Today is Saturday, and we’re currently at Val’s house for our band practice because we’ll be playing at Caza Bistro later. As usual, kumpleto ulit ang buong D’Beasts kahit na wala naman silang ibang gagawin dito kung hindi manood sa amin at kumain. Hindi raw sila puwedeng mawala lalo pa ngayon na uuwi si Val maya-maya lang. He's on his way here, Ilang oras na lang ay makakarating na ulit siya ng Pilipinas. Bakasyon daw nila kaya naisipang umuwi, syempre hindi talaga kami ang dahilan, kung hindi si Nathan.
“Alam niyo ba, sinubukan kong tawagan si Val kahapon. Wala kasi akong magawa, eh. Hiningi ko iyong itim niyang sports car,” humahalakhak na sabi ni Vince.
Kung ano-ano ang pinag-uusapan nila. Ako naman ay nakaupo lang at nakikinig habang hinihintay si Top. Ang sabi niya, papunta na raw siya. Late lang ngayon dahil tinanghali raw siya ng gising. Ang usapan pa naman namin ay alas nuwebe ng umaga, pero malapit na magtanghalian ay hindi pa kami nakakapagsimula.
“Baka naman binibiro ka lang! Uto-uto ka masyado.”
“Seryoso nga! Pag-uwi niya raw mamaya, ibibigay niya sa akin. Grabe talaga ang isang iyon. Ginawang laruan ang mga sasakyan niya.”
Talagang kay Val pa sila nanghingi. Lahat kayang ibigay no’n, si Tan lang siguro ang hindi.
“Sorry, natagalan ako…”
Napakurap ako nang marinig ang boses na iyon at kaagad na sumilip sa bagong dating. Sa wakas, after three hours ay narito na rin ang isa pang pa-VIP.
“Ayos lang, Top. Tinatamad pa naman kaming tumugtog. Magpahinga ka muna tapos mamaya na tayo magsimula,” ani Aki habang kumakain ng chips.
Akala ko pa naman ay magsisimula na kaagad kapag dumating na siya. Balak ko pa naman sanang kumustahin si Mommy dahil hindi pa rin ako bumibisita sa bahay. Siguro ay puwede pa naman akong bumaba saglit para makatawag sa bahay. Mamaya ay busy na kami sa gig kay baka wala na rin akong libreng oras.
“Bababa muna ako sa living room. Tatawag lang ako sa bahay,” paalam ko sa kanila.
“Dumating lang si Top, aalis ka na? LQ kayo?” tanong ni Bien habang ang buong atensyon ay nasa kinakain niyang fried chicken.
My eyes widened at his sudden remarks. Mabuti na lang talaga at wala gaanong nakarinig dahil busy sila sa mga—
“Kayo na?” gulat na tanong ni Vince habang kagat-kagat ang fried chicken niya. “Sabagay, noon ko pa naman napapansin. Pero totoo nga? As in?”
“Kumain ka na lang diyan, tsismoso ka masyado,” natatawang puna ko at tumayo na.
Tumango si Tan at nag-thumbs up pa. “Sige na, Bry. Take your time, mamaya pa naman daw kayo magsisimula.”
“Bumalik ka agad, Bry. May gusto pa kaming malaman,” nakangising sabi naman Damien.
Sira-ulo talaga ang isang ito. Alam ko namang noon pa ay alam na niya na may kung anong mayroon sa amin. Masyado kaming close para hindi siya makahalata. Isa pa, sa kaniya rin ako lumapit noon para makapunta sa dorm nila Top.
Tumayo na lang ako at hindi na pinansin pa ang mga pang-aasar at pang-uusisa nila. Bago ako lumabas ng room na iyon ay napansin ko pa ang pagkunot ng noo ni Top habang nakatanaw sa gawi ko. Mukhang gusto pa yata niyang sumama kaya sinamaan ko na lang ng tingin at naglakad na pababa.
BINABASA MO ANG
D'Beasts Series #3: Mending the Scars
General FictionCOMPLETED // UNDER EDITING [BoyxBoy] D'BEASTS SERIES #3: Mending the Scars