IKATLO

1K 26 5
                                    

Buong gabi akong nag-aral ng mga notes ko at nag-search sa internet at the same time kung sino o ano nga ba iyong Baymax na tinutukoy ni Top kanina. Wala kasi talaga akong matandaan na nakapanood ako ng ganoong klase ng palabas sa buong buhay ko. Though, pamilyar nga iyon, siguro ay narinig ko na kay Gianna.

“Fuck you to death, Angry Bird!” singhal ko matapos kong i-close ang tab kung nasaan ang mga results ng hinanap kong imahe.

This huge white thing is all over my desktop at hindi ako natutuwa. Pakiramdam ko ay insulto iyon sa akin. Do I really look like that? Am I that big?

Tumayo ako at pumunta sa bathroom. Humarap ako sa salamin kung saan ko madalas ginagawa ang skin care routine ko tuwing umaga at gabi. Maingat talaga ako sa aking balat, kaya naman hindi ako nagkakaroon ng kahit anong pimples o blackheads manlang. Regular akong bumibisita sa aking dermatologist kaya ganoon. Maputi rin ako dahil maputi ang mga magulang ko. Maayos ang gupit ng buhok at meron akong eyeglasses dahil malabo na nga ang mga mata ko, meron pa akong astigmatism. Pero sa overall looks, okay naman ako. And most especially, hindi ako kamukha ni Baymax.

“O baka naman ay dahil nga sa kulay puting nursing uniform namin?”

Ano namang magagawa ko kung ganoon ang uniform ng mga nursing? Bahala siya kung anong gusto niyang isipin sa akin! Hindi ko nga pinakialaman ang pagiging mahina niya sa math tapos papakialaman niya naman ang itsura ko.

Tinapos ko ang daily ritual ko tuwing gabi nang may sama ng loob. Hanggang sa nahiga na ako at hindi ko na namalayang nakatulog na pala kakaisip sa itsura ko. And for the first time in history, nag-alala ako paggising ko sa magiging itsura ko bago pumasok ng school.

I know I look good! It’s just that— fuck! This is all your fault, Angry Bird! Wala naman akong pakialam sa itsura ko noon because I know my looks are quite appealing. Ngayon lang talaga. Ngayon lang ako nag-doubt sa itsura ko.

In the end, nagsuot na lang ako ng itim na jacket sa ibabaw ng suot kong uniform bago ako pumasok. Sinikap kong pumasok ng maaga dahil kapag isolated ako sa condo ay kung ano-anong lang ang iniisip ko.

“Bakit ka naka-jacket? May sakit ka ba?” tanong ni Vince nang makasabay ko siya sa parking lot.

“Wala, n-nilalamig lang ako,” sagot ko sabay ayos ng itim kong jacket.

Naisipan kong mag-jacket kahit pa hindi naman malamig o umuulan dahil siguro nga ay masyadong puting-puti ang itsura ko kaya mas mabuting may bahid ng itim kahit kaunti.

“Ang init ng panahon tapos nilalamig ka?” nagtatakang tanong ni Vince habang nakatingala sa mainit na kalangitan.

“Malamig sa classroom! Palibahasa’y walang air-con sa classroom niyo,” agarang sagot ko at tinalikuran na siya.

Narinig ko pa ang malakas niyang tawa kaya lalo kong binilisan ang paglalakad. Panira rin talaga ng umaga ang isang iyon. Masyadong maraming napapansin. Mabuti na lang talaga at air-conditioned ang classroom namin para hindi mukhang weird tingnan na nakaganito ako buong araw.

At dahil maaga akong pumasok at hindi pa nakakapag-almusal ay lumiko muna ako ng daan papunta sa canteen. Wala pang gaanong tao at kaunti pa lang din ang mga pagkain na tinitinda. Nag-order na lang ako ng madalas kong kainin dito tuwing umagang wala akong ganang mag-breakfast sa bahay, o hindi kaya ay kapag nagmamadali ako pero kailangan ko pa rin kumain. Mabilis ang naging proseso ng order ko dahil wala gaanong tao kaya kaagad akong naghanap ng mauupuan. I was about to eat nang may biglang humila ng upuan sa harapan ko at ipinatong ang dala niyang pagkain sa lamesa.

“Paupo rito. Baka mapagkamalan akong loner kung kakain akong mag-isa.”

That voice! Inangat ko ang tingin ko at tama nga ang naging hinala ko kung sino iyon. I just want a good and peaceful breakfast, for Pete’s sake!

D'Beasts Series #3: Mending the Scars Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon