Chapter 9

2K 30 4
                                    

Chapter 9 [The Iranian Bestfriend]

Ok. Maybe I really did misjudge Kim’s boyfriend after all.

For the past few days simula nung sabay sabay kaming umuwi eh Kim, Jaxon and I are spending lots of time together. Minsan kasama namin sila Ann, Sam at Pat pero mostly kaming tatlo. Trio na nga kami eh though most of the time eh mukha akong epal lang sakanila. Minsan rin kasama namin si Vincent since all around guy ko nga yun.

Because of them naging astig ang Intrams week namin. Though there’s not much that happened this week eh it was still a blast. Today pala is the last day ng Intrams namin. Kaninang umaga yung Big game ng Juniors vs. Seniors sa Volleyball. Actually re-match lang siya kasi nagkaron ng problem yung last set kahapon so kinailangan ulitin yung last set this morning. Unfortunately eh talo parin kami. Haha.. pero ok lang kasi ok yung laban. Napuno ng sigawan yung gym kasi sobrang nakakatense yung laro. Haha..

And now na tapos na yung Big Game na yun eh wala na kaming ginagawa. Nood na lang ng game Champions vs. Faculty at Alumni. Pero pag tinatamad kami gumagala na lang sa school or tumatambay somewhere. Tulad na lang ng ginagawa namin ngayon.

“Gala tayo mamaya after school.” Sabi ni Kim habang nakatingin siya sa langit. Andito kasi kami sa rooftop.

“San naman tayo pupunta?”

“Kahit san. Starbucks? Mcdo? Paseo? Anywhere but here.” I understand Kim. Ang boring naman kasi talaga ng kinalalagyan namin ngayon. Sarap matulog baga. Haha..

“Sama ka Ann?” Pat asked Ann. Sunod niyan si Sam ang tatanungin. Panu kasi yung dalawang yun lang naman ang lagging delikado sa mga galaan. Hindi kasi sila mahilig gumala. Paminsan minsan lang. Hehe..

I doubt. Darating kasi yung Tita ko ngayon. Kailangan andun ako mamaya sa bahay.

Out ako. Alam niyo naman. Biglang sabat ni Sam bago pa man siya matanong ni Pat. Haha.. Acad mode lang naman yun parati eh.

“Kaw, Jax? Pwede ka ngayon?” At lambingan mode naman yung dalawa. Haay. Pambihira. Ba’t ganun? Di sila nagsasawang maglambingan? Haha..

“Pwede naman. Wala naman kaming plans for later after all Christmas party na bukas.” Shoot! Oo nga pala! Christmas party na bukas! Wala pa akong nabibiling gifts lalo na yung pang exchange gift namin! Togoinks!

“Oh. Ba’t parang nalugi mukha mo, Charm?” Ee kasi…

“Gusto ko sanang sumama mamaya kaya nga lang kailangan ko palang pumunta sa SM. Di pa ko nakakabili ng mga pangregalo. I totally forgot about the Christmas Party.” At sunod sunod na nagturn ang kanilang normal face into sad face.

“Kasama ko?” He broke the three minute silence.

“Malamang. Sinong taga buhat ng mga pinamili ko?” Haha.. yun yun eh. Natawa sila sa sinabi ko. Pinat pa ni Jaxon yung shoulder ni Vincent na parang kinocomfort niya si Vince. Haha..

“Wait! May maganda akong naisip!” Haha.. Ako yun! Maganda daw naisip niya eh. Ako yun! Hahaha..

“Eh ba’t hindi na lang tayo sa SM pumunta tutal gagala lang din naman tayo.” Aw. Mas maganda parin kung ako yung naisip ni bespren. Agree? Agree yan. Haha..

Fast forward. Chuchu..

<paunawa: medyo tinatamad po ako ngayong araw kaya ayan parang tinatamad din ang characters ko. Hehe..>

so.. napag-usapan namin na magkikita kami sa Mcdo para sabay sabay na pumunta sa SM.

Comute lang kasi walang available na car na pwedeng gamitin. Ang mga original na talagang sasama eh ako, si Vincent, si Kim, si Jaxon, si Pat at si Maro. Pero bago pa man magdismissal kanina eh nagback out si Maro kasi tinawagan siya ng mom niya at may pupuntahan daw sila. So ayun, minus one ang group.

Heartbreak #26Where stories live. Discover now