“How am I supposed to move on? Hindi ko manlang nalaman kung bakit niya ako nagawang ipagpalit. Kung may kulang ba sa akin? Kung bakit sa dami ng lalaki, sa best friend ko pa? May nagawa ba akong masama? Sa loob ng apat na taon na iyon, wala akong ibang ginawa kung hindi ayusin ang sarili ko para pumantay at makahabol manlang sa napakataas na standards niya. Tapos lahat nang iyon ay nabalewala dahil lang sa best friend ko?”
Bumuntong-hininga ako, hindi ako maka-relate dahil wala naman akong naging ex. Hindi ko pa rin nararanasan ang magmahal ng ganoon, o kahit ang mahalin ng higit pa sa ibang mga bagay. Kaya tuloy ginamitan ko na lang ng logic ang buong sitwasyon para naman may maisagot ako sa mga hinaing niya.
“B-Baka hindi ka talaga niya minahal…” maingat at hindi siguradong sagot ko.
I don’t know what to say!
He chuckled and looked at me na para bang may joke akong sinabi para tawanan niya ako ng ganoon. He shifted his seat and looked away, smiling like an idiot.
“Masakit ka talagang magsalita ’no?” he asked amusingly.
“Bakit? Totoo naman, hindi ba? Kung talagang minahal ka nga niya, bakit ka niya ipinagpalit? Sa pagkakaalam ko, kapag nagmahal ng totoo ang isang tao, hindi na iyon mawawala o mapapalitan ng kahit sino.”
“How sure are you? May naging girlfriend ka na ba?” he smirked.
Umiling ako at napapalunok na nag-iwas ng tingin. Baka isipin niyang hindi valid ang mga arguments ko dahil wala akong experience sa pag-ibig.
“H-Hiindi pa ako nagkakaroon ng girlfriend. May iilan akong nagustuhan noon pero hindi ko naman ganoon kagusto para pormahan. Mas mahalaga sa akin ang pag-aaral at sarili kaya hindi na ako sumubok.”
Wait, mukhang napa-over share pa yata ako.
Pero iyon nga, kagaya ng sinabi ko sa kaniya, ayaw din ng parents ko ng kahit anong mga distractions para sa akin. Para sa kanila, ang pag-ibig sa murang edad ay hadlang lang para sa pag-aaral at pangarap. Hindi naman ako sumang-ayon pero wala naman akong dahilan para kumontra kaya hinayaan ko na lang.
“That’s good. Huwag ka muna niyang pag-ibig na iyan. Ang mga kagaya mong walang experience ay mabilis lang masasaktan kaya umiwas ka na lang,” he said as if he’s way older than me.
“Sana ay sinabi mo iyan sa sarili mo noon para hindi ka nagkakaganiyan ngayon,” pasaring na bulong ko.
Ang lakas niyang mag-advice, hindi naman niya ma-apply sa sarili niya. Kung hindi sana siya basta-bastang pumapasok sa mga relasyon na ganiyan, hindi sana siya nag-e-emote ngayon dito sa abandonadong parke habang dumudugo ang pisngi dahil sa suntok ng kung sino. Ang bata pa pero my ex na pala.
“That’s how ironic life can be. Kagaya ng pagmamahal, kaya kong ibigay sa iba pero hindi ko kayang ibigay sa sarili ko,” he whispered and smiled sadly.
“How can you give what you don’t have in the first place? Mahalin mo ang sarili mo bago ka magmahal ng iba. Para kapag nasaktan ka, may matitira pang pagmamahal para sa iyo. Parang hindi ka naman nag-iisip.”
He sighed. “Tingin mo, kaya ko pang magmahal ulit?”
Hindi ako kaagad nakapagsalita dahil sa tanong niyang iyon. Ganoon ba niya kamahal si Tanya para hindi na isiping magmamahal pa siya ng iba bukod dito?
“Kapag nagmahal ako ulit, sisiguraduhin kong magmamahal ako ng sobra-sobra. Ibibigay ko ang buo kong pagkatao kahit pa may posibilidad na masaktan pa rin ako. Ang kasunod na mamahalin ko ang magiging huli kong pag-ibig at hinding-hindi ko iyon pagsisisihan habambuhay,” malalim na aniya habang nakatingin sa kalangitan.
“Ngayon ba, nagsisisi ka dahil minahal mo si Tanya?”
“Hindi. Wala akong pinagsisihan sa mahabang panahon na magkasama kami. Pero sana ibinigay ko na lang sa sarili ko ang pagmamahal na ibinigay ko sa kaniya. I deserved the love I gave.”
I suddenly wonder how it feels to be loved despite any circumstances. How does it feel to be adored? To be taken care of… I don’t have any idea.
“What are you thinking?”
Napalingon ako sa kaniya at umiling. “Naisip ko lang kung anong pakiramdam kapag minamahal. I have never experienced it yet.”
“What do you mean na hindi ka pa nakakaranas ng pagmamahal? Hindi ka ba mahal ng mga magulang mo?”
“Fuck you!”
Humalakhak siya at halos mapayuko ako sa pag-iwas nang marahan niyang ginulo ang buhok ko. This kid is treating me as if I were younger than him when I’m not.
“Nagbibiro lang ako! Ang bilis mong magalit, ikaw yata itong angry bird sa ating dalawa at hindi ako,” he laughed.
“Ang seryoso ng mga sinabi ko tapos ganiyan ka lang sumagot? Kaya ka iniiwan kasi wala kang sense kausap!”
