IKA-LIMAMPU'T APAT

661 21 5
                                    

As much as I want to just spend this day with Top, bigla naman akong pinatawag sa bahay. Gianna texted me that Dad wants to talk to me about something. At first, I declined the invitation, but Gianna insisted. She promised that Dad wouldn’t cause a scene since Mom was around. Ang alam ko ay naka-schedule na ang flight nila sa susunod na linggo. Siguro ay gusto lang nilang magpaalam ng maayos.

“Hello, Bien? Busy ka ba ngayong umaga?”

“Hindi naman. Rest day ko ngayon kaya balak ko sanang dumalaw kay Top sa ospital mamaya.”

Good thing he’s not busy. Kailangan ko ng magbabantay kay Top para hindi na siya mahirapan sa mga kailangan niya habang wala ako.

“Puwede bang ngayon ka na pumunta? Uuwi lang ako sandali sa bahay. May pag-uusapan daw kami ni Dad kaya ikaw na muna ang magbantay kay Top habang wala ako.”

“No problem, Bry. Salamat ulit sa oras mo. Pupunta na ako ngayon mismo.”

After our short phone call, I looked at Top, sleeping peacefully. Marahan kong dinampian ng halik ang noo niya bago inayos ang suot niyang bonnet. I was about to walk away when I felt his hand on mine kaya napahinto ako at muli siyang nilingon.

“Gising ka na ba? Can you wait for me a bit? Uuwi lang ako sa bahay para kausapin si Dad,” nakangiting paalam ko.

He didn’t respond. His eyes are still close, even though his right hand is now holding my wrist. Hindi iyon mahigpit na hawak pero alam kong gising siya at ayaw niya akong paalisin.

“Babalik ako. Papunta na si Bien para siya muna ang bahala sa iyo habang wala ako. Don’t worry, I’ll be here before sunset.”

Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya at tiningnan ako. He looks so weak right now. Ibang-iba sa itsura niya nitong mga nakaraang araw. Inisip ko na lang na way ito ng paggaling niya. Na marahil ay dahil ito sa mga gamot kaya mas madalas na siyang manghina ngayon.

“M-Mahal kita, Bryle…”

Tumango ako at niyakap siya. Sapat na para maramdaman ang init ng katawan niya. “Mahal din kita, Top. Hintayin mo ako. Babalik ako kaagad.”

Muli siyang nakatulog hanggang sa may mga nurses nang pumasok sa room para tingnan ang mga vital signs niya at magsagawa ng iba pang mga tests. Dahil doon, ibinilin ko na muna sa kanila si Top. Malapit na rin namang makarating si Bien. Kailangan ko na lang ngayon magmadali sa pag-alis para paggising ni Top ay nakabalik na ako ulit dito.

Baka mamaya ay magtampo na naman iyon kung hindi ko siya sasamahang manood ng sunset. Iyon pa naman ang naging paborito naming gawing pampalipas ng oras habang nagkukwentuhan ng tungkol sa kung ano-ano.

Habang nagmamaneho ay hinihintay ko ang text ni Bien kung nasa hospital na ba siya. Usapan naming magte-text siya para mapanatag na ako kung may kasama na si Top. Saktong pagkarating ko lang sa bahay ang pagpasok ng text niyang nagsasabing naroon na siya. Sa sobrang bilis ng patakbo ko sa aking kotse, nagkasabay pa kaming makarating sa kanya-kanyang pupuntahan.

“Magandang araw, sir Henry. Nasa living room po sila naghihintay,” bati sa akin ng aming kasambahay

“Salamat po,” sagot ko at dumiretso ng living room

Halos mapaatras ako sa gulat nang hindi lang sina Gianna, Mommy at Daddy ang nakaupo sa couch. Hindi ako kaagad nakapagsalita nang makita roon si William. It’s been awhile since I last saw him. Sa sobrang busy ko kay Top, hindi ko na siya muling nabisita. Wala rin akong contact number niya kaya hindi ko siya nasabihan tungkol sa pinagkakaabalahan ko ngayon.

“Maupo ka, Henry.”

Lumapit muna ako kay Mommy at humalik sa pisngi niya kagaya ng nakasanayan ko bago ako naupo sa tabi ni William. Tinanguan ko siya at bahagyang ngumiti.

“I know you already met each other, but I just want to fix this problem in my way.”

Wala akong naintindihan sa sinabing iyon ni Dad. Anong ibig niyang sabihin? Anong problema at anong aayusin sa sarili niyang paraan? Am I missing something?

“Do you have any plans for our son, William?”

Wait, what? O-Our son? Dad still thinks of me as his son? Unbelievable.

“Legal na ang edad ni Henry kaya hahayaan ko siyang magdesisyon sa gusto niyang mangyari. Ang gusto ko lang ay huwag niyo na sana akong ilayo sa anak ko. Hayaan niyo akong makabawi sa napakaraming taon na wala ako sa tabi niya.”

I still have no idea about what’s going on, but I’m not naive enough to not even think that they want me to choose who I will stay with. At least that’s what I understand based on how they talk to each other. I don’t really think it’s necessary, though. Both are my family, and there’s no competition in that.

“Son, gusto mo bang mag-stay muna kay William? Or you can just stay with us—”

“Estella, let him decide.” Dad interrupted her.

“I’ll stay in my condo. Alone,” agarang pagdedesisyon ko. “But I will pay a visit every now and then, lalo na kung hindi naman ako busy. I’ll make time for you, Mom, and so for my real father.”

“Wise decision. As expected from you,” papuri ni Dad.

Dad and I have barely even talked since we argued last time. I know this is his way to make it. Hindi siya vocal na tao pero nararamdaman ko namang gusto niyang magkaayos pa rin kami. Hindi ko nga lang alam kung ang tungkol sa amin ba ni Top ay tanggap na niya. Ayaw ko nang simulang itanong. Hahayaan ko na lang siyang kusang kumausap sa akin tungkol sa bagay na iyon.

“Kuya, salamat sa maayos na pagpapalaki kay Henry. Hindi ako nagsisising sa iyo siya ibinigay ni Papa.”

“Hindi ibang tao si Henry para hindi ko siya ituring bilang anak. May mga pagkakataon lang talaga na nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan at humihingi ako ng tawad sa mga iyon. Maybe I was really too strict.  Nakapag-usap na rin kami ni Estella tungkol dito and I’ll do my best to make up for those days when I was a bad father. I’m sorry, Henry.”

“You were never a bad father. I never thought like that to you,” I whispered.

Dahil kahit gaano ako nahirapan noon, alam kong hindi ko mararating kung nasaan ako ngayon kung hindi rin dahil sa kaniya. Tama nga siya na utang na loob ko ang lahat ng ito sa kanila. At mas lalo pa akong nagpapasalamat nang binigay niya sa akin ang lahat ng kailangan ko kahit pa hindi niya naman ako tunay na anak.

“Do you forgive your dad?” tanong ni William habang naiwan kaming dalawa sa living room para mag-usap.

Mom’s now in the kitchen with Gianna while preparing our lunch. Si Dad naman ay nasa garden para tingnan ang magiging set-up ng lunch namin together with William. For them, this day is special because William is finally home. Ang sabi pa niya ay nanggaling na siya sa mansion. Nakipag-usap na siya at nagkapatawaran na rin naman. Grandma badly wants to visit here because he misses William so much, but Dad insisted that they’d just plan another gathering for that.

“I did. After all, ang lahat ng ito ay utang na loob ko sa kaniya.”

“Subukan lang niyang saktan at pagsalitaan ulit ng hindi maganda ay ako na ang makakalaban niya,” nakangising aniya habang nagsisindi ng sigarilyo.

Halos matawa ako kung paano siya umasta. He’s very different from Dad and his other siblings, and yet he’s grandma’s favorite. Siguro ay na-adapt na niya talaga ang lifestyle kung saan siya tumira ng matagal. Sigurado nga lang akong mapapagalitan ito ng mga kapatid niya kapag nakitang grabe siya kung manigarilyo.

“You should quit smoking, Pa. Alam mo namang masama iyan sa kalusugan.”

“Susubukan ko, anak. Hindi madaling bumitaw sa nakasanayan pero wala namang masama kung susubukan, hindi ba?” nakangiting aniya.

“William! Mamaya na iyan, tumulong ka sa akin. Mag-iihaw ako ng paboritong barbeque ni Henry,” tawag ni Dad kaya kaagad namang sumunod si Papa.

“Heto na! Hindi mo ba kayang mag-isa iyan?” tamad na sagot niya pero kaagad ding tumayo. “Huwag kang maingay na nagsigarilyo ako, ha.”

Ganito pala ang pakiramdam ng dalawa ang tatay. Masaya at nakakagaan sa pakiramdam. Iyon nga lang, sana ay buhay pa si Uncle Juanito para hindi lang dalawa ang tatay ko. Mabuti na lang din talaga at nagkaayos na ang magkakapatid dahil ayaw ko namang malungkot lang si Papa ng mag-isa at walang ibang pupuntahan. At least ngayon, he can stay at the mansion and be with grandma and grandpa.

Napakurap ako sa pagkakatulala nang mag-vibrate ang phone kong nasa bulsa. I was about to decline the call when I saw Bien’s name flash through my screen.

Bakit naman kaya? Sana ay huwag muna siyang umalis dahil hindi ko yata kayang makaalis kaagad lalo pa at nagluluto si Mommy ng tanghalian.

“Kumusta, Bien? Gising na ba si Top?” masayang tanong ko.

Siguro ay nami-miss na ako ng isang iyon kaya inutusan na ang kuya niyang tawagan ako, tch.

“B-Bry…”

“Bien? Ayos ka lang ba? Bakit ganiyan ang boses mo?”

Napakunot ang noo ko nang mapansin ang kaibahan sa boses ni Bien. Hindi ko alam kung may problema ba sa mismong linya ng tawag o talagang umiiyak siya. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, kaagad akong dinapuan ng kaba at napatayo sa aking kinauupuan.

“What is it? Anong nangyari? Are you still in the hospital? K-Kumusta si Top? Bien? Naririnig mo ba ako?” natataranta at sunod-sunod kong tanong.

“Puwede bang pumunta ka na rito? S-Si Top kasi… hindi ko alam. B-Bry hindi ko na alam. K-Kailangan ka niya.”

Matapos kong marinig iyon ay wala akong pinalagpas na oras at kaagad na tinakbo ang layo ko kung saan naka-park ang kotse ko kanina. Hindi na ako nakapagpaalam at kaagad nang nagmaneho paalis. Binilisan ko ang patakbo ng aking kotse, to the point that I’m almost beating the red light. Bahala na. Kailangan kong magmadali.

“Please, hintayin mo ako, Top. I’m on my way.”

D'Beasts Series #3: Mending the Scars Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon