IKA-APATNAPU'T APAT

656 24 11
                                    

Tanghalian na at nasa school canteen ako kasama ang buong D’Beasts. Nagpa-plano sila ngayon para susunod naming gig. Gusto sana ulit ni Seven na sa Triple 8 na ulit ganapin, kaya lang may nag message sa amin na isang bistro owner, kung willing daw ba kaming mag perform sa kanila. Dagdag engagement din ng bagong tayo nilang bistro.


“Sigurado ba kayong babayaran din kayo ng sapat no’n? May bonus din ba kung mas maraming tao? Kung sa Triple 8 ay siguradong maraming pupunta, kahit hindi mga estudyante,” pagkukumpara ni Seven sa Triple 8 at sa next venue ng aming gig.


“Ano ka ba, Seven? Give chance to others! Baka sabihin nila mapili kami,” ani Fred habang kumakain ng ikalima niyang fried chicken.


“Oo nga, Seven. At saka para makatulong din tayo sa mga small business owners,” dagdag naman ni Bien.


“How about you, Bry? Ano sa tingin mo?”


“Kung ano na lang ang gusto ng karamihan,” tipid kong sagot habang kumakain ng coleslaw.


“Fine! Basta sa susunod, balik na kayo ng Triple 8,” Seven surrendered.


“Gusto mo lang ng extra income, ini-exploit mo pa kami,” natatawang saad naman ni Akiro.


We continued talking and planning about the gig this week, pero ang sabi nila ay uulitin pa raw nila ito sa magiging practice namin sa Biyernes ng hapon para kumpleto kami at kasama si Top. Dapat nga sana ay isasama ko siya ritong kumain, pero pinag-early lunch daw sila kasi na-move ang isa nilang subject sa oras mismo ng tanghalian.


Hindi bale na, magkikita naman kami mamaya para sa lakad namin.


“Sabi ng mga senior, cut daw ang klase mamayang alas tres, ah.”


Akala ko ay hindi totoo ang nasagap na tsismis na iyon ni Ford nang mag-announce ang adviser namin na papalabasin na kami ng alas tres dahil may meeting ang buong faculty. Mabuti na lang din para maaga kaming makaalis ni Top at puntahan ang address na binigay sa amin ni Jaiden.


“Tara na?” tanong ni Top nang magkita kami sa parking lot.


“Kotse na lang ang gamitin natin.”


Tumango siya at lumapit sa akin. “Sasakyan mo talaga ang gagamitin natin. Hindi ko dala ang sa akin.”


“Nag-commute ka kanina?”


“Nope, sumabay ako kay kuya.”


Wala na kaming sinayang na oras at pumunta na sa dapat naming puntahan. Malapit lang naman ang address ni William, pero hindi ko maiwasang bagalan ang takbo ng kotse habang iniisip kung anong sasabihin ko kung sakaling makita siya.


Anong dapat kong itawag sa kaniya? Paano ko siya kakausapin? Makikilala niya pa kaya ako?


“Halos marinig ko na iyang iniisip mo.”


Mabilis kong nilingon si Top sa passenger seat bago muling humarap sa kalsada. “Kinakabahan lang ako. Hindi ko alam kung paano ko siya dapat i-approach.”


“Just do it in a natural way. Huwag kang kabahan, baka hindi ka makapagsalita mamaya kapag nagpadala sa kaba mo. Kung gusto mo naman, pwedeng ako na lang ang magpakilala sa iyo roon.”


Mabuti na lang talaga at sinama ko ang isang ito. Mas panatag ako kapag nariyan siya. At least, kung hindi ako makapagsalita mamaya at kinain na ako ng kaba, puwedeng siya na lang ang gumawa no’n para sa akin.


D'Beasts Series #3: Mending the Scars Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon