Hindi ako pinatulog nang pag-iisip ko tungkol kay Uncle William. Kating-kati na rin akong itanong ang tungkol sa kaniya kay Gianna pero may kung anong pumipigil sa akin. Paano kung wala siyang ideya tungkol dito? Bibigyan ko lamang siya ng isipin. Isa pa, ayokong malaman ni Dad na nalaman ko ito. Kung tinatago nga nila, siguradong hindi nila gugustuhing malaman na sinabi sa akin ni Uncle Julio ang tungkol sa bagay na iyon.
Anikka Valdez
Hey, handsome! Are you okay?
Malapit nang magsimula ang klase at wala ka pa. Hindi ka ba papasok?
Tamad akong nagtipa ng mensahe para kay Anikka habang nakahiga pa rin sa aking kama. I know I have to go to school right now, but I’m still sleepy, and I need long hours of rest. Napuyat ako kakaisip kagabi.
Bry Sullivan
I can’t. I’m not feeling well right now.
Could you please send me your notes later, after class? Thank you!
Hindi na siya nag reply dahil siguradong simula na ang first subject namin. Ngayon pa lang ako nag absent dahil lang wala akong ganang pumasok. Siguro kung nakatulog ako ng maayos ay magagawa ko pang lumabas manlang ng kwarto. Sleep is really important, and I should’ve realized it back when I was younger.
“Meow…”
I rubbed my eyes and looked at my carpet, and there I saw Pancake purring and rubbing himself on everything he walked on. This guy right here is getting bigger and bigger every single day. Buti naman at nabuhay siya. May kasama na ako rito sa condo.
“Are you hungry, little guy?”
“Meow,” he answered.
“You are? Wait, let me just freshen up, okay?”
I turned on a cold shower to boost my energy and alertness, even though I’ll pretty much stay here for the entire day. Hindi alam ng parents ko na wala ako sa school ngayon and I’m afraid they might see my excuse as laziness. Well, true enough. I’m kind of lazy today, aside from the fact that I haven’t gotten enough sleep.
Nagbibihis na ako sa kwarto nang muli kong maalala ang dahilan kung bakit ako napuyat kagabi. Uncle Julio’s voice kept echoing in my mind. There’s something inside me that makes me want to know more about their youngest sibling.
“What’s really behind that story? Nasaan na kaya si Uncle William ngayon? Is he still alive?”
All of a sudden, I found myself typing a message to someone I know who knows how to keep a secret and has analytic skills to help me figure out the truth.
Bry Sullivan
Jaiden, are you busy? I have something to tell you. Call me when you receive this message.
Matagal bago ako makatanggap ng tawag mula kay Jaiden. Nakatulog na lang ako at nakapag-practice na ng konti sa aking gitara. Naisip ko tuloy na class hours nga pala at siguradong nasa klase ito kaya hindi kaagad nabasa ang message ko. O hindi kaya, iba na ang number niya kaya hindi na nag send ang text ko?
Lunch break na ngayon and I’m hoping to receive a call or a text message from her at any moment.
Then, my phone rang loudly, almost making me have a mini-heart attack. I saw Jaiden’s name flash on my screen, and I answered it immediately.
![](https://img.wattpad.com/cover/258407203-288-k473580.jpg)
BINABASA MO ANG
DBS#3: Mending the Scars
General FictionCOMPLETED // UNDER EDITING [BoyxBoy] D'BEASTS SERIES #3: Mending the Scars