IKA-DALAWAMPU'T ANIM

735 18 12
                                    

“Kristoff Lucian Zamora… d-diagnosed with chronic myelogenous l-leukemia”


Am I dreaming? Is this some kind of nightmare?


“Ang haba ng tawag sa sakit ko, mas mahaba pa sa pangalan ko”


Hindi ko alam kung paano niya pa nakakayang magbiro habang ako ay halos manginig na sa gulat.


“Is this really true?” naguguluhang tanong ko pa rin kahit na malinaw naman sa hawak ko na hindi ito basta papel lang. Pirmado ng lisensyadong hematologist na si Dr. Francisco Samaniego at may stamp pa ng hospital.


“Yes, but I wish it wasn’t”


Hindi ko alam na posibleng mangyari ito sa totoong buhay. Parang kailan lang ay nagkukulitan kami, nag-aasaran sa tambayan, nakapulot ng pusa, nakipag-away, nagkasagutan, tapos ngayon ganito? Gugulatin kami ng sakit niya?


“Ang sabi ng doctor ay slow progressing cancer daw iyan kaya ngayon ko lang nalaman pero matagal na palang meron. Hindi rin noticable noon ang mga symptoms kaya all this time, may sakit pala akong hindi ko alam”


I don’t know what to say or how to react. Nanatili lang kaming magkatabi habang nakaupo at nakasandal sa pader ng kwarto niya. He cried. Kaya wala akong magawa kung hindi ang pigilan ang sarili kong ipakitang apektado rin ako dahil alam kong sa pagkakataong ito, pinanghihinaan na siya ng loob.


“It is treatable, Top. Gagaling ka. All you have to do is undergo therapies and be strong, so you’ll get better as soon as possible”


He looked at me with his sad eyes. Bahagyang namumutla ang mga labi at medyo maitim ang ibaba ng mga mata. “Will you stay with me during the process? Can you please stay with me habang nagpapagaling ako, Bryle?”


Tumango ako at inakbayan siya. Marahan kong nilapit ang ulo niya sa aking balikat hanggang sa dumampi ang mga labi ko sa noo niya. “I will stay. I promise. Magkasama nating lalabanan iyang sakit mo… I’m sorry I wasn’t with you during the times na nalaman mo ang resulta ng mga tests”


“Hindi ko alam ang gagawin ko nang ipaliwanag sa akin ang sakit ko. I was alone. The doctor told me not to stress myself dahil may paraan naman para gumaling ako. I’m just waiting for my bone marrow biopsy schedule and will have to have blood drawn twice or three times a week hanggang sa ma-control na ang white blood cells ko. Kailangan ko rin mag chemo kada araw”


Hindi ko lubos maisip na mag-isa siya at walang mapagsabihan manlang kung anong nararamdaman niya habang sinasabi ng doctor ang lahat ng iyon. Wala siyang kasama, he’s all alone. I wish I was there.


“I’m sorry,” bulong ko.


Tumango siya at humarap sa akin. “Huwag mo na ulit akong itaboy. Wala na akong ibang mapupuntahan


“I won’t. I’m sorry sa mga nasabi ko noon. It wasn’t my intention. I won’t let you leave, and I won’t leave you either”


Ang gusto ko na lang mangyari ngayon ay samahan siya sa lahat ng mga laban niya sa sakit na ito. Gusto kong kasama niya ako hanggang sa gumaling siya at pwede na niya akong asarin ulit kagaya nang dati. I want to be with him when he’s in pain. When he can’t figure out what’s happening, I want to enlighten him. When he’s slowly giving up, I want to be with him to lift him up.


But I know I can’t do it alone. I can’t be the only support system he has.


“Does Bien know about this already?”


“No, hindi ko pa nasasabi kay Kuya pati sa parents namin. Hindi ko alam kung paano. Ayokong mag-alala sila sa akin. Ayoko ring kaawaan nila ako”


“Take it slow. Kahit kay Bien mo muna sabihin, pagtapos ay tsaka na sa parents niyo”


I heard his deep breath before murmuring something. “Sobrang bilis ng mga pangyayari. Parang nagising na lang ako isang araw at meron na akong leukemia”


“Things happen for a reason, Top. We can get through this. We’ll beat cancer”


Nagtagal pa ako sa dorm nila hanggang sa makatulog na siya sa balikat ko. Hindi ako gumalaw, hindi rin gumawa ng kahit anong ingay. Binantayan ko lang siyang makatulog nang mahimbing. Mukhang puyat siya at kailangan niya ng sapat na tulog para mabilis maka-recover ang katawan niya.


I may not be a religious type of person, but for the first time, I prayed. May the Lord give him strength to overcome this situation. Lord, hear my prayers. I’m willing to give up everything just so he can live and see the real beauty of the world. Please guide him through this long and rough journey. I’m begging.


“I can almost hear you thinking”


Napakurap ako at tumingin kay Top. Nagising ko yata siya. “Pwede kang lumipat sa kama para makatulog ka ng maayos”


“Anong iniisip mo?” tanong niya habang dahan-dahang tumatayo.


“I prayed”


Tumingin siya sa akin at pagod na ngumisi. “You prayed for me?”


I nodded and whispered. “I’m afraid of death, Top. I’m afraid I might lose you again”


“Don’t be. Death is inevitable. Magiging doctor ka sa hinaharap, dapat masanay ka na”


“I don’t want to be a doctor,” kusang lumabas sa bibig ko.


He chuckled. “Paano mo ako magagamot kung hindi ka magiging doctor? Alam kong magiging mahusay ka. Pwede kang mag practice sa akin. Alagaan mo ako”


“Matagal pa akong magiging doctor. Magaling ka na lang nang mga panahon na iyon”


“You think mataas ang percentage na gumaling ako?”


Napaisip ako sa tanong niya. Hindi ko masasabi dahil wala naman akong alam sa case niya. Isa pa, hindi naman ako doctor. I can’t say anything, but I don’t want him to worry too much.


“Oo naman. Sayang lang ang yabang mo kung hindi ka gagaling,” I smirked, trying to lighten up the mood.


Ngumisi siya at sinimulan nang ayusin ang mga nakakalat sa kwarto niya. “Basta lalaban ako at magpapalakas hangga’t kaya ko. You don’t have to be afraid of death, Bryle. I won’t die. Hindi kita iiwan, pangako


Really, please, don’t die, Top. Because I would rather see you happy with someone else than never see you again.

D'Beasts Series #3: Mending the Scars Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon