Chapter 15

1.5K 17 3
                                    

NOTE: BIBI! DITO ATA NAGSIMULA ANG PAMBUBULLY MO! HAHA AT SINO NGA ULIT SI JOSEPH? HAHAHAHAHAHAHA

Chapter 15 [Heartbreak #17]

 

Kim is happy today.

Dahil mahal ko si Kim, kinausap ko si Kuya Marion to give Jaxon a chance.

After all, hindi naman talaga nila mapipigilan kung nagmamahal yung dalawang tao diba?

Isa pang reason na nag-udyok sakin eh yung pagkadevastated ni Jaxon nung malaman niyang napakalaki ng possibility na magbreak na sila ni Kim because of the Kuya Marion and Lolo thing.

I know na sinabi kong medyo mas boto na ko kay Vince for Kim now pero siyempre dun parin ako sa kung sino yung mahal talaga ng bestfriend ko. I told Vince about what I was about to do bago ko kinausap si Kuya Marion and he said,

“Go, do it. I’ll support you. Hindi naman porke sinabi kong may gusto ako kay Kim eh aagawin ko na siya kay Jax. Siyempre, I still want the best for them, for her. Kung san siya masaya. Kung san ka matatahimik.”

Edi fine, sinabi ko nga. So ayun, sa awa ng Diyos eh pinakinggan naman ako ni Kuya Marion.

May tiwala daw siya sakin eh. And after all, paalis na rin naman siya ulit.

Snap!

“Hui. Tulala ka? Tara na. Kanina pa si Vince nakatayo sa pinto o.” Uwian na kasi, nag-aayos ako ng gamit kanina bago siya magsnap sa harap ng mukha ko. Sabay sabay kasi dapat kaming uuwi ngayon. Pero…

“Sorry naman. Naalala ko kasing may dapat pala akong bilhin. So kayo na lang, dadaan muna akong Paseo.” Napataas pa ang kilay ni bestfriend at biglang napunta sa waist niya ang dalawang kamay niya. Haha..

“Edi pumunta na tayong lahat sa Paseo. Samahan ka na namin para masaya.” Ugh. This is going to be hard.

“Hindi na. Ako na lang. Gusto ko rin sana mag… ME time. You know.” At siya’y napa “ahhh.” Ng malaki ngunit walang sound.

“So..” I picked up all my things and…

“Una na ko ah. Bye.” Left.

Nagulat si Vince nung lumabas ako ng pinto at dinaanan ko lang siya. Pero nakangiti naman ako at I made sure to look in his eyes.

“Oh? San tayo pupunta?” Hmm..

“There’s no “tayo”.” I said, still smiling. Just in time ng paglabas ni Kim at pagkamot sa ulo ng taking-takang si Vince. Then, I vanished before their very eyes.

I walked along the corridors of the school. Nawala na yung big smile na pinakita ko kela Kim at Vince kanina. Siyempre, mag-isa na lang ako eh. Alangan naman ngumiti pa ko ng pagkalaki-laki diba. Edi nagmukha akong tanga nun. Haha..

Pero yun nga, maraming students na nagpadaan daan sakin. Hanggang sa unti-unti silang pakonti ng pakonti habang palapit ako ng palapit sa labas ng school until ako na lang mag-isa ang naglalakad.

Heartbreak #26Where stories live. Discover now