UNA

1.7K 35 17
                                    

BRY’S POV

“Call us if you need help. Even sa mga assignments, I’m pretty sure your sister will help you with that. You two should communicate often.”

“Yes, I will. Please, take care,” paalam ko kay Mommy nang ihatid namin siya sa airport.

Magkasabay dapat sila ni Gianna kaya lang nauna na ito sa Canada noong makalawa pa dahil sa biglaang patawag sa kaniya sa hospital. She has a lot of patients to attend to kaya hindi na siya puwedeng magtagal dito, lalo pa at resident doctor pa lang siya roon.

“You should go now too, anak. May klase ka pa, right? Call me if you need me. I have to go.”

Mamaya pa magsisimula ang klase namin kaya naman sumama na rin ako sa paghatid kay Mommy. Aalis na siya ngayon patungo rin ng Canada kung saan ay isa siyang registered physician. My Dad is an orthopaedic surgeon, and Gianna is still undergoing a residency program in general surgery since she wants to be a surgeon too, pero hindi kagaya noong kay Dad. She wants to be a pediatric surgeon, and we all know it’ll take years to become one, but she’s very dedicated to what she’s doing, and I’m sure by now she’s happy about her chosen profession.

Maiiwan si Dad dito sa Pilipinas pansamantala since he’s on leave, pero I’m sure susunod din siya kaagad sa ibang bansa at maiiwan akong mag-isa. I’m fine with that though, mas maganda pa nga kapag wala sila, hindi ako nape-pressure sa kahit ano. Walang dinner na puro kung ano-anong diagnosis na lang ang pinag-uusapan. Kung minsan ay halos mag-debate pa sila habang ako ay tahimik lang na nakikinig.

Tuluyan nang nawala sa paningin namin si Mommy kaya napagpasyahan na namin ni Dad na umalis ng airport. Ang sabi niya ay dadalaw daw muna siya sa grandparents namin. My grandparents are retired doctors, and they value and love their professions to the point that we have to be just like them when we grow up. Dad once told me that grandma wanted him to marry someone who was in the same field as them, and so he married mom, who was then studying at a medical school. The same thing happened to my uncles and aunts. And it passed through generations.

Mabuti na lang talaga at may pasok ako, kung wala ay siguradong pipilitin na naman niya akong sumama. Mas gugustuhin ko pang mag-aral nang mag-aral mag-isa kaysa batuhin ng puro tanong tungkol sa future ko. They’re pretty strict. Hindi ako comfortable ng ganoon kaya kapag kaya ko, gumagawa talaga ako ng paraan para makatakas.

“Take care, son. Study hard,” paalam nito nang makasakay na ng kaniyang kotse.

Nagmadali na rin akong sumakay sa aking sasakyan at nagmaneho papuntang school. Mahaba pa naman ang aming bakanteng oras pero may kailangan pa akong tapusin na iilang mga activities. Kaysa umuwi, mas gusto kong doon na lang ako gumawa ng mga kailangan ko pang gawin para hindi ako ma-late sa klase.

Nakasalubong ko pa ang ilan kong mga kaklase sa hallway. Ang ilan ay inaya pa akong lumabas para magkape, pero tinanggihan ko kaagad at sinabing may pupuntahan pa ako. Balak ko nga sanang puntahan ang mga kaibigan ko kaya lang wala rin naman silang libreng oras ngayon dahil may kani-kanila silang mga klase ng ganitong oras, kaya mas mabuting mag-aral na lang ng mag-isa.

Walang tao sa madalas kong tinatambayan malapit sa department namin. Palibahasa’y malayo sa department ng iba kaya halos mga nursing students lang ang tumatambay. Maraming puno rito at mahangin kaya masarap mag-aral kumpara sa school library na may masungit na librarian.

Nang sa wakas ay nakaupo na ako, nilabas ko na ang mga gamit ko at nagsimulang magsagot. Kaunti lang naman ito at bukas pa ipapasa, pero mabuti nang matapos kaagad para hindi ako matambakan ng mga gawain. Second year college na ako at mas lalong kailangan kong magseryoso. For sure mas maraming exams, anatomy labs, clinicals, and placements. Mabuti na rin na matapos ko ito habang wala pa ang maingay na si Anikka, siguradong chismis na naman ang hatid niya o hindi kaya ay puro panlalandi sa akin.

D'Beasts Series #3: Mending the Scars Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon