Zach's POV
Tumakbo kami lahat sa gilid ng bangin at sinisigaw ang pangalan ni Ron.
Zach: RON!!!
Via at Luna: RON!!!
Libay at Andrea: RON!!!
Rachel, Aica at Angela: RON!!!
Alyssa at Gelai: RON!!!
Karl at Kyle: RON!!!
Halos sampung minuto kami paulit-ulit naming sinisigaw ang pangalan ni Ron.
Hanggang sa alam ko na wala na at huminto na ako, pati narin sila karl at kyle, tumayo nalang sila at naglakad lakad ng parang di alam ang gagawin.
Si Libay at si Andrea naman ay umiiyak na habang sumisigaw.
Sila Via, Luna, Gelai ay sinusubukang pabalikin sila Libay at Andrea sa kotse, pero kahit sila ay umiiyak rin.
Si Rachel, Aica at Angela naman ay nagsisitaranta.
Alam kong hindi kami nagkasundo ni Ron, pero siya lang totoong may plano sa aming lahat, kapag wala siya, di na namin alam ang gagawin namin.
Nang walang nakakapansin ay Tatlong Oras na ang lumipas.
Andrea's POV
Hindi ito posible. . .Hindi lamang ito posible.
Nandito kami ngayon, tahimik sa kotse, walang nagsasalita.
Si Libay nasa isang gilid, umiiyak ng magisa.
Sila Gelai, Karl at Kyle ay nakatahimik lang.
At si Ate aica ay nagmamaneho, pero nakikita ko ang luha na bumababa sa mukha niya.
Hindi lang kasi patas yun.
Ang huling gawain ni Ron ay niligtas kami ni Libay. . .Nanaman.
At ano ang gantimpala niya? Mahulog sa isang bangin kasama ang mga zombies sa kotse.
Hindi. . .Hindi ko pa nasabi sa kanya na. . .
Bakit ba hinihintay natin na hanapin ang tamang oras na gawin ang isang bagay, pero kapag nandoon na ay pipiyok ka?
Gelai: Ano nang gagawin natin?
Tinigil ni Gelai ang matagal ng katahimikan.
Libay: Hindi ba obvious? Pupunta tayong pangasinan at kukuha ng bangka papuntang palawan.
Gelai: Hindi yun yung tinutukoy ko ate. . .pano si. . .
Hindi masabi ni Gelai ang pangalan ni Ron.
Karl: Wala tayong magagawa Gelai, Kaylangan natin sundan yun plano ni R. . .ni Ron.
Napapaluha ang bawat isa sa amin sa tunog ng pangalan niya.
Kyle: Ate nasan na tayo?
Ate Aica: Nasa tarlac na tayo, matutulog lang tayo dun ngayon at bukas. . .pupunta na tayong pangasinan.
Kahit parang nag aaktingan kami na normal ang lahat, alam namin sa loob ng isa-isa't ay gusto naming nandito si Ron.
Libay's POV
Hindi ko alam na pwede akong ma "attach" sa isang bagay na ganitong kasaklap.
Parang may parte ng puso kong nawala.
Alam ko na parang baliw ako nag magsabi nun pero dahil doon hindi ako nakatulog buong gabi.
Naka tinggin lang ako sa labas ng naka barikada namin na motel room.
BINABASA MO ANG
ZOMBIES SA PILIPINAS
HumorSa isang post-apocalypse na storya ni Ron, na kung saan nagka zombie break out sa buong mundo at tsaaka sa minamahal niya na Pilipinas! Ano kayang gagawin ng ating bida?!?! Let's Join Ron as pumunta siya sa mga iba't-ibang mga taong kilala niya no...
