Chapter 13

1.5K 17 0
                                    

Chapter 13 [Jealousy]

 

“Ang saya saya talaga. Tawa kami ng tawa, as in! hahaha.. para na nga kaming mga timang ni Vince eh. It was a blast! And then…”

Hindi ko na pinakinggan ang mga sumunod pang sinabi ni Kim.

Panu naman kasi ilang oras na kaming nakaupo dito sa balcony ng room niya and the whole time na magkasama kami eh wala na siyang ibang binunganga kundi ang kaniyang “day with Vince”.

“Hui, nakikinig ka ba?”

“Ha? Ah. OO. Pasensiya na, medyo inaantok pa kasi ako.” Hindi lang naman kasi kayo ang nagkaron ng happy day kahapon noh. Ako rin. With some stranger nga lang.

“Ay, oo nga pala. Late ka na daw umuwi kagabi. Sabi ni Vince kanina pinapak na daw siya ng lamok kaantay sayo kagabi eh.” Inantay ako ni Vince? Ahh.. so kaya pala siya dun sa sofa natutulog. Oops! My bad. Hehe..

“Mga anak, baba na kayo. We’ll eat na.” Tawag na kami ni Tita Bell. Well, the reason na andito kami sa bahay nila Kim today is because we’re having lunch with her family.

As you know, dumating na si Kuya Marion na kapatid ni Tita Bell, Tito ni Kim at kaclose rin ng family namin. Even si Vince kaclose niya. My family’s practically a family with Kim’s. And Yaya Lourdes’s family is also a family to us so in short family kaming lahat. Haha..

Sabay kaming bumaba ni Kim from her room.

Lahat andun na sa sala, kami na lang yung inaantay.

“Look at these two. Mga dalaga na. Huling kita ko sa mga ‘to eh mga bungal pa. Wahahahaha..” aw. I missed Kuya Marion’s laugh. Parang elephant kasi eh. weird. Haha..

“Hay naku Kuya. Past is past. Kumpleto na ngipin namin ngayon.” He patted my head. Adik talaga, sakaniya siguro nakuha ni Vince yung paggulo ng ulo ko. close kasi sila eh. haha..

“Di parin nagbabago si Charm, makulit parin. Haha.. Isa pa ‘tong si Vince. Aba’y binata na!” Inakbayan naman ni Kuya si Vince.

“Vince, babantayan mo ‘tong mga dalaga natin ah. Wag mong papalapitin sa boys.” Wahahaha.. nakakatawa, sabay sabay kaming nabilaukan. Haha.. panu, may nakalapit na nga kay Kim eh.. Friend pa ni Vince. Haha.. Pambihira. Haha..

“Ba’t ganyan ang mga reaction niyo? May nakalapit na ba sa kanila?!” Medyo mataas ang pitch nung second question. Haha.. ito talagang si Kuya Marion, ang weird ng personality. Pabigla bigla.

“Wala pa Marion, kaya wag ka munang magmuryot jan. hahaha..” isa pa ‘tong si Tita, ang kulit din ng tawa. Nasa lahi ata nila yung makulit natawa eh. haha..

Ang best place dito sa house nila Kim, for me, is yung backyard.

Dito kasi yung mga family gatherings like this. May isang malaking table kung saan nakaupo kaming lahat at masayang nagkukwentuhan.

Kung iisipin, puro broken families ang mga pamilya namin. Hiwalay ang parents ko, tumakas sa responsibility ang dad ni Kim, at iniwan ng dad ni Yaya Lourdes sina yaya at Vince. Pero yung broken families na yun, nagmerge and then we formed one big complete and happy family. Haha..

Heartbreak #26Where stories live. Discover now