Chapter 21 [Life and Death]
Ang weird weird ng pakiramdam ko ngayon.
Parang mabigat na hindi ako mapakali. Yung ganun.
“May problema ka din ba?” Napansin na ata ni Vince na matamlay ako ngayong araw.
“Wala, pagod lang siguro ako.” inexplicable feeling.
Nakarating na kami ni Vince niyan sa school. Tahimik na naglalakad sa corridors.
Actually, tinitignan ko pa nga yung nilalakaran ko. I mean, nakatingin ako sa floor habang naglalakad. Ang weird lang kasi ng feeling.
I just didn’t know na sa paglalakad ko ng nakayukod eh…
Poink!
May nabunggo lang naman ako. Pero nagulat ako sa biglang paghawak ni Vince sa both arms ko.
At mas nagulat ako sa nabunggo ko… sa lahat pa talaga ng mabubunggo ko ng kasama si Vince oh…
“Woah. Ingat, charm..” Si Jaxon. Si Jaxon na kasalukuyang kinamumuhian ng kasama kong si Vince.
Automatic na napatingin ang mga mata ko kay Vince. Tinitignan niya ng seryoso si Jaxon. Kinilabutan nga ako eh. at dahil sa kilabot kong yun eh tinignan ko naman si Jaxon.
Oops! Wrong move.
Lalo akong kinilabutan. Nagtitinginan sila ng seryoso. I feel the tension in the air.
“Uhm.. pasensiya na, Jax. Hindi ako tumitingin eh.” Neither of them ang pumansin sa sinabi ko. ghad. Ba’t ako pa ang naipit sa ganitong situation?
“Mag-usap tayo.” Vince broke the three-minute silence with those words.
“NO. No. You’re not going to talk to him.” Siyempre kokontra ako diba. Pero actually hindi ko alam ang right words to say at that very moment. But I know I have to say something.
Jaxon smiled. Finally, the awkwardness slowly dispersed. Though the tension is still there. Tipong may lumalabas na kuryente sa bawat nagtatamang mga tingin nila sa isa’t isa.
“No, Charm. It’s ok.” At dahil sa sinabi ni Jaxon, natuloy ang usapan nila. Siyempre wala na kong nagawa dun diba. I just watched them walk away from me, leaving me with goosebumps.
Siguro ngayon, ang magagawa ko na lang is to pray na walang maganap na gulo. I’ve watched movies and dramas na may mga ganitong bagay. It always ended up with a fight.
“Charm!” And I think the other thing I can do is to shut my mouth.
“Masaya ka ata ngayon?” Kasi mukha naman talagang masaya siya. Ibang iba sa Kim kahapon.
“Siyempre, ok na ulit kami eh.” haay… bespren, kung alam mo lang…
Fast forward natin.
Well, simula nung umagang mabigat ang feeling ko hanggang ngayong Recess time eh walang pinagbago.
It really feels like something has yet to come.
Mag-isa akong naglalakad papuntang canteen. Late kasi akong lumabas dahil may inutos pa sakin yung teacher ko. Pinauna ko na lang sina Kim, Ann, Sam at Pat.
So here I am, walking alone.
Pero nung narating ko na ang canteen…Nung nakita kong dala-dala pa ni Vince ang mga gamit ni Kim…Nung nakita kong masaya silang magkasama…
Biglang kumabog ng malakas ng dibdib ko. Not by any other means, kinakabahan lang talaga ko. And still, lumapit pa rin ako sakanila.
“Oh, nalate ka ata ng labas?”
YOU ARE READING
Heartbreak #26
Teen FictionWARNING: Prepare your heart to be broken. What if... What if there's this sign written all over the heart-breakers' faces? Will there still be hearts broken? But what if it's not your ordinary love? Will you still need a warning? Copyright © 2008 by...