Chapter 20

1.4K 23 0
                                    

Chapter 20 [The Break-Up]

 

Kakaiba ‘tong araw na ‘to.

Even I find it weird. Maaga akong nagising ngayon and I didn’t even had Vince to wake me up.

Ganun naman kasi ang usual. Alarm clock ko siya, chef, PA, body guard at tutor on weekdays. Iba rin ang work niya sakin pag weekends which varies depending sa kung anong schedule ko ng araw na yun.

And this day is just plain weird.

I didn’t have him to wake me up. I woke up on my own. Then I didn’t require him to make me some breakfast. Kinain ko na lang kung anu yung niluto na ni Yaya Lourdes.

Paglabas namin ng bahay, papuntang school… Hindi ko rin pinadala sakaniya lahat ng sangkatutak kong gamit. I carried some of my own things.

“Bakit?” I asked Vince. Nakakailang na kasi. Kanina pa niya ko tinitignan ng weird look.

“Wala.” Wala? And then he keeps on looking at me with that look? Watdahel.

“Bakit nga?” Medyo irritable na yung tono ko.

“May sakit ka ba?” Hindi parin nagbabago yung itsura ng mukha niya.

“Kita mong ang sigla sigla ko, tatanong mo pa kung may sakit ako.” Kung may sakit ako edi sana hindi ako naglalakad ngayon sa tabi niya para pumasok sa school. Though alam ko rin namang nawiwierdan lang din siya kaya siya nagtatanong.. hehe..

“Eh ba’t ang bait mo ngayon?” Lagi naman akong mabait ah. Haha.. Ngayon nga lang ako nagging mabait sakaniya. Yun yun. Haha..

“Di ko alam.” Sabi ko tapos ngumiti ako ng wide. Haha.. at binilisan ko nang maglakad papunta school. Nakita ko namang ngumiti na lang din siya as we reached the school.

Pero hindi namin alam na biglang babawiin yung ngiti naming yun pagdating namin sa classroom.

“Charm!” Bigla akong niyakap ni Kim pagpasok na pagpasok ko sa classroom. Nagkatinginan pa kami ni Vince. Weird day, huh?

“Oh, bakit?”

Hindi siya sumagot pero nagstay lang siya sa pagkakayakap sakin. There was a moment of silence saming tatlo hanggang sa naramdaman ko na lang basa na yung uniform ko at narinig naming yung mga sobs ni Kim. Ngayon tuloy hindi lang ako nawiwierdan, naguguluhan pati.

“Kim? Umiiyak ka ba?” Nagkatinginan ulit kami ni Vince niya kaya nakita ko yung mga mata niya. It’s expressing some sort of di ma-explain na feeling.

“Kim.” Lalo pang tumindi yung emotion na yun nung binanggit niya yung pangalan ni Kim sabay ng paghagod niya sa likod ng bespren ko.

“Uhm… may gusto ka ba kay Kim?”

 

Nang mga sandaling yun, parang huminto ang mundo naming dalawa.

Technically, napatigil din kami ng paglakad. Nagkatinginan kaming dalawa.

Heartbreak #26Where stories live. Discover now