Chapter 3: Dating Crush

1.7K 41 6
                                        

Ron's POV

Ang aking first stop ay sa bahay nila Andrea at yung kapatid niyang si Gelai

DESCRITION:

Andrea: Cute, maganda, short hair (Hanggang braso lang) at siguro mga five feet tall, masyado maarte nalang.

Gelai: mahaba buhok at mag-kasing height lang sila ng ate niya.

Ay! Oo nga pala, Hindi ko pa sinasabi kung ano itsura ko no, Edi ito oh.

Ron: Kasing Height ni andrea (pero matangkad ng onti) at nakasalamin na paraang kay harry potter, at may magulo na buhok.

Para sakin masyado awkward na pupuntahan ko si Andrea dahil dati ko siyang crush, so magiging interesting ang storya natin niyan.

Nandon nako sa harap nang bahay nila, ang problema ko ngalang ay merong mga pitong zombie na kumakalmot sa gate nila.

Bumaba ako nang jeep ko at bigla kong sinaksak tatlo sakanila, binaril ko yung tatlo pero hinila ako nung isa at hinulog ako sa sahig, kakainin na niya sana ako pero biglang sumabog yung ulo niya.

Pagkatapos kung punasin yung dugo ng zombie sa mukha ko nakita ko kung sino yung tumulong sakin.

"Andrea!" Sinigaw ko.

Nandun siya sa harap ko, as usual, ayun itsura niyang maganda, except ngayon meron siyang hawak hawak na double-barrel shotgun.

"Ronald!" Sigaw niya. "Anong ginagawa mo dito?"

"Ah, walang lang" Tumayo ako. "Nag-Jogging lang ako habang may Zombie apocalypse, SYEMPRE NANDITO AKO PARA TULUNGAN KAYO!!!"

"Hindi mo naman kaylangan sumigaw" Sagot niya. "Pumasok ka muna habang wala pang zombies"

Yung buong bahay nila ay naka barricade, as in talagang nakapako yung mga pintuan at bintana nila.

Pero may pasukan sa likod nila.

"Nasan si Gelai?" Tanong ko.

"Nasa Kitchen kumakain" Sagot niya.

Nang pagpasok namin sa kitchen ay nandun si gelai kumakain.

"Kuya Ron!" Sigaw niya. "Buhay ka pa!"

"Hindi Gelai, Yung multo ko lang ang nakikita mo" Jinoke ko.

Hinug nya ko, at naisip ko, namimiss ko na ma hug ng isang tao.

Umupo si andrea nang parang merong unsatisfied na look sa mukha niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.

"Parang di-ka masaya na nandito ako?" Tanong ko. "O yung fact na bukay pa ako"

"Ano nga ba ginagawa mo dito kuya ron?" Tanong ni gelai.

"Well, meron akong plano na hanapin lahat ng mga kaibigan natin at pumunta sa mas safe na lugar na kung saan walang zombies" In-explain ko.

"May resources kaba?" Tanong ni andrea.

"Oo" Sagot ko. "Meron akong military Jeep sa labas na puno ng armas at kung ipagsasama lang natin ang pagkain natin baka maka manage tayo"

"Ako Okay lang sakin na sumama" Sabi ni Gelai. "Eh ikaw Te?"

"Pagiisipan ko muna" Sagot ni Andrea. "Matulog na muna tayo, gabi na"

Pumunta si Gelai sa kwarto niya at nakita ko isa nalang yung available na kwarto.

"Huy Andrea" Tinawag ko siya. "Magkatabi ba tayo?"

"Oo" Sagot niya. "Sa panaginip mo, Ano ka ba!?, Doon ka sa sopa sa living room"

Natulog ako sa sopa habang ang baril at kutsilyo ay nasa lamesa.

Natulog ako ng mahimbing ng walang panaginip na sagabal.

Nang bigla nalang ginising ako ni Gelai.

"Kuya Ron! Kuya Ron!" Sigaw niya.

Nahulog ako sopa at sinabi. "Ha? Bakit?"

"May mga zombies na nakapasok!" Sinigaw niya.

"Ha! Pano?!" Tanong ko.

"Nakalimutan kong i-lock yung back door kagabi" In-explain ni Gelai. "Anong gagawin natin"

May bigla akong naisip.

Andrea's POV.

Buti nalang na patay ko na lahat ng zombies sa loob ng bahay, pero ang dami parin na nakapasok sa gate, Siguro merong mga fifty na zombies.

Biglang pumunta si Gelai.

"Oh nasan si Ron?" Tanong ko.

"Hindi ko alam" Sagot ni Gelai. "Sinabi ko kung ano ang nangyare tapos biglang lumbas siya sa front door."

Sabi ko na nga ba duwag yang si Ron, onting zombies lang at tatakbo na yan, Parang rin dati, nung duwag siyang manligaw.

"BEEP! BEEP!" may nag honk na Jeep.

Biglang may malaking military jeep na nag reverse sa gate at sinira, lumabas si Ron sa likod habang may hawak na machine gun.

"Say Hello To My Little Friend!!!!" Sinigaw niya.

At bigla niyang binaril lahat ng mga zombies hanggang sa patay na lahat.

Tumakbo si Gelai kay Ron

"Kuya Ron!" Sabi ni Gelai. "Kala ko Iniwanan mo na kami"

"Alam mo naman hindi ko yun magagawa" Sinabi niya biglang lumapit siya sakin. "Siguro kala mo hindi na ako babalik, O ano sasama ka na ba?"

"Sige na nga" Sagot Ko. "Baka kasi mamatay ka pag wala ako."

Ron's POV

Napasama ko na sila Andrea at Gelai.

Nandun sila sa likod natutulog ng mahimbing.

Deserve nila yun dahil sa rami ng pinatay nilang zombies (syempre mas marami akong napatay)

Hindi nila alam pero gagawin ko lahat para ma tulungan sila through out sa zombie apocalypse.

Hindi ko alam pero parang masaya ako na buhay pa si andrea ngayon na hindi mo alam kung tao pa siya o zombie na.

ZOMBIES SA PILIPINASMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon