IKA-TATLUMPU

701 20 13
                                    

Successful ang naging briefing kay Top tungkol sa sakit niya at nakapagsagawa na rin ng iba’t-ibang tests para malaman kung anong pwedeng treatment sa kaniya. Uncle told him that he has chronic phase CML, and its initial treatment should be with a TKI because these medications are well-tolerated and generally effective in his case. We’re just hoping that his condition will remain in that phase and not be in the accelerated or blast phase, as this phase won’t accept only the TKI treatment and would include stem cell transmission.


Mabuti na lang at hindi na kailangan ng ilang mga therapies at gamot lang ang dapat inumin, though medyo naninibago pa rin si Top dahil sa iilang side effects nito.


Also, according to him, Top can still go to school and do tasks as long as he’s taking his medications as directed and avoids skipping to have better outcomes.


“Paano tayo makikipagpustahan niyan kung wala namang naghahamon ng laro. Mga busy na ang mga taga South, tch”


“Busy? O baka naman takot na matalo


Tamad akong nakinig sa pagyayabangan nila habang nandito kami sa bahay nila Val. Oo, pumunta kami rito kahit wala siya. Pumayag din naman si Val, in fact, siya pa nga ang nagpapunta sa amin dito para hindi na kami tumambay sa café dahil nabalitaan niyang nagtitipid kami para sa gamutan ni Top.


Hindi lang nila alam na nabayaran ko na lahat at useless na ang pagtitipid nila. But still, I’ll pretend that we really need money for this, even though all the expenses were covered.


“Mag-isip na lang tayo ng ibang plano,” ani Tan habang sini-set up ang phone niya dahil tatawag si Val maya-maya lang.


“Pasensya na, sabi ko sa inyo huwag na kayong mag-isip. Ako na lang ang gagawa ng paraan. Nabanggit ko na naman sa parents namin,” nakokonsensyang sabi naman ni Bien.


Ngumiwi si Ford at binatukan si Bien kaya napangisi ako at napailing. Hindi talaga niya kayang magsalita na lang nang walang halong pananakit. Umaarte ka pa! Hayaan mo na lang na tulungan ka nitong mga ‘to. Sabi ko sa iyo magtutulungan tayo eh. Baka mamaya kung hayaan ka namin, mabalitaan na lang namin na binenta mo na ang kidney mo”


Their laughter roared in the whole living room of this big mansion. Bakit naman binigyan pa ng idea ni Ford. Baka mamaya ay ibenta nga ni Bien ang isang kidney niya dahil desperado na siyang magkapera.


“Wala na ba kayong mga talent?”


Natahimik kami sa seryosong tanong ni Damien. Hindi ko alam kung nang iinsulto ba siya o talagang nagtatanong lang.


“What do you mean?”


Damien sighed and gently shook his head. “Kung aasa tayo sa basketball, wala tayong mapapala. Gamitin niyo ang mga talent niyo para kumita ng pera. Only if you have talent, though. Kung wala then we’re fucked up. Nagsama-sama pa ang mga talentless sa iisang circle”


T-Talentless? Ouch.


“Parang meron naman akong talent…” bulong ni Akiro habang nag-iisip. Mukhang kahit siya ay nakalimutan na rin kung meron o wala ba talaga siyang talent.


“Kasama ba sa talent ang pagkain ng marami? I could eat three boxes of pizza in one sitting,” pagmamalaki ni Seven.


“O hindi kaya ay tanggapin niyo na lang iyong offer ko na magbigay ng cash bilang tulong. I can give any amount”


D'Beasts Series #3: Mending the Scars Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon