IKA-LABING DALAWA

1.1K 30 8
                                    

Lumipas ang dalawang linggong wala akong ibang ginawa kung hindi ang ituon ang buong atensyon ko sa pag-aaral. I’m doing well on our clinical, and at the same time, nag-e-excel ako sa iba pang mga subjects. I’m afraid that I might fail just because my mind was bombarded with different thoughts kaya inubos ko ang buong oras ko sa pag-aaral. For the weeks that have passed, I have never had any interaction with Top anymore. Hindi na ako madalas dumaraan malapit sa mga benches dahil sumasabay na ako kay Anikka tuwing lunch break. Dahil doon, palagi rin akong nakakapagdahilan sa D’Beasts tuwing inaaya nila akong mag-lunch kasama sila.

“Kaya pala hindi ka na sumasabay sa amin!” pang-aasar ni Ford nang makita niya kaming nagtatanghalian sa isang maliit na food stall malapit sa aming building.

“Bakit ka nandito?” tanong ko kasabay nang pag-inom ng order kong apple shake.

“Inutusan ako ni Mr. Mendez na dalhin itong mga folders niya. Kung kailan lunch time na ay saka pa ako inabala,” pagrereklamo nito bago lumapit sa akin at bumulong. “Ang ganda niyang kasama mo. Girlfriend mo na?”

Lumingon ako kay Anikka na mukhang hindi napansin si Ford dahil masyadong busy sa pagbili ng kwek-kwek. Hindi pa raw siya nakakatikim ng ganitong mga pagkain kaya pinilit akong dito na lang kumain ngayong araw.

“Trip mo ba?” ngising tanong ko pabalik. Bago kasi sa akin ang makitang magka-interes siya sa isang babae.

“Sira-ulo! Hindi ko aagawin iyan! At saka, mukhang high maintenance! Tingnan mo, ang takaw kumain,” ngiwing sagot niya. “Good luck diyan sa chix mo, mamumulubi ka riyan.”

Natatawa siyang umiling bago nagpaalam nang babalik sa canteen para kumain kasama ang D’Beasts. I told him I’m busy kaya hindi muna ako makakasabay sa kanila. Ang lokong iyon ay tumango lang at nag-thumbs up pa bago tuluyang nawala.

“You should try this thing! It smells disgusting but tastes so good,” pang-aalok ni Anikka sa fish balls na nasa plastic cup niya.

“Alam ko na lahat ang mga lasa niyan. Hindi naman ako kagaya mong parang pinanganak lang kahapon.”

She doesn’t even know that street food exists! Palibahasa’y puro chismis ang inuuna.

Inilibot ko ang paningin ko at pinagmasdan ang maraming estudyanteng pabalik-balik sa kani-kanilang mga classrooms. Nasa pagitan ng nursing department at iba pang department itong mga food stalls na bagong tayo lang kaya medyo nag-alangan pa akong pumunta, hindi ko kasi alam kung anong courses ang mga nandito. Baka may makita akong hindi ko gustong makita.

“Marami rin palang guwapo rito! Don’t get me wrong, mas gwapo ka sa mga iyan. Huwag kang magselos.”

Napaismid na lang ako sa kawalan. Wala na talaga akong magawa dahil kung ano-ano na naman ang sinasabi niya. Kaya kung minsan ay hindi ko pinapansin ang isang ito, eh.

“Anong department ba iyang mga nasa harapan?” kuryosong tanong ko.

Kapareho kasi ng regular na uniform ng school ang mga suot nila kaya hindi ko alam kung ano. Puting polo, may itim na necktie at itim na pants. Kapareho rin ng palaging suot nila Aki at kahit ni T-Top.

“Accountancy siguro iyan. Nakita ko kasi iyong friend ko kanina.”

Fuck! That means pwedeng makita ko si Top ngayon dito? After two weeks, anong sasabihin ko? What should I do? Bakit ba kasi rito pa naitayo ang mga food stalls na ito kung saan malapit sa accountancy!

“Bilisan mo nang kumain. Babalik na tayo sa classroom,” nagmamadali kong utos kay Anikka.

“Mamaya na! Wala pa namang ginagawa roon, at saka maaga pa.”

DBS#3: Mending the Scars Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon