Chapter 2: Wag Mamatay

2K 45 19
                                        

Ron's POV

Nandito na ako at nakaready na sa pintuan ang mga armas ko at pagkain, ang gagawin ko ay ito:

1. Lumabas

2.Wag Mamatay

3. Pumunta Sa Kalye

4. Wag Mamatay

5. Tignan kung merong mga zombie

6. Wag mamatay

7. Patayin na matahimik ang mga zombie

8. Wag parin mamatay

9. Kunin ang jeep at i-park sa harap ng bahay

10. Talagang wag mamatay

11. Ilagay ang armas at pagkain sa jeep

12. Gawin habang hindi mamatay

13. mag drive sa bahay ng mga kaibigan kung buhay pa sila

Kumuha ako ng isang pistol at kutsilyo sa arsenal ko at tumingin sa labas ng bahay kung may zombies.

Wala naman salamat sa diyos, pero alam ko meron sa kalsada.

Lumabas ako ng bahay, lumabas ako ng gate at slowly lumakad sa kalsada.

Nung nasa kalsada ako nakita ko na yung Militar na jeep.

"Nyaaaaar!!!!" may sumigaw sa tabi.

Nagulat ako ng may sampong zombes na papunta sakin.

Binaril ko sila lahat ng easy lang pero may bente pa na pumunta sa sakin dahil siguro narinig ako.

Lumapit ako sa isa at sinaksak sa ulo, ginawa ko sa tatlo pang zombie, pero yung iba ay malapit na masyado kaya binaril ko na sila.

Naka baril ako ng pito hanggang sa nawalan na ako ng bala.

"Ay gagi!" Sinabi ko. "Ano na ngayon?"

Tumakbo na ako sa jeep, Ni-lock ko agad yung door at pati rin yung sa likod, at habang naka upo ako don, siguro may 50 na zombies na kumakamay sa window ng jeep.

Drinive ko yung jeep over and over sa mga zombies hanggang sa patay na sila lahat.

Hayaan niyo, mga ilang minuto lang at puno na ulit yung kalsada namin ng mga zombies.

Pinark ko yung jeep sa harap ng bahay at binilisan kong ilagay yung mga resources ko sa likod.

Ilalagay ko na yung last na gamit ng biglang may zombie na humawak sa kamay ko.

Buti nalang baril yung hawak hawak ko, binaril ko yung zombie sa ulo at nahulog siya sakin, at hinulog ko siya sa sahig.

"Yuuuck!" Pinunasan ko yung sarili ko sa dugo na panis. "Alam ko na wala masyadong isip itong mga zombie, pero nakuha niya ako don ha!"

Siguro may nakarinig yung putok na baril ko dahil may Tatlumpong zombie na papunta na sakin, binaril ko yung tatlo pero meron ulit zombie na lumabas sa likod ko at hinila ako sa paa.

So nandun ako, naka dapa sa sahig habang may mga zombies na kakainin nako.

Hindi ko naisip na gayto pala ako mamamatay.

"Ayoko Nga!" Sinigaw ko at tumayo bigla.

Sinaksak ko yung zombie sa likod ko, at binaril ko lahat nung nasa harap ko hanggang wala na, pero may pumapasok parin na army ng zombies galing sa kalsada.

Pumasok ako sa jeep at binuksan ang kotse.

"Kayalangan na nitong mga zombies mamatay. . .ulit" Sinabi ko sa sarili ko.

Binanga ko lahat ng mga zombies na makita ko hanggang sa patay na lahat.

Lumabas ako ng jeep feeling proud sa sarili ko.

"Sa tingin ko magiging ok lang ako sa zombie apocalypse" Sinabi ko.

Nang biglang may humawak ulit na zombie sa kamay ko.

Binaril ko siya at nahulog siya sa sahig.

"Anong bang meron sa kamay ko at nagugustuhan ng mga zombies?!?" Sinigaw ko.

So ngayon papunta na ako sa mga kaibigan ko kung sino pa sakanila ang buhay pa o naging isang nilalang na wala lang gusto kundi kumain ng tao.

ZOMBIES SA PILIPINASMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon