Chapter 27

1.2K 25 1
                                    

Chapter 27 [Blind-folded]

Tic.toc.tic.toc.

Tunog mula sa wall clock ko lang ang naririnig ko.

Ang tahimik ng paligid. Total opposite ng mundo kong kasalukuyang magulo.

I haven’t slept all night.

Ayaw akong patulugin ng diwa ko. it’s that or inaatake lang talaga ko ng insomia.

It’s around 4:30 am already and I haven’t slept at all so I decided to go downstairs para aliwin ang sarili ko. Hindi ko binuksan ang mga ilaw, just the TV and the DVD. Papalipasin ko na lang siguro ang madaling araw sa panonood ng movie.

I briefly scanned the cabinet where our DVDs are placed. I chose to watch Midnight Movie.

Ang tapang ko noh? Sa ganitong oras ng gabi, madilim ang paligid, eh nagagawa ko pang manood ng horror movie. Well, kahit anu naman atang panoorin ko walang effect. Dahil kahit anong panoorin ko talagang mas nangingibabaw parin yung sakit at bigat na nararamdaman ko sa mga sandaling ito.

I stared blankly at the TV screen. Ni hindi ko nga naiintindihan yung pinapanood ko eh, lumilipad ang utak ko. At ni hindi ko man lang pinansin nung may kumalabog sa may likod ko. I feel so numb.

“Di ka man lang nagulat??” I’m numb.

“I’m watching a movie.” Sinagot ko siya ng hindi man lang tumitingin sakaniya at nakatitig parin sa TV screen.

“Haaaaaaaaaaay………” exaggerated niyang sinabi yan habang umupo siya sa tabi ko.

“Anung movie ba yang pinapanood mo? HINDI KO ALAM eh. tsaka ba’t patay ang mga ilaw? Di ka ba natatakat? HINDI KO RIN KASI ALAM. Pati—“

Natigilan siya sa bigla kong pagtayo sa sofa though I’m still staring at the TV screen.

“Charm…” Vince said in a sympathetic tone.

“Inaantok na ko. Paki patay na lang.” Then I went up to my room.

I shut the door closed as I enter my room once more. Tumayo lang ako sa harap ng pinto, looking at the floor.

“Wrong move.” Nasabi ko na lang sa sarili ko.

Hindi ko na maalala kung pano ako nakatulog. Ni hindi ko nga alam na nakatulog na pala ako. Last thing I remember was that I was staring at the balcony door. At nalaman ko lang na nakatulog na pala ako dahil sa ingay…

“CHAAAAAAARM………!!!!”

Ingay mula sa karibal ko. Ingay mula sa best friend ko. Ingay mula sa tanging taong alam kong kailangang kailangan ko sa mga sandaling ito.

“Gumising ka na. Puhlease. Tatanghaliin na tayo oh. Gising na gising na gising na.” I smiled to myself. She’s unusually annoying today.

Heartbreak #26Where stories live. Discover now