Maaga akong nagising para maghanda sa aking unang duty. Kailangan ay kalahati o isang oras bago magsimula ang shift ko ay nandoon na ako. I checked my things twice and made sure that I had with me the important things I needed, like a stethoscope, a notepad, pens, a binder, and some nursing sheets. I also bought my snack, of course, without ingredients that contain allergens for the safety of my patients.
Wearing my complete nursing uniform, I drove my car papuntang hospital. Nang maipit ako sa konting traffic ay tiningnan ko muna ang aking phone kung sakaling may update si Amy dahil siya na muna ulit ang maiiwan ngayon kay Pancake. But instead of her texts, messages ni Top ang nakita ko. It was sent an hour ago, ngayon ko lang napansin.
Angry Bird
Goodluck! Galingan mo, Doc :>
See you later.May lakad nga pala kami mamaya. Coffee date raw but not exactly a date. As if naman iisipin kong date nga iyon. In his dreams!
I was about to type my reply, but the car in front started to move. I don’t want to cause any inconvenience; that’s why I just kept my phone in my pocket and drove the car. Mamaya na lang siguro ako mag-re-reply kapag break time sa duty.
Basically, sampu kaming assigned sa SBMH but we’ll be in a different parts of the hospital. Pero ngayon, kailangan muna namin i-meet ang aming clinical instructor para i-orient kami. This will surely be a long day for us.
Hours have passed in a blink of an eye, and everyone’s busy with their tasks. Nag-focus lang ako sa mga ipinapagawa sa akin hanggang sa bigyan kami ng iilang break time para kumain. Ganoon ang naging takbo ng buong eight hours ko. Pagpatak ng alas-kwatro ay out na namin. Nang matapos ko ang mga dapat kong gawin bago umuwi ay nagmadali na akong dumiretso sa unit para maligo dahil sa lakad naman namin ni Top mamaya.
Lumabas ako ng building suot ang isang simpleng puting t-shirt na may kaunting print sa harapan at kulay beige na cargo shorts. Hindi ko rin alam kung dapat bang mag sapatos pa ako. But I ended up wearing just my slides. No eyeglasses for today, para maiba lang. Tsaka buong araw akong nakasalamin, masakit na ang mga mata ko.
“Ayos na siguro itong suot ko. Hindi naman date ang ipupunta ko para mag-ayos ng sobra.”
Naglakad na ako hanggang makarating ako sa parking. I was about to go to my car nang bumungad sa akin si Top na nakaupo sa motor niya. Naka-longsleeve siyang kulay puti at naka-sweatpants. Kainis! Bakit siya nag puti! And more importantly, bakit siya narito sa parking?
“Sabi ko mag mo-motor tayo”
“Ayaw ko riyan. Hindi ako komportable,” inis kong singhal. Paano ako sasandal kung sa motor ako sasakay?
“Ang arte mo,” humalakhak siya at nag-start ng motor bago tinapik ang likurang upuan. “Tara na, dalawa naman ang helmet ko. Sa iyo itong isa.”
So, I ended up riding on his motorcycle. Kaysa naman mag-cause pa kami ng commotion dito sa parking lot!
Sinuot ko ang helmet niya, ito iyong helmet na palagi niyang sinusuot. Habang ang gamit naman niya ngayon ay bago lang sa aking paningin. Hindi ko alam kung saan kami eksaktong lugar pupunta pero ang sarap sa pakiramdam dahil malamig ang simoy ng hangin. Nalilipad ng bahagya ang damit ko lalo na nang makalayo kami sa mga building na tanawin.
“Saan tayo pupunta?” tanong ko kahit hindi ko alam kung maririnig niya.
Pansin kong medyo malayo na kami sa pinagmulan namin kanina. Wala nang mga malalaking building at tanging mga puno na lang ang natatanaw ko at pailan-ilang mga maliliit na kainan.
BINABASA MO ANG
D'Beasts Series #3: Mending the Scars
Ficción GeneralCOMPLETED // UNDER EDITING [BoyxBoy] D'BEASTS SERIES #3: Mending the Scars