Chapter 35: Ang tulong ni Bernardo Carpio

316 12 1
                                        


Ron's POV

Kung isa akong kulungan ng mga taong na-survive ng zombies apocalypse. saan ako magtatago?

Kaka-arrive lang namin sa spratly islands. buti nalang bumanga ito sa palawan, kundi hanggang next week pa kami makakadating dito.

Kuya Zach: Baka doon sila tinago.

Carl: Hindi baka dun.

Kyle: Hindi! Doon

Andrea: Ugghh. . .wala tayong mataapos kung puro nalang tayo nagtuturo.

Gelai: Kaya nga, walang mangyayare kung wala kang gagawin.

Ron: Daaaaang girl! laki ng hugot nun ah.

Kuya Zach: Aarrghh! Makakapunta na si Les hindi pa natin sila nahahanap.

Dek: Ayun oh!

May tinuro si Dek na isang parang opening, na nasa gitna ng dalawang bundok.

Luna: Oh edi ano pang hinhintay natin? Pasko?

Tuloy rin namang parang kumukulimlim na ang langit, uulan na, magandang weather para kapag makikipag digmaan na.

Pumasok kami sa loob ng kweba at natakot kami sa mga nakita namin.

Mga gasgas at marka ng mga kamay sa pader ng kweba.

Ron: Jojo, Ano yan.

Nag-mumukhang malumbay si Jojo.

Jojo: Dito na kinulong ni Les ang mga kasamahan ko.

Libay: Nasaan na sila?

Sabay-sabay kaming nagsalita dahil alam naman namin yung sasabihin niya.

LAHAT KAMI: Pinatay sila ni Les.

Jojo: Oh edi kung alam niyo na pala edi bakit kayo nalang mag-kwento.

Carl: Hindi naman kasi sa ganon, para lang kasing paulit-ulit yung kwento kay Les.

Kyle: Kaya nga parang hey! Whats up with your friend? Tapos biglang "Pinatay siya ni Les"

Andrea Kaya nga, wala ng maisip author natin.

Les: Oh bakit ka iiyak?

(Cue onimous and dramatic organ sound playing)

Nabigla kami lahat ng nasa likod namin si Les at lahat ng nga tauhan niya.

Ron: Les!

Les: The one and only.

Ron: Bakit? Sinabi ko ba dalawa ka?

Les: Hehe. . .alam mo Ron, gusto kitang patayin since the day we met.

Ron: Ako rin.

Gelai: Gusto mong patayin sarili mo nung nagkakilala kayo ni Les?

Ron: No. . .I mean. . .Shh, sinisira mo moment ko.

Les: Alam mo?

Ron: No hindi ko alam.

Les: Patapusin mo ako!!!!

Yumanig ang buong kweba.

Les:. . .Alam mo, nung ninakaw mo ang ship ko at ginapos mo ang mga tauhan ko, pinangako ko sa sarili ko na papatayin kita.

Ron: Oh sana hindi mo kini-keep ang mga pangako mo.

Les: Pero may mas naisip akong mas maganda.

Ron: At ano naman yun?

Les: Iiwan ko nalang kayo dito, sa kwebang ito, para magdusa at mamatay sa gutom.

Andrea: No!

Alyssa: You can't do that!

ZOMBIES SA PILIPINASMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon