Chapter 19: Pano nga ba?

517 15 1
                                    

Libay's POV

Wag niyo akong tignan ng ganyan, pano ko naman hindi siya matatamaan ng ganon?

Yung Tao na iniyakan mo ng sobra kasi akala mo namatay ay bigla nalang susulpot. . .tapos walang Hi! O WALANG HELLO! O KAYA HOY! BUHAY AKO!

Pero, Noooooooooooooooooooo, magiging mayabang siya at sasagipin nanaman ang buhay namin!

So nandito siya, Walang malay sa likod ng kotse habang nagtataranta sila ate Aica.

Ate Aica: Pano nabuhay si Ron?

Karl: Saan nanggaling yung armalight niya?

Ate Angela: Nasan na yung Helicopter niya?

Gelai: Wala na akong matatanong so let's skip to the next POV

Libay: Wait! Teka lang!

Andrea's POV

Nasa tabi ko si Ron habang natutulog, well actually. . .wala siyang malay pero whatevs.

Tinignan ko si Ron, yung lalake na walang ginawa kundi mag alala para sa aking kaligtasan, well hindi lang ako syempre, sila gelai, kyle karl, libay. . .

Biglang naalala ko yung isang beses na sinubukan niya akong ligawan nung wala pang mga zombies.

Valentines day ata yun at uwian na sa eskwelahan namin, ng biglang tumatakbo papalapit sa akin si Ron, (Dati, palagi kong sinusubukan i-Friendzone lang si Ron dahil hindi ko naman siya masyado gusto)

Lumapit sa akin si Ron at meron siyang dala-dalang tsokolate at isang pulang rosas.

Ron: (Binigay sa aking ang Valentine's gift niya) Hi Andrea! Happy Valentine's nga pala!

Andre: (Kinuha ko ang regalo niya) Ummm. . .Salamat Ron, pero alam mo naman na hindi mo na kaylangan mag bigay diba?

Ron: Alam ko. . .pero naisip ko na parang sweet kapag binigyan kita ng valentines gift.

Andrea: Ah, sige thanks nalang Ron, Ummm may kaylangan na akong puntahan so sige ha? (umalis)

Ng paalis ako ay nakita kong ang saya saya ni Ron.

Alam kong mabait siya pero minsan talagang ang weird niya.

Nung pauwi ako nung araw nayon ay may nakita ako sa mga gifts niya, doon naka tali sa rosas ay isang nakagulong na piraso ng papel.

Binuklat ko ang papel at napa 'Awwwww' ako sa nakita, Nakasulat sa papel, na meron sigurong apat na stanza ay isang TULA!

Na-cute-an lang ako dahil COME ON! Sa ganitong henerasyon sino pa ang nang liligaw sa isang babae ng tula? Mas lalo na ang ganitong ka lalim at ka sweet na tulo.

Ngayon, Hindi ko na maalala ang buong tula pero naalala ko yung titolo.

"Aking Munting Bulaklak"

Ron's POV

Aray. . .

Ang una kung naisip nung nagising ako at sumasakit parin ang mukha ko.

Tumaas ako at umupo, sa paligid ko ay si Andrea, Libay, Kyle, Karl, Gelai, Ate Aica at Ate Angela.

Ron: 'Sup

Libay: 'Sup? 'SUP! Wag mo kaming 'Sup-Supin! magpaliwanag ka!

Ron: Ummm. . .Uso po ang Hi! Or Hello! sa mga tao libay, ang hindi uso ay suntukin sila sa Mukha!

Libay: Dapat lang sayo yan! Alam mo ba kung gano ako nag alala! na-miss kita Ron! At ako nanditong umiyak. . .Este, KAMI ditong umiyak dahil akala namin na patay ka na!

ZOMBIES SA PILIPINASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon