Chapter 4

2.8K 53 2
                                    

Chapter 4 [The Phenomenon]

Whatever happened last night made me realize something.

That it's healthy to look back sometimes. Mahirap lang yung process kasi you'll remember the pain and all that. But once you got it all out of your chest, it would definitely make you feel better. Like you're a new person with a new purpose in life. Gets niyo?

Well, that's what I'm feeling right now. I can feel the sunlight on my face.

Sinisignify lang nito ang isang bagong umaga. A new day to fill with a purpose. A new day with a new hope.

I slowly opened my eyes...only to see......

"WAAAAAAAAAAAh!!!!!! Walangya ka, Vincent!!!!! Lumabas ka ng kwarto ko!!!!!"

Pak! Poink! Kablag! Pak! Wushing!

"Aray! Aray! Charm! Stop!" Nagstop ako. Unti-unti siyang tumingin sakin, tinatansiya kung itutuloy ko pa yung paghampas hampas ko sakaniya. But when he was assured na nagstop na talaga ko, aba, ngumiti ang loko.

Mangitian nga rin.

"Walangya ka! At may pastop stop ka pang nalalaman ngayon ah! Labas! Labas!"

Warning: the following scenes are not suited for very young audiences. Parental Guidance is advised.

Ok. So fast forward natin matapos ang karumal dumal na pangyayaring naganap sa buhay ni Vincent.

Matapos nun eh nagprepare na kami for school. It's Friday today kaya masaya. Bwahahaha.. gala time mamayang hapon. Wahahaha..

Naglalakad na kami papuntang school. Siyempre siya ang may dala ng mga gamit ko pati ng gamit niya. Haha.. at ako naman, kumakain. Kung dati choco mucho, ngayon naman crunchy. Sabi naman sainyo, wala akong ability sa pagreregulate ng sugar eh. Hehe..

"Eh hindi ko naman kasi kasalanan kung nakatulog ako dun eh. Niyakap mo kaya ako." Aba. Aba. Sumasagot ah. Ang kapal din naman talaga ng mukha ng taong bundok na ito.

"Alam mo ikaw, ang kapal ng mukha mo. Eww. As if yayakapin kita noh! In your dreams, boy." Niyakap ko daw siya? Aba'y baliw ata 'to eh. There's no way I would hug him! Kahit ba siya na lang ang kaisa isang tao sa mundo hindi parin. Ewwness.

"E niyakap mo nga-"

"Blah blah blah yadah yadah yadah."

"Hey guys!" Napastop panandalian ang aming pagtatalo ng biglang sumulpot itong si bespren sa harap namin.

"Papunta na kayong school? Pwedeng makisabay?" Trivia: itong si bespren Kim, masyadong mabait, mahinhin and everything. Para siyang modern maria clara. Pero at times nagwawala din yan. Hehe.. kinagat ko kasi siya nung bata pa kami, ayun nahawaan ng katimangan ko. Haha..

"Ay bawal. Hindi ka pwede sumabay." Sabi ko in a sarcastic tone. Pambihira kasi. Nagtanong pa eh diba? Pero ayun, nagsmile lang naman si bespren.

"Oi, Vincent. Dalhin mo na rin yung gamit ni Kim." Siyempre diba, share your blessings with your friends.

"Hi, Kim! Alala mo pa ko? Ako na magdadala niyan." Pssh. Pagood boy epek si Vincent oh. Plastic. Wahahaha..

"Siyempre. Anak ni Yaya Lourdes diba? wag na kaya ko naman." Hay,. Bespren talaga.

"Kim, gamitin ang resources. Anu ba."

"Ok lang. Kaya ko naman eh, so ako na lang." Siguro kung pagpapalitin kami ng katawan ni Kim, hindi ko kakayanin panindigan yung personality niya. Masyadong mabait eh. Nasusunog ako. Wahahaha..

Nakwento ko na ba na magkakilala sina Vincent at Kim kahit noon pa kasi sometimes kapag summer or may holiday eh he's spending it with us here?

Well, kung hindi pa. Edi ayan. Nasabi ko na.. hehe.. so ayun, yun ang dahilan kung bakit wala samin ang nanahimik dahil magkakakilala naman kaming tatlo. Yun nga lang, ako yung pinakamaingay. Wahahaha.. Si Vincent, sumasagot lang pag tinatanong. Which is good. Hehe.. si Kim, average lang.. nakikipagkwentuhan sakin while walking walking kami. Minsan sinasama rin niya si Vincent sa usapan.

Heartbreak #26Where stories live. Discover now