ko.
“Iyon na nga! Kaya mo nga. Pero putang ina naman, Bryle! Kung hindi ako dumating ay baka napatay mo na iyon! Hindi ka ba nag-iisip?”
Nagulat ako sa sinabi niya at napaisip. Sumobra ba talaga ako ng galit kanina kaya ganoon? Talaga bang m-muntik ko nang… fuck! H-Hindi ko sinasadya. Tinawag niya akong n-nerd kaya napikon ko at hindi ko na siya tinigilan.
“P-Pero sinuntok mo rin naman noong inawat mo ako…” wala sa sariling bulong ko.
“Dahil hindi bale nang ako ang mapag-abutan ng nasa ganoong sitwasyon kaysa ikaw! Alam kong wala kang kasalanan… kahit anong gawin mo, para sa akin ay wala kang kasalanan.”
![](https://img.wattpad.com/cover/258407203-288-k473580.jpg)
BINABASA MO ANG
DBS#3: Mending the Scars
Ficção GeralCOMPLETED // UNDER EDITING [BoyxBoy] D'BEASTS SERIES #3: Mending the Scars