Chapter 29

1.4K 26 4
                                    

Chapter 29 [Last Night]

Prom night.

“Omighad.omighad. hassle naman kasi eh. yung mga bagahe ba ready na for tomorrow? O look, Gerard’s call—“ natigilan si mama nung kinalabit ko siya.

“You look beautiful honey.” Tapos ngumiti si mama. Siyempre ngumiti din ako.

“Tsk. Ang ganda talaga ng anak ko. manang mana sa tatay niya.” Haay. Si papa talaga. Pinupuri na naman ang sarili niya through me. Haha..

“Gerard calling.” Sabi ni papa kay mama sabay turo sa LCD ng cellphone niya.

“O yeah. Hello? Gerard? Ayos na ba yung…”

My parents are so busy today. Andami dami nilang inaayos since bukas na nga ang alis namin.

At nagkataon pang ngayon ang Prom ko so hindi talaga magkasya sa isang araw lahat ng agendas.

I looked at myself in the mirror. Kahit sinasabi nilang maganda ako ngayon, I really doubt kung pupunta pa ko. baka kasi pumunta ako dun tapos…

Wala pala yung date ko.

“Anak…” nilapitan ako ni Yaya Lourdes.

“Dalagang dalaga ka na, anak. Sa totoo lang, hindi ko lubos maisip na ikaw yung baby na hinehele ko 15 years ago.” Sabi ni Yaya nang nakangiti. Nahiya naman ako, pati ba naman yung childhood ko inuungkat ni yaya. Haha..

“Yaya…” naiiyak naman ako. Labs ko kasi si Yaya eeee…

“Charm, anak. Alam mo bang proud na proud ako sayo? Sa paggawa mo ng mga desisyon, pinatunayan mong you have grown as a person. Kaya mo nang tumayo sa sarili mong mga paa. At sa totoo lang, kahit magkakahiwalay na tayo, masaya parin ako.” Bummer. I hate this.

“Yaya naman eee..” feeling ko talaga si yaya ang isa sa pinakamalaking kahinaan ko. nakakainis.

“Mamimiss kita, anak. Pero masaya ako dahil sa wakas, mabubuo na yung pamilya mo. Mas kailangan mo yun above everything else.” Aww. Iyak na ko. naman eee..

“Masaya ako para sayo, Charm. Ikaw ba, anak? Masaya ka?”

Sa loob ng kotse, tapat ng Bellevue lobby.

Nakakatuwa naman. Kumpleto lahat ng favorite people ko. Anjan si Pat, at ang date niyang si Macky , si Ann at ang kagulat gulat na si Sean, si Sam at ang kadate niyang si Kadmiel, si Kim at siyempre ang katabi ko ngayong si Vince.

Oo, kumpleto sila. Maliban kay Jayden.

“Wala pa siya. Sigurado ka bang aantayin mo siya?” Tanong sakin ni Vince na katabi ko dito sa kotse.

“Siya ang date ko.” I firmly answered him.

“Pwede rin naman kasing kami nalang ng mga kaibigan natin ang date mo. Pareho lang yun. Baka nga mas maging masaya pa ang Prom mo pag kami ang kasama mo eh.” hindi makatingin sakin si Vince nang sinasabi yan. Natawa na lang ako. Haha.. Alam ko naman kasing nag-aalala lang talaga siya na baka masaktan lang ako.

Pero…

“Siya ang date ko.” napabuntong hininga na lang si Vince tapos bumaba na kami sa car at nakihalubilo sa mga kaibigan namin.

Maya-maya…

“Charm, pasok na tayo. Baka hinahanap na tayo sa loob eh.” haay..

“Sige, mauna na kayo. Susunod na lang ako.” Nagtinginan naman sila tapos nalungkot yung mga mukha pero sumunod naman sila sa sinabi ko.

Heartbreak #26Where stories live. Discover now