Chapter 8

2K 22 3
                                    

Chapter 8 [Two Worlds Collide]

Ang kwento sakin ni Kim, exactly 12am daw nung Dec. 1 eh naging sila nung ugok na yun.

At binalak niyang sabihin sakin at 1:30am sana yun nga lang tulog ako tapos nung nagising naman ako eh nakipagchikahan lang ako kay Vincent kaya hindi niya nasabi.

Oh well, at least nasabi parin niya.

Today is the first day of school na officially na may boypren na ang bespren ko.

Kabado ako sa totoo lang. Mas kabado pa ata ako kesa sakaniya. [kinakabahan daw siya kasi baka daw kung anu isipin ng mga tao. Ayaw niya maraming makaalam.]

Bakit naman ako kinakabahan? Eh kasi hindi ko alam kung panu mag-act around sa boypren niya. Siyempre pers niya yun eh and you know naman I hate boys. Sila Ann at Pat naman eh nagkaboypren na rin noon pero outsiders ng school namin so sa pangalan ko lang kakilala hindi yung katulad nito na makakasama pa naming ngayon sa lunch.

“Oh. Ayan na pala sila. Umayos ka Charm ah.” Bulong ni Kim nung papalapit na si Jaxon kasama si Vincent at iba pang kaibigan nilang kasama namin sa festi. Tinanguan ko na lang siya. Kunyare wala lang pero kinakabahan talaga ko. Baka maging paranoid na naman ako eh. Pambihira.

“Hey girls!” Abot tengang bati ni Jaxon nang marating nila yung table namin. Nakangiting may halong pang-aasar lang naman yung ibang lalaki maliban kay Vincent na talagang wala lang. Haha.. siyempre umupo si Jaxon sa tabi ni Kim habang yung ibang lalaki naman eh sa kung saan na lang pwede. Haha..

“Ooh.. Look who’s here. At sinong may sabi sainyong pwede kayong umupo dito?” Nakangiting biro naman ni Ann. Btw, hindi pa alam nina Sam, Ann at Pat na sina KiJa na. Tanging ako lang at yung mga kaibigan ni Jaxon pero balak namin sabihin sakanila ngayon mismo.

“Ako.” Nanlaki yung mga mata ng mga kaibigan ko sa sinabi ko. Eh kasi naman AKO pa mismo ang mangunguna na palayasin ang boys sa lunch table naming kesa imbitahan silang makiupo samin noh. Haha..

“‘Cause I wanna meet Kim’s boyfriend.” Pero mas lalong nanlaki mga mata nila dito sa pangalawang sinabi ko. Haha.. sino ba namang hindi? Kayo nga bigla nagsipag comment ng “sino si jaxon?” haha.. o diba? Hahaha..

Biglang tumayong padabog si Ann tapos tinignan niya isa isa yung mga lalaki. Haha.. natitimang din ata ‘to..haha..

“Maro.” At tinuro turo pa niya isa isa.

“Kadmiel.” But she would shake her head pag feeling niya hindi yun yung bf ni Kim.

“Vincent. Naah.. malabong ikaw, kay Charm ka eh.” Ang here comes the rolling of my eyes at pagpukpok sa forehead ko at pagtawa ng malakas ni Vincent. Masasakal ko ‘tong si Ann eh. Haha..

“Aha! Ikaw, Jaxon noh?” Like duh? Obvious much, magkatabi na nga eh. Haha..

“Kailangan ko pa bang manligaw ulit? Sa mga kaibigan?”

At dun ko naimagine na……

“Jaxon! Natapon yung juice, punasan mo nga!” Enter naman si Jaxon na nakasuot ng pampulubi at may hawak na basahan. Tapos pinunasan yung floor.

Pero nung matatapos na niyang punasan eh,

“Ay. Natapon ulit. Sorry…” bwahahahahaha!

Pwede rin yung…

“Hoy! Ang bigat ng dala ko, buhatin mo! Dali!” Agad agad naming siyang lumapit at initcha ko sakaniya yung mga dala kong dalawang malalaking paperbags, isang trolly na bag, isang backpack na may lamang malaking bato at maraming marami pang paperbags.

Heartbreak #26Where stories live. Discover now