IKA-LABING LIMA

1K 33 6
                                    

The saddest part about being like me is that I don’t have time to fucking think about what I saw or about how hurt I am; instead, I have to act like everything’s fine, even if it’s not, so I can focus on the things that are more important than being hurt. I don’t even know why I feel like this. Bakit ba ako nasasaktan?

Bawat lipat ng pahina ng medical book ko ay siya ring pagsalin ko ng alak sa aking baso. Parang pinaparusahan ko ang aking sarili dahil sinisigurado kong hindi ako lumilipat ng pahina kung wala akong naiintindihan na kahit isang salita man sa mga binabasa ko. I trained myself so hard for this, and yet I still feel distracted. I am still bombarded by the thoughts that have kept on lingering since the moment I saw them together. I’m unable to focus, and I’m afraid this might take a long time. How I wish I could just delete it from my memory.

Despite going out, I chose to stay at home and do my typical routine after school. Imbes na puma-party ako para panandaliang makalimot at magsaya ay nandito ako ngayon sa harapan ng aking mga makakapal at naglalakihang libro para mag-aral ng mga puwede kong i-apply sa duty ko bukas. At least hindi ako nag-iisa because have a feline companion right here in front of me, tulog nga lang.

“Why the fuck am I being like this?” I whispered as if I were talking to someone. “Bakit ako affected? Ano ngayon kung yakapin niya si Tanya? Kahit maghalikan pa sila sa harapan ko ay wala akong pakialam!”

Dapat wala akong pakialam. Kailangan wala akong pakialam dahil hindi naman ako involve sa kanilang dalawa.

“Hindi ko naman siya gusto para maramdaman ko ito. I don’t even like the way he dressed. I don’t like him. I don’t like his style. I don’t like everything about him,” I said repeatedly, like an affirmation.

Siguro ay disappoinment lang itong nararamdaman ko dahil sinabi niya noon na wala na siyang planong makipagbalikan pa kay Tanya. Ngayong single na ulit ito, siguradong nagbago na ang isip niya. Well, I don’t care! Hindi ko naman relasyon iyan para isipin ko ng ganito!

Naging effective ang alak para magsilbing distraction ko sa mga unnecessary thoughts habang nag-aaral. I was a bit tipsy when I stopped for awhile to take a nap. Nag-alarm pa ako para magising ng hating-gabi pero dahil sa sobrang antok at pagod, idagdag pang may tama ng alak, nagdire-diretso ang tulog ko hanggang umaga.

Maaga akong nagising para sa panibagong araw ng duty ko sa SBMH. Nakatulog ako sa aking study room habang nakakalat ang bote ng whiskey. Ngayon ay mabuti nang maging busy kaysa magkaroon ng maraming libreng oras para mag-isip.

Buong araw ko rin hindi ginalaw ang phone ko. I focused a lot on our clinicals lalo pa at habang tumagal kami sa hospital ay dumarami na rin ang aming ginagawa. From changing bed linens and prepping hospital rooms to performing complete physical examinations ang naging rotation ko ngayong araw. Mahigpit din ang ilang RNs na nakakasalamuha namin pero palagi sa aking sinasabi ni Dad na hindi lahat ay dapat kong pakisamahan. As long as I’m doing my best and focused on my job, that’s okay. Isa pa, naiintindihan ko ang paminsan-minsan nilang pagtataray. Kung iisipin, sobrang busy na nga nila sa hospital tapos may estudyante ka pang iintindihin. Kaya as much as possible, nag-a-advance studying ako para hindi na ako maging pabigat pa sa kanila.

“Hello, Doc!”

Napahinto ako sa paglalakad sa hallway nang makita ko ang isang batang babaeng nakaupo sa lobby habang kumakaway sa akin. Mag-isa siya at may hospital bracelet sa kaliwang wrist nito.

“Hi! Bakit ka mag-isa rito?”

“Puwede na raw po akong umuwi, nandoon si Mama,” masayang sagot niya habang tinuturo ang mama niya, kausap nito si Doctor Santiago.

Kung hindi ako nagkakamali, ang batang ito ay iyong naka-confine noon sa isa sa mga ward na napuntahan ko na rin. Kaya siguro pamilyar ako sa kaniya.

“Talaga? Mabuti naman kung ganoon! Huwag ka nang babalik dito, ah.”

DBS#3: Mending the Scars Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon