Chapter 10

1.8K 21 0
                                    

Chapter 10 [Wish upon fireworks]

Nagising ako dahil hindi ko na matake ang sobrang lamig.

I can still feel the Christmas air kahit ilang days ago nang nakaraan ang pasko.

Yes, sa kalendaryo ko po ay katatapos palang ng pasko at sasalubungin palang namin ang bagong taon mamaya. Haha..

So, let’s first have a recap.

Last Christmas was the best Christmas for me.. hehe.. kasi madami kaming nagcelebrate. Ako, si Mommy, si Yaya Lourdes, si Vincent tapos samin din nagspend ng Christmas sina Tita Bell and bespren Kim. Dati kasi kung sang lugar lang kami nagpupunta ni mommy para magchristmas tapos si yaya eh umuuwi sa probinsya kung asan nagsestay si Vincent. And so, it was different this time.

“Charm?” Napatayo ako from my bed nung bumukas yung pinto.

“Oh, gising ka na pala. Gigisingin na sana kita eh.” Yeah, life size alarm clock ko eh.. hehe..

Hmm.. bigla lang pumasok sa isip ko. Last day na ng 2008 pala ngayon?!

Ang bilis. Parang kelan lang, new year palang ng 2008 tapos ngayon mag2009 na?

Isang taon na pala agad ang nakalipas. And latter part ng year na yun eh medyo marami na ring nangyari sa layp ko. I wonder…

Anu pa kaya ang mangyayari sakin ngayong 2009?

“Hui. Umalis pala si mama pati mama mo kasama si tita Bell at Kim. Last minute shopping daw para mamaya.”

Ok. This is not a good sign ng pagtatapos ng taon. I got to spend some time with this dude? The hell. Kung sabagay, hindi naman ito yung first time. And medyo ok naman yung nangyari nung last time except sa revelation ni Kim na hindi ko masyadong nagustuhan at that time.

Maiba lang ako. Have I told you guys na dito rin samin magspend ng new year sina Tita Bell at Kim? Oh well, nasabi ko na. Hehe..

Tumango nga pala ako kay Vince tapos pinalabas ko na siya ng room. Pag morning kasi di ko talaga feel yung masyadong maraming dakdakan. Hehe..

Dahil nga sa last day of 2008 na, napag-isipan kong ilista ang lahat ng gagawin ko ngayong araw. Kumuha ako ng papel at isinulat dun ang “10:45 am: I woke up.”

The next thing I did was to surf the net. Nagbasa ng stories sa CC board ng Teentalk pati na rin sa CC board ng [url=http://gndcorp.smfforfree3.com]GNDCORP[/url]. Nagbasa rin ako ng mga blogs. I found this [url=http://wyteheart.tk]blog[/url] na ang emo talaga. Hehe.. even yung mga blogs na nasa link niya ang emo lahat! Pero ghad, the writings are so good na matatats talaga kayo. At siyempre hindi ko rin nakalimutan na dumaan sa sarili kong [url=http://themidnightdoll.tk]blog[/url].

Ayun. Nahinto lang ako sa pagcocomputer nung tawagin ako ni Vincent para maglunch. Wala parin kasi sila mama so siya na lang ang nagluto. You know, kasama sa pagiging all around guy ang maging personal chef.

“12:35 noon, lunch with Vincent.” Sinabi ko out loud yung sinulat ko dun sa papel. Si pareng Vince naman eh nacurious.

“Anu yan?” See? Curious siya.. hehe..

“Pang goodbye ko sa 2008 tsaka care mo ba?” Wahehe.. last day of 2008, hindi ko kalilimutan na barahin si pareng Vincent.

“Eh kasama pangalan ko eh, of course I should care.” Ah. Ehem. Parang binalik sakin yung pambabara ah. Psh. Back to eating na nga lang. Btw, Caldereta yung niluto niya. My paborit.

After naming kumain, hindi na ko bumalik sa harap ng computer. Instead, binuksan ko na lang ang TV at saktong bumukas sa Star Movies na sakto ring ang palabas ay Nanny diaries. Dahil sa mukha siyang interesting panoorin eh pinanood ko na. Matapos maghugas ng pinagkainan namin si Vincent eh tumabi siya sakin. Pagod ang loko. Bwahahahaha!

Heartbreak #26Where stories live. Discover now