“It wasn’t intentional.”
Pagod na pagod ang katawan ko nang makarating kami sa detention office. Walang ibang tao roon nang makarating kami maliban kay Ms. Ignacio na naghihintay at mukhang nagtitimpi na lang ng kaniyang galit. Siguradong isang maling sagot lang sa mga magiging tanong niya at talagang bubuga na siya ng apoy.
“Then tell me what really happened. Kung bakit naabutan ko kayong nag-aaway. Alam niyo ba kung gaano karaming mga students ang nakapanood sa inyo?”
Tahimik lang si Top sa harapan ko. Mukha pa siyang hindi nakikinig dahil pinapagpag lang niya ang suot niyang polo para maituwid ang iilang gusot. Halatang sanay na sanay na siyang mapunta sa detention office habang ako ay halos takasan na ng kaluluwa sa kaba. Gusto ko tuloy sipain ang binti niya para makinig siya sa mga sinasabi ni Ms. Ignacio.
Umayos muna ako ng upo at pagod na tumango. “That guy was stalking my friend. He’s certainly harassing her. Ipinagtanggol ko lang po ang kaibigan ko.”
“By going to that level? Have you seen his face? He might want to consider letting his wounds be attended to by the doctors. We won’t know if there are internal bleedings. Nursing ka pa naman! You should know.”
Not to be mean, but he deserved it. Kapag sinabi ng babae o ng kahit sinong tao na ayaw nila, dapat ay irespeto niya. Hindi iyong namimilit at talagang bumubuntot pa. Walang lugar sa mundo ang mga bastos na kagaya niya. Kung ako nga lang ang masusunod, baka sobra pa sa nangyari sa kaniya ang ginawa ko. Magpasalamat na lang siya dahil nasa school premises kami.
“I know what I did was too much, and I apologize for it. I just can’t see my friend being paranoid every time she’s going outside! Who knows what that guy was up to?”
Dismayado akong tiningnan ni Ms. Ignacio bago ito humarap kay Top na tahimik pa rin sa harapan ko. “And how about you? First year ka pa lang pero talagang sinisira mo na kaagad ang records mo. Paano ka naman nadamay doon?”
“Madalas ho akong tumambay doon sa mga benches. Free time namin tuwing ganoong oras kaya pumunta ako kagaya ng palagi kong ginagawa. Tapos naabutan ko itong si Bryle na nakikipag-away, kaya tinulungan ko na,” kalmado at diretso nitong sagot.
“At bakit ka naman tumulong pa? Pinatulong ka ba? Hindi ba dapat ay inawat mo na lang sila? Hindi iyong nakisuntok ka pa na parang pati ikaw ay may galit doon sa kawawang senior.”
Nagkibit-balikat si Top bago tumingin sa akin. “Akala ko ho ay napuruhan itong si Bryle, eh. Kaya rumesbak na ako. Hindi na ako nagdalawang-isip pa.”
Bakit ba ganito sumagot ang isang ito? Halatang hindi pinag-iisipan! Nakakainis! Hindi manlang marunong gumalang ng maayos. Imbes na palagpasin na lang ito ni Ms. Ignacio, baka lalo lang itong mainis dahil sa kung ano-anong lumalabas sa bibig ni Top.
“You know what? Gusto kong makausap ang mga magulang niyo regarding this! We won’t tolerate any violence here at SBA. Nasa student’s manual iyan, baka hindi niyo alam.”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig iyon. Shit! Hindi puwede! Ano na lang ang sasabihin sa akin ni Dad kapag nalaman niya ito? Ito pa naman ang kauna-unahang beses na dinala ako sa detention office at kailangang ipatawag ang mga magulang dahil nasangkot sa gulo. Kahit pa nasa katuwiran naman ako at hindi ako ang nauna, siguradong hindi pa rin ako ang kakampihan ni Dad. Kahit anak niya ako, iisipin niya pa rin na ako ang nagpasimula ng gulo.
“Baka ho pwedeng mag-community service na lang kami. May kasalanan din naman iyong isa, eh. Nagkataon lang na napuruhan siya. Kung hindi ho siya nangbastos ng babae, hindi naman mangyayari iyon sa kaniya. Isa pa, kung hahayaan lang natin ang ganoong case, at palalagpasin dahil lang nagantihan naman siya at naparusahan ng ibang mga estudyante, baka mas lalo lang lumakas ang loob ng iba na gumawa rin ng parehong kasalanan. Magiging kampante silang mangbastos ng babae basta lang magpabugbog kung sakali para makaiwas sa parusa ng school.”
Nabuhayan lang ako sa mahabang paliwanag na iyon ni Top. Totoo naman lahat ng sinabi niya. Hindi naman magdidilim ang paningin ko roon kung hindi siya umastang parang isang psycho. Kung may tunay na biktima rito, si Anikka iyon. She’s a girl, for Pete’s sake! Natural lang na manghihingi siya ng tulong sa kaibigan.
“Kami pa rin ang masusunod kung anong gusto naming gawin sa inyong dalawang mga pasaway! I’ll discuss this with the board, but in the meantime, go back to your classes. Ipapatawag ko kayo ulit dito para sa final decision.”