Natigilan siya at tinitigan ako sa mga mata. Mukha na siyang seryoso ngayon. Hindi ko lubos maisip kung bakit at paanong ang bilis niyang magpalit ng mga emosyon. Kanina ay tumatawa lang ito, ah. Tapos ngayon bigla namang magiging seryoso. Mukha tuloy siyang tanga.
“Iiwan mo rin ba ako dahil wala akong sense kausap?”
Tinatanong pa ba iyon?
“Siyempre naman! Sino ka ba para hindi ko iwan? Anak ba kita? At saka, may sense ka man kausap o wala, hindi ko pa rin gugustuhing ma-associate sa iyo.”
“I thought we’re friends?” he pouted his lips that as red as the blood in his cheeks.
Friends kami ng kuya niya, pero hindi siya mismo. Ayaw ko sa mga bata. Baka mamaya ay magsumbong pa siya sa nanay niya kapag napikon sa mga asaran.
“We are?” sarkastiko at natatawang tanong ko.
Feeling close masyado ang isang ito, ah.
Ngumisi siya at inakbayan ako hanggang sa pareho na kaming nakasandal sa sandalan ng bench na inuupuan namin. Sobrang lapit din niya sa mukha ako kaya para akong naestatwa at hindi makagalaw dahil doon. Literal na feeling close na nga ang ginagawa niya. Masyadong siyang malapit sa mukha ko.
“Tingnan mo iyong mga bituin,” utos niya.
Parang may sariling buhay ang ulo at agaran itong tumingala para makita ang napakaraming bituin sa madilim na kalangitan na parang mga glitter dusts. Mahilig pala siya sa mga ganito. Stargazing? Hindi halata sa yabang at kapal ng mukha niya. Kahit pala sinong tao ay may ganitong side rin. Regardless kung gaano man kayabang.
“Nakikita mo iyong nag-iisang maliwanag? Parang ikaw iyan tapos ako ang buwan sa tabi mo… sa sobrang dami ng ibang mga bituin na nakapalibot sa akin, ikaw lang ang pinakapapansin.”
Sa inis ko ay kaagad ko siyang siniko dahilan nang pagkabitaw niya sa pagkakaakbay. Tumawa siya ng malakas na halos mag-echo na sa buong park. Sira-ulo talaga kahit kailan. Mabuti na lang at wala naman ibang pumupunta rito at kaunti na lang ang dumadaan sa labas dahil gumagabi na.
“Totoo naman! Sa lahat ng mga bituing nakapalibot sa akin, ikaw lang iyong palagi kong napapansin,” aniya sabay ngisi sa akin.
Palagi niya akong napapansin? Paanong hindi, kung palagi naman siya sa area namin. Halos mag-shift na nga siya ng kurso dahil mas madalas pa siya sa tapat ng building namin kaysa sa building nila.
Muli siyang tumingin sa kalangitan at sumandal sa upuan. “Alam mo ba? Sa lahat ng nakilala ko sa SBA, ikaw lang iyong nakakatiis sa akin ng ganito. You never treated me like others did. It doesn’t matter if it’s just because my brother is your friend o kaya ay naaawa ka sakin. I don’t care what your reasons are, ang mahalaga ay nandito ka… lalo na kapag ganitong parang hindi ko na kaya.”
I want him to just stop talking. Hindi ako sanay na ganito siya sa akin. Natatakot akong baka ma-misinterpret ko ang mga sinasabi niya at bigyan ito ng kakaibang kahulugan. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito at kakaiba sa pakiramdam ang lahat ng mga ginagawa niya. Ngayon lang kami nakapag-usap ng ganito, pero parang sobra yata akong komportable sa presence niya.
He fucking showed me his vulnerable side! What does that mean? Are we really friends? Should we really have to be… just friends?
“I-I can be anyone’s friend,” may diin kong sagot na para bang pinapaalala ko rin iyon sa aking sarili.
Kesyo si Top o hindi, puwede akong kaibiganin. Ayaw kong isipin na nagiging accessible lang ako masyado para sa kaniya. Hindi ako bias. This is normal. I am always like this to everyone.
“You are. And I shouldn’t be attached to you. Dapat maging magkaibigan lang talaga tayo. Nakakatakot sumubok ulit kaagad kung sakali. I don’t even know if we’re both capable of having to develop the same feelings towards each other. Pero sana huwag na lang, ’no? Ayaw kong maging distraction mo, eh. At saka, kung magustuhan man kita, siguradong hindi mo naman ako magugustuhan pabalik.”
Halos mawalan ako ng hininga sa mahabang pag-amin na iyon ni Top. Hindi ko alam kung paano ako magsasalita dahil pakiramdam ko ay may kung anong bumabara sa aking lalamunan. He’s aware and I don’t know if I should be thankful o dapat ay kabahan ako.
“H-Hindi ako magkakagusto sa iyo,” tanging naging sagot ko.
“That’s good. Ako rin dapat ay hindi magkagusto sa iyo. Dahil siguradong hihilahin lang kita pababa. Ang mga kagaya mo ay dapat kinakaibigan o pinagmamasdan lang mula sa malayo at hindi na pinagtatangkaang kuhanin pa.”
BINABASA MO ANG
D'Beasts Series #3: Mending the Scars
General FictionCOMPLETED // UNDER EDITING [BoyxBoy] D'BEASTS SERIES #3: Mending the Scars