Chapter 11

1.5K 17 1
                                    

Chapter 11 [Mr. Stranger]

So kinabukasan, gabi na ako nagising. Yep. Hindi tanghali pero gabi. As in saktong 6pm. Haha.. adik ko noh? Hindi naman kasi ako ginising ni Vincent. Wala naman kasi siya reason para gisingin ako. Usapan kasi namin gigisingin lang niya ko pag papasok sa school or talaga kailangan ko ng gumising pero pag wala namang enough reason, aba’y bayaan akong matulog. Hehe..

Dahil lang sa tawag ni Kim kaya ako nagising talaga eh.

Siyempre, pag kaibigan, enough reason na para gumising.

“Happy Monthsary!” Bati ko sakaniya. Late na nga ako. Dapat kagabi ko pa binati. Hehe..

“Thank you naman. Hehe..” asus. Pahiya epek na naman itong babaeng ‘to. Batukan ko ‘to eh.. haha..

“Anong regalo niya sayo?” Siyempre noh, kapag walang regalo yang si Jaxon nakoo. Sasakalin ko yan. First monthsary pa man din ‘to..

“Yung pagpunta niya kagabi.” Watdahel? Yun lang? Nu kaya yun.

“Yun lang? Wala man lang bonggang kahit anu?” Kahit man lang sana sulat na may nakalagay na “I love you.” Grabe naman kung wala.

“Meron naman. Card. Na punong puno ng maraming sulat.” Ow. A card with so many writings.

“Yung iba corny, yung iba nakakatouch, yung iba naman nakakatawa pero yung pagpunta niya in the middle of the night ang pinakanagpasaya sakin.” Aw. Martyr talaga ‘tong si bespren oh.. haha..

“Eh ikaw? Anong niregalo mo?” Siyempre diba? Hindi porke babae siya excuse na siyang magregalo. Iba naman na ang panahon ngayon. Hehe..

“Card lang din. Walang budget eh. Haha..” haha.. si bespren talaga. Lumalabas ang pagkakuripot.

“Ok lang yun. At least meron. Haha.. nga pala, ba’t ka napatawag?” Ang kulit ko kasi eh. Tanong ako ng tanong eh siya nga pala yung may sasabihin sakin. Hehe..

“Ee kasi wala lang.. medyo naaupset lang ako.” Susme. May ikaaupset pa ba siya niyan?

“Like what?”

“Hmm.. Kilala mo si MJ?” Ay malamang. Kaklase namin yun eh. Haha..

“Malamang po eh classmate natin yun eh..” haha.. tumawa siya nung narealize niya yun.

“Eh kasi kababata yun ni Jaxon. I mean, yung Mom nilang dalawa magbestfriend. Parang yung mga mom natin.” Oh? Eh anu naman? Edi parang magbestfriend na magkapatid lang din sila?

“Tapos?”

“Parang naiinsecure ako sakaniya eh.” Watdahel?

“Eh kasi parang close sila ng mom ni Jax, tapos parang si MJ yung gusto ng mom niya para sakaniya. At obviously hindi ako.” Oh. I get it.

“Eh sino bang gusto ni jaxon? Ikaw diba?”

“Oo nga. Kaya lang bago kasi kami, last year, may something something sakanila.” Ah. Nagseselos si bespren. Pambihira.

“Hay naku Kim. Wag mo masyado isipin yan. As long as mahal ka ni Jaxon at mahal mo si Jaxon wala ka na dapat iniisip na iba.” Diba? Diba? Kunyare expert sa ganyan eh.. haha.. NBSB naman. Haha..

“Sabagay..” ayan. Napaisip si bespren.

“O siya. Matutulog na ko ulit. Pero parang feel ko mag new year shopping bukas. Sama ka?” Bukas naman na siguro yung SM bukas diba?

“Gusto ko sana kaya lang hindi pwede eh. Dadating bukas si Kuya Marion.”

“Oh?! Talaga?! Babalik na si Kuya Marion?”! Btw, si kuya marion ay ang 26 years old na tito ni Kim na kapatid ni Tita Bell. Parang kuya na namin siya ni Kim kaya Kuya rin ang tawag ni kim instead of tito.

Heartbreak #26Where stories live. Discover now