Lumabas na kami matapos ang naging maiksing pag-uusap namin sa nakaka-suffocate na detention office. I know this is a serious offense at kung talagang kailangang involved and parents, wala akong choice kung hindi ang papuntahin si Dad dahil siya lang rin naman ang nandito, though aalis na rin siya in just a few weeks to follow Mom and Gianna abroad.
“Hindi ko alam kung papayag silang community service na lang. Ipagdasal mong pumayag para hindi na ito malaman pa ng parents mo,” aniya habang nakatayo at nakasandal sa isang malaking puno sa labas ng office. May upuan naman, hindi pa umupo.
“They’ll get mad at me, for sure. The last thing they want me to do is be engaged in trouble. Knowing Dad, he’s protecting the image of our family. Tapos nasangkot pa ako sa ganitong gulo,” bulong ko at naupo sa bench malapit sa kaniya.
Never ko pang nadala ang parents ko sa school unless may mga awards and achievements ako. I wonder how they will react kapag nalaman nilang nagsimula ako ng gulo. They’ll be disappointed, too. I don’t want that. Hindi ko gustong maging disappointment ng kahit sino. That’s why I’m trying my best to be a good person. The one they’ll be proud of.
Tahimik kong tiningnan si Top at mukhang may malalim itong iniisip. Nanatili siyang nakatingin sa mga bato na sinisipa ng kaliwang paa niya. Tumingin siya sa akin bago muling nagbitaw ng mga salita. “Daldalhin mo talaga ang parents mo kapag ipinatawag?”
Tumango ako at saglit na ininda ang sugat ko sa pisngi. Hindi na ito dumudugo pero medyo masakit pa rin. Ang dungis na rin ng itsura ko dahil ang puting uniporme ko ay nagkaroon na ng alikabok, pawis, at dugo dahil sa nangyari kanina. Para tuloy akong elementary student na nakipaghabulan sa mga kaklase dahil break time.
“Masunurin ka pa rin naman. Kung ako ang nasa posisyon mo at strict ang parents ko, magbabayad na lang ako ng ibang tao para magpanggap na guardian ko,” humalakhak siya. Seems like he’s not taking the whole situation seriously.
“Don’t give me that idea. It won’t work,” ismid ko. “Ang isang kasalanan ay hindi maitatama ng isa pang kasalanan.”
Natigilan siya at mangha akong tiningnan habang tumatango na para bang na-satisfy ko siya sa maraming paraan. “You’re very right, Mr. Role Model. Huwag kang mag-alala, your parents will understand. Normal sa ating mga lalaki ang nakikipag-away.”
“Sa iyo normal ang makipag-away dahil abnormal ka!” singhal ko.
I-normalize ba naman ang pakikipag-away. Sira-ulong ito! Igagaya pa ako sa kaniya na ginawa ng hobby ang pakikipagbasag-ulo.
“Bakit hindi ka na lang magpasalamat sa akin kasi hindi kita pinabayaan kanina? You know, a kiss will do.”
Heto na naman siya sa mga nakakainis niyang salita!
Mabilis ko siyang nilingon at galit na tinitigan. “Puwede ba? Huwag mo na akong pag-trip-an ng ganiyan! You’re always like that, eh! Everytime, Top! You don’t know how you’re making me confused as fuck! Iyang mga simpleng banat mo na ganiyan, hindi mo alam ang epekto ng mga iyan sa akin. Damn it. Ang insensitive mo.”
Hindi ko nakitaan ng gulat ang mga mata niya sa mga sinabi ko. It’s like he’s aware that his every word and action are making me confused! Well, yeah, he’s aware pero hindi pa rin siya tumitigil. Pakiramdam ko ay pinagkakatuwaan niya lang ang nararamdaman ko.
“Me either. Confused din ako. I don’t even know why I’m always teasing you when I don’t want you to have feelings for me. Ayaw kong mahulog ka sa akin pero palagi kitang binibigyan ng dahilan para ako na lang ang piliin mo at kalimutan silang lahat na may ayaw sa atin.”
Damn it. He’s really good at sweet-talking. I’m scared that I might… kaunti na lang Top. Please, tigilan mo na.
“Stop making me fall through your words and actions. We won’t work,” I whispered, sapat na para marinig niya. “Huwag mo na rin itulak pa ang sarili mo. Ayaw kong magkaroon ka ng feelings sa akin. Hindi kita gugustuhin.”
Kahit ano pang gawin namin ay hindi kami puwede. Magkagusto man ako at suklian niya ang pagkagusto ko, o sabay kaming magkagusto sa isa’t-isa, hindi pa rin puwede. We will never work out.
“Too late. I fell damn hard. Really hard, Bryle. I can’t even walk away.”
![](https://img.wattpad.com/cover/258407203-288-k473580.jpg)
BINABASA MO ANG
DBS#3: Mending the Scars
General FictionCOMPLETED // UNDER EDITING [BoyxBoy] D'BEASTS SERIES #3: Mending the Scars