Chapter 19

1.3K 18 1
                                    

Chapter 19[Goodnight, witness light]

“Actually, my son’s been here since New Year. Hindi nga lang niya kayang mag-ayos ng bahay mag-isa.”

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa mga sinabi ni Tita Cynthia. It proves more of the existence ng mysterious neighbor ko. Totoo si mysterious guy at hindi imagination ko lang.

Unti-unti siyang lumabas sa may stairs until we can now see his shadow.

And then…

“Jayden?!” Pareho kaming nagulat ni Vince kaya sabay kaming napatayo sa sofa.

“Hi guys.” Pa-inosenteng sabi ni Jade na napakamot pa sa ulo niya.

So… Jayden’s my mystery neighbor all along…

“Magkakakilala kayo?” Gulat na tanong samin ni Tita Cynthia.

“Oh good.” She said ng nakangiti (the same smile Jade has) as the two of them both joined us.

Pag-upo ko naman, bigla akong binulungan ni mama.

“Jane Denise na kulot pala ah.” Mapanukso pa ang tingin ni mama niyan. Napangisi na lang tuloy ako. Pambihira naman kasi. Naalala pa niya yun? Ghad.

*author: refer to chapter 13 kung nakalimutan na.

Nagkwentuhan muna kaming lahat sa sala habang hindi pa nahahanda yung dinner.

Hindi ko naman maintindihan yung usapan nila mama at Tita Cynthia pati na rin ni yaya kaya hindi na lang ako nakinig. Instead, nakipaglaro na lang ako kay Jessica. Yung little sister ni Jade.

Later on eh sumali na rin si Jade sa paglalaro namin ni Jess. Ang cute nung batang yun, at talagang close sila ni Jade ah. Ang cute nila panooring naglalaro. Kuya na kuya si Jade eh. haha..

Si Vince naman, nakaupo lang ng tahimik dun. Feeling ko pagod na ‘tong mokong na ‘to sa binyahe namin eh. so wala na siyang energy mangulit pa.

“Ilang taon na si Jess?” Bigla kong naitanong kay Jade. Kasi bigla akong napaisip eh. Parang anlayo ng agwat nila ng kapatid niya.

Seven. Anlayo nga ng agwat nila. Haha..

“Asan pala dad mo?” Curious lang ako. Naalala ko kasi nung SM incident namin, sabi niya hinahabol siya ng alagad ng mga dad niya. Which meant na andito sa Pilipinas ang dad niya but it seems like na wala siya ngayon dito sa house nila.

Pero natigilan si Jade sa tanong ko. tapos nagsmile na lang sakin.

“Hiwalay ang parents ko. Mula pa nung five years old ako.” Five years old palang siya? Parang ako pala, mas bata nga lang ako nung iniwan kami ng dad ko.

Pero wait!

Kung five years old siya ng maghiwalay ang parents niya at seven years old palang si Jess it means that…

“Half sister ko lang si Jess. Nasa ibang bansa pa si Tito Mike, yung dad niya na stepfather ko.” oh. Ahh… kaya pala hindi sila masyadong magkamukha ni Jess. Konti lang.

“Naalala mo pa nung nagkabungguan tayo sa SM? Di ba hinahabol ako ng mga tauhan ng dad ko?” tumango naman ako.

“Actually kasi, nalaman ng dad ko na andito ako sa pilipinas and he wanted my custody. Ako daw kasi ang tagapagmana niya but since ayaw ko sumama sakaniya because I want to be with my mom and sister, sinusubukan niya akong kunin by force.” Ahh.. yun pala yun. Madrama ang buhay ah. Haha..

Hmm.. but I think pwede kong ilagay sa Heartbreak List ko si Tita Cynthia since medyo pareho sila ng love story ni mama. So overall, pang Heartbreak #21 si tita. Ang heartbreak #19 kasi eh si mareng shobe tapos heartbreak #20 naman si mareng krizzy. Kung sino ang dalawang yun ay hindi ko alam dahil kaibigan sila ni otor. Haha..

Heartbreak #26Where stories live. Discover